siguro isa tong early evaluation ng sarili ko. maaga dahil una, inde pa natatapos ang school year at pangalawa, masyado pa talaga akong bata para tantiyahin ang sarili kong kakayahan. pero gusto ko lang ibuhos to sa inde ko alam na dahilan.
kilala ko ang sarili ko kesa sa sino mang taong kilala ko. alam ko kung kelan ko mararamdaman ang gantong bagay, kung kelan ako nadadalian at kung kelan ako nahihirapan. alam ko kung saan ako mahina at kung san ako magaling. at sa maraming bagay, kilalang kilala ko ang sarili ko pagdating sa usapang "ESKWELA".
"mahusay ka makre."
inde ko pinagmamalaking marami ng tao ang nagsabi nian saken. pero sa totoo, hindi ko alam kung paano nila nasasabi yun. maaaring mataas ang nakuha kong score sa ganto, o kaya may naaccomplish akong ganyan. pero kahit may ganung batayan sila, ako mismo, inde ko alam kung dapat ko nga bang ituring ang sarili ko bilang isang mahusay.
alam ko sa sarili ko na kaya ko naaabot ung pamantayan ng maraming tao para masabihan ako ng mahusay eh dahil sa mga sumusunod na bagay:
90% sipag
8% divine intervention at
2% innate kong talino
masipag ako...pero inde ako maparaan. at naprove ko yan sa automata. kahit maglaan pa ko ng kalahating araw kakapraktis mag pushdown automata at cfg, hinding hindi mangyayari na tatayo ako at sasabihin ko sa sarili ko na "ready na kong magquiz, 100%".
masipag ako...pero inde ako matalino. at naprove ko to sa math. kahit ba sasabihin ko sa madlang tao na isa sa mga paborito kong subjects ang MATHEMATICS, inde sa lahat ng fields nito eh magaling ako. ang totoong nangyari eh dahil lang sa kinarir ko ang geometry, trigonometry at algebra nung highschool kaya nakisabay saken ang mga subjects na to sa college. yun lang at yun lang talaga. pero mahina ako sa statistics, mahina ako sa accounting, mahina ako sa physics, at mahina ako operations research.
masipag ako...pero inde ako magaling magdesisyon. at naprove ko to sa thesis. at sa sobrang tanga ko, napaiyak ako nang mapagtanto kong maling mali ang pinili ko sa panahong inde ko alam kung pano ko pa sosolusyunan yun. cursive handwriting recognition using hidden markov model. wtf! gusto ko ng algebra o trigo o geom, bakit inde ko nilagay ang grupo ko dun. mahina ako sa statistics, bakit ko pinili ang markov. tanga. isa akong dakilang tanga. at hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung inde ko matatapos to sa tamang oras. at prove ko din to sobra sa course na pinili ko. COMPUTER SCIENCE. highschool pa lang topak na ko sa programming. tsk tsk tsk, matigas talaga ang ulo ni makre.
masipag ako...pero inde ako magaling mamuno. at naprove ko to sa lahat ng projects na lider-lideran ako simula nung highschool hanggang ngayong 4th year. kung inde bumabagsak sa nahihirapan kami at kailangang magpalit ng plano sa panahong hapit na, mababa naman ang grade na makukuha namin. kaya pagdating sa mga groupings groupings, gusto ko talagang nakikisama sa alam kong di hamak na mahusay kaysa saken dahil alam ko na mas magandang susunod na lang ako sa utos kesa ako ang maguutos.
masipag ako...at kapag nawala ang sipag ko, san kaya ako pupulutin?!? kaya kung tatanungin mo ko kung san ako magaling, sa edad kong to inde kita masasagot. malay ko! san nga ba? magaling lang ako sa pagiging mabait sa iba. magaling akong magtago ng sikreto ng kung sinu-sino. kaya mas maappreciate kita kung sasabihan mo ko ng mabait ako kaysa sa mahusay ako. totoo yun.
at kaya ko nakukuha ang "excellence in studies" daw, kung inde ako SINIPAGx100, maniwala kayo kung sasabihin ko CHING lang yun dahil nagkataon lang talagang nakuha kong sumabit sa ganung level.
at ang matindi kong problema dito: inde ko alam kung pano ko tutulungan ang sarili ko. inde ako maparaan, inde ako matalino, inde akong magaling madesisyon at inde ko magaling mamuno. kaya kahit ipilit ko sa sarili ko, inde ko magagawa talaga. pero kanino ko huhugutin ang paraan?? malamang, saken at saken pa rin.
sana nga mali ang tingin ko sa sarili ko bilang isang MISERABLENG TAO. miserable sa maraming aspeto ng sarili ko. marahil magbabago pa ang mga masamang pananaw kong ito pagdating ng araw kung san alam ko ang sikreto ng bawat tao sa mundo. bibigyan ako ng award sa pagiging MOST TRUSTWORTHY EVER.
haayyz siguro marami lang akong problema talaga. at siguro, dulot lang to ng sama ng pakiramdam ko ngayon. haaayyzzz.
COMMERCIAL: kahit ba extrovert ako, naeenjoy ko ding maging introvert. gaya kanina na tahimik ako. ang sarap panoorin ng mga tao habang sila ung nageenjoy. parang ung extrovert moments ko ang mismong take ng isang palabas while ang introvert moments ko ang behind the scenes. ewan. masaya lang. yun.
ayun cge. nobela na to. at sa tingin ko nasabi ko naman lahat. magandang gabi. magpapahinga lang ako at magthethesis na ko.
私は内側からの叫び
私のプロフィール
:21.
:filipino.
:thomasian.
:theresian.
:computer science grad.
:associate software engineer.
:.net developer.
:gemini.
:rabbit.
:green & red color lover.
:astