火曜日, 10月 31, 2006

the light at the end of thesis

thesis


waw. may nakakita na nga ba?!? amf!!

金曜日, 10月 27, 2006

here it goes... AGAIN

matagal na kong nananahimik. matagal na matagal na! ako na nga ang umiiwas, inde ko pa rin maisip kung bakit inde ako makapagtago ng todo todo. crap. naalala ko nung nagpost ako ng rant tungkol din sa issue na to. however, different person yung sa dati. ngayon iba na naman.

ANO BA? ANO BANG PROBLEMA NIO SAKEN?!? PINAPAKELAMAN KO BA KAYO?

haayy. ewan! bahala kayo sa buhay nio. mga sarili nio problemahin nio. nakakayamot kasi talaga. ayoko kasi ng ganun. graduate na ko sa bagay na yon. tinapos ko na ang buhay ko na ginaganun ako. baka gusto nio ding pilitin ko ang sarili ko na grumaduate sa pagiging tahimik sa kabila ng mga backstabbang nangyayari. tinuruan ko na sarili kong magsalita kahit papano. baka gusto nio na ng sample. sabihin nio lang.

PUT OTHERS DOWN BUT MAKE SURE THE ECHO ONLY BOUNCES WITHIN YOUR WALL.

inde ko kilala. never nio kong nakilala. kaya wag niong pinapamukha saken na kaya nio ko. malakas nga ang pwersa nio. eh anu naman? ako talaga, tengang kawali sa ganun, wag lang sobra na. cge lang! bahala na si lord senyo. marami pa rin tayong kakaining bigas.

月曜日, 10月 23, 2006

amf

sige. sumabay kayong lahat!

amf!

月曜日, 10月 23, 2006

on the way to calvary

cge. magpost pa rin kahit masamang masama na pakiramdam amf. sumabog na ko eh. ahehehe

pinapatay ng thesis. nakakayamot mag-aral. ang daming inde nakikisabay. eto enumerate ko.

-most of our sources can be acquired in IEEE (institute of electrical and electronic engineers). eh nakakayamot naman eh. ang damot damot dun. may fee ang lahat ng transactions dun. nakakainis. inde pa kami makahanap ng faculty sa ust na pwede naming mahingan ng favor para maiDL namin lahat ng kailangan namin.
-inde kami makahanap ng mismong implementation ng gagawin namin. pano kaya yun?
-ang daming babasahin, inde alam kung anu uunahin. T_T
-walang printer. lecheng printer, sira. di maiprint ang gustong basahin para inde mahirapT_T

eto matindi:
-ngayon pa sumabay ang grabeng sipon na to. apektado buong sistema ko. buhuhu. ang hirap talaga. eto eksena:

sinong inde tatamarin na magbasa ng sandamakmak na pdf sa harap ng pc. maliban sa aantukin ka, sasakit pa mata at ulo mo. tapos eepal pa ang sipon na to. mas masakit sa ulo. inde ka pa makahinga nang maayos. grabe. maluha luha na ko dito. T_T T_T iyak na lang talaga. pag tinulog ko, mas sasakit pa ulo ko. amf. sarap magwala. wrong timing. pwede namang magkasakit pag mejo ok na ang mga bagay bagay.

kalbaryo to. kalbaryo. gustong gusto talaga akong pinahihirapan no? huuuuuuuhhhhuuuuu..

ge lang. aja. matapang ako. ahahaha

cge yun lang. di ko na talaga kaya eh. subrang bigat na talaga. kahit mahirap ang lagay, wag lang lalala ang sakit. mahirap na at nahahapit. amf!

cge. babayu. @_@

木曜日, 10月 19, 2006

a full blooded CSD.

maybe it's early for me to post this but i might forget my thoughts on the more appropriate time. kaya sige. banat!

lesser people yet more enjoyed event. we were only 22 compared to last year's 26. the plan was supposedly the complete survivors of csd which is 29 plus our former classmates who still have contact with us. but unfortunately, due to unexpected matters....iyak na lang.

same place. hehe. congrats to jm! haha. inde na ulit kami naligaw! hehehe. we were able to arrive at hacienda jose on our expected time. yey! tas ayun, lusong na, ihaw ihaw pero mejo nahiwalay ang mga boys kasi nagbasketball sila. kasi naman, nagdala pa ng bola! amf. hahaha.

ayun. the event will not finish unless the bonding happens. ganyan naman kami eh. mahilig sa bonding. wala naman ginawa kundi magreminisce. sisimulan nung ust tour hanggang sa recent na pangyayari. hahaha. tinatawanan pa rin kahit paulit-ulit. inde nagsasawa. yun ang trip at yun tlg ang common sameng lahat.

everyone said something. kahit anu pero inde mawawala ang "THANK YOU KASI..." in alphabetical order pa kami nun. sama sama kami dun sa jacuzzi haha. kahit madalim na at nagagalit na samen si manong driver, tuloy parin kami. hehehe. naalala ko ung common na comparison ng CSD sa highschool life. (pinapalabas ko na ang CSD ang college life namin). iba kasi talaga mga prengs. included ang sarili ko sa mga nagprove nun. natatandaan ko din si ja, si xtian na nagcompare nian.

-> kakaiba ang csd kasi eto ang unang section na nagkaron ako ng malaking grupo ng mga prengs. from "nakikisama" kung kani kanino ung grade school, to a group of 4 nung highschool to a group of one section nung college. ayus na ayus. sa csd ako natutong maging EXTROVERT. totoo yun. kaya inde ko nahirapan makibonding nung lumipat ng section.
-> kakaiba ang csd kasi WE ARE ONE! walang group ni ganto, group ni ganun. isang section, isang barkada. topic ng isa, topic ng lahat. di ka mao-OP kahit kanino ka sumama. WE are ONE FAMILY. subra. hehehe
-> kakaiba ang csd kasi kasi tulungan talaga. proven ng group study sa OR at numerical. walang laglagan ^_^
-> kakaiba ang csd kasi gaya ng sinabi ni betz, kayang sakyan ang trip ng bawat isa. totoo. minsan kahit jologs ka na, ok lang. minsan sasamahan ka pa. wala talagang iwanan sa ere. yeahba!
-> kakaiba ang csd kasi full support ang lahat. eto prengs personal to. inde ko nasabi kahapon pero tenks sa support. yang tenkyu na yan eh kasama na din yung mga inde nakasama kahapon. alam nio na yun. ung personal stuff tungkol saken. naiiyak ako kasi nagulat ako sa sobrang suporta. sa pagsasabi sa ken na "MALAY MO." sa pagsakay sa mga pantasya ko sa buhay. hehehe. salamat talaga.
-> kakaiba ang csd kasi mahal namin ang isa't isa. walang laglagan. tenkyu talaga prengs sa lahat ng pinagsamahan. aylabyu poreber. sana ganto pa rin tayo kahit magkakahiwalay na tayo. T_T basta next stop natin, SA BORA NA!! hahahah. :P

best section? para samen oo, kasi ung iba naman, best din nila ung HOME SECTION nila. kanya kanya lang tayo ng gusto. happy ako at dito ako pinanganak. subra. wala akong masabi sa pinagsamahan natin guys. panalong panalo. tenks! tenks! tenks! <3. kung may problema man, iopen lang.

dun sa mga di nakasama, nakakalungkot lang. pero ok na. hehehe. ganun talaga ang life. :D sa susunod, sama na talaga kayo!!! ^_^ yun lang.

mga pictures. soon to be uploaded. ehehehe. :D

月曜日, 10月 16, 2006

general assembly.

in my four years in college life, last night's GA was the best. hehehe. aside from the presence of the growling tigers, the guest band (tribe of levi) brought the crowd in front, the food was nice, and the place compared to the past GA venues was ok. ayus!

-- napasayaw ako. haha.
-- was able too see japs cuan in person. kaso, TO kagad. hahah. buwag kagad ang kras-krasan, wala pang one week :P. hapi na lang ako at may picture na ko with some of the tigers. :D
-- happiness tlg as a whole. hehehe. ^^ alam na ni jesus christ yun. ahihihi

ayus ang GA. congrats sa icon officers! astig!

up next...

CSD outing on wednesday. yeah. tapos serious na tayo for the thesis :D

水曜日, 10月 11, 2006

^_^

one thing i really like about you is your deed of asking me what's up even though you don't have any reason to.

thanks. <3

日曜日, 10月 08, 2006

FINALLY

yeah! may DIALTONE NA KAMI!! ang sarap ng feeling! yehey yehey yehey!!!

ang saya!!

btw. gusto ko ng KAHON. as in kunwaring baul. hahahaha. naiipon na ang dapat kong itago. hehehe. sana makabili ako one of these days. hehe. humahaba na naman kasi ang "post-it to-do notes" ko. hehehehe.

sana outing na! haaay. :D

日曜日, 10月 08, 2006

victory party

date written: twelve fourty-seven a.m., october five, two thousand and six. :D

haaayy. nadama ang victory party after ng cisco. 7 pm. akala namin, 5 pm suspended na para dun. nakapagnumerical pa rin kami chaka cisco. haayy. ayun, pagkatapos ng class, bili muna kami ng food sa ricecapades. inde kasi kami sure kung may makukuha nga kaming food stub. tas nood kaming fireworks (luwa talaga mata ko pag fireworks ang usapan. :P) tas punta kami saglit sa main kasi ung mga players ang nasa stage at that time. may gusto kasing makita si pareng synde. hehe. pero balik na din ulit kami sa carpark para kumain. tas after nun, sugod naman kami sa OSA para kunin food stub. at nakita namin sa JAY ng KAMIKAZEE. huwaws! ayus na ayus. tas pagkuha namin ng food, tawag mga prengs sa kabila dahil andun daw players. kaya sige! sugod naman kami dun. nakakaiyak kasi wala kaming camera phone. kaya hanggang tingin na lang kami. kita ko si espiritu, taylor chaka vizcarra ba yun? basta sia. hahaha. tas may sobrng hinunting na ko. haha. sikreto. at nalungkot ako at di ko nakita. di talaga buo araw ko. pak. natatawa ako kasi lahat ng nakikita na may green na cap ng mga prengs, pinagpipilitang yung hinahanap ko. hahahha. pero hinanap ko talaga pramis. hanggang sa kahuli-hulihang segundong tapak ko sa may bandang main building. buhuhu. ayun. cge, kinalimutan ko na ang paghahanap dahil wala na tlagang pag-asa. inde ko araw ngayon kaya nood na lang kaming banda. lumapit na kaming sobra sa main nung time na ng parokya. hehe. kahit atenista sila ayus. winner tandem nila ni jay. kaso corny dahil umulan. hehe. salamat kay pau sa pagpapahiram nia ng jacket nia at payong saken. salamat pau! ^_^ ayun. dahil nga umulan, napilitan na kaming umuwi. sadness.

ayun. hehe. kailangang makita ko yung hinahanap ko bago ako makagraduate ng ust. waaaaaa. nalungkot talaga ko pak. kasi naintriga talaga ko eh. SHIFT NA SHIFT NA!!! hahaha. inde inde. loyal ako. hahahaha :P

maiba ulit ako
-appreciative ako. and another first was added to my chronicle. :D

日曜日, 10月 08, 2006

the TIGER'S GROWL of success!

date written: dawn of october four, two thousand and six. :D



yeah congrats sa growling tigers for winning in the 69th season of uaap, srs basketball!

isang escapade ang nangyari yesterday. haneps :P

THE PLAN: i'll drop by at the araneta coliseum to help pau in buying tickets for our prengs. expecting to leave as early as 9 am, i'll proceed to gani's house and continue our SE project then return again at the coliseum by 2pm for the game.

THE OUTCOME: waw. worst case scenario. i was able to arrive at the coliseum at 6 am, spend almost 6 hours waiting for the ticket booth to open, loiter around the place, kill time while chatting with friends, and ... omg. it was 12 when the ticket booth allowed the crowd, 1000 pixels thick, to buy limited tickets. due to our desperation to watch the game, we allowed ourselves to be sandwiched by the crowd leading towards the ticket booth. haha. and hoping all of us will be able to get UPPER BOX A tickets, selected persons, including me, had UPPPER BOX B tickets while the others had GENERAL ADMISSION tickets. T_T gosh. and no more SE project. ja decided to proceed to gani's house after the game. hehe. after acquiring the tickets, we ate lunch and then go go go! inside the coliseum. HUWAWS when then tigers were able to grab the title. yeah! watching the game was fun, falling in line was worth it, cheers and prayers did work. ayus talaga! bangis ng TIGRE! then after that memorable event, we went to sm north to fill our stomach, then immediately run to gani's house. TIMESTAMP OF ARRIVAL: 10pm. hahhaa. and the day ended when i arrived at home by 2am. nakauwi ako kahit disoras na ng gabi. matapang ako eh. hahaha.

ayun. napaenglish tuloy ako amf. ayun. ang saya tlaga. sobrang sulit ang napanood ko. kahit barubal nung 1st two quarters, the adrenaline came to action by 3rd quarter. akalaing mahahabol pa ung 5pts na lamang ng admu, less than 2minutes ang time sa 4th qtr. mas sulit dahil OT pa. hahaha. at naitago ko na nga ung ticket sa subrang kasiyahan. hehhe. yun lang. congrats ulit sa mga tigers. bangis!!! \m/

GO ATENEO! hehehe.

日曜日, 10月 08, 2006

reminiscing vows

date written: dawn of october four, two thousand and six. :D

game. bagong post bago matulog. kahit up to now, wala pa ring dialtone bayantel namin. amfff!! :-L ayun. game.

galing kaming laguna last sunday dahil yun ang 25th wedding anniversary ng tito ko. hehe. utol ni papa. inde yun ung first time kong nakaattend sa isang recalling event ng marriage ng mag-asawa. pero ung occasion nung monday yung may isip na talaga ko sa ganung bagay. naks may ganun. hahaha.

may mass siempre, tas similar din sa wedding proper pero inde talaga super parehas. wala ng super hbang ceremony, wala ng procession to the altar, ung mga bride's maids effect. wala na. present lang talaga sina veil, cord and coins. tas nadagdag yung of recalling of vows. hehe. minsan nakakatawa yung mga sinasabi pero astig. may mga phrases na ganto ang takbo: "...di kita pagtataksilan, ...di kita pababayaan" hahaha. sarap mag imagine na ganun ka rin. kasi sa panahon ngayon, sobrang seldom lang ung nagtatagal na relationship. kaya kung iisipin mong: waw, nakasilver na kami... astig tlg. ayus. haha. kinilig naman ako. :P haha sana maging ganun din ako sa kung sino man. wakokoko.

ayun maiba ako. share ko ung bumunot ako ng wish or message something sa cake nila. hehe. naintriga ako. at ewan ko happiness ba or reverse ang epekto sakin.. ganto sabi:

THING: TOP
MESSAGE: THIS LITTLE TOP REALLY DOES SAY GOODLUCK FOR SOMEONE FAR AWAY.

i really hope this is something else except :x. dahil ang :x ko ay nasa pilipinas. nasa luzon. nasa ncr. nasa ... hahaha. naalala ko nung bumunot din ako ng ganyan nung debut naman ni ate pot. may sinabi naman sia tungkol sa airplane. well, kung travel ang link ng mga bagay na yan eh maganda! kasama na business or studies abroad pwede din! basta yang someone na yan shouldn't be involved sa :x. hahahaha. inde pwede yun. :P magrerebelde ako. bwahahaha. pipilitin kong magbago ang tadhana. hahhahahha. ge gudluck saken. :P

ayun. yun lang. hehehe. their journey towards the golden years is fast approaching. hehe. sana dumating. kaso matanda na ko nun amf. ^_^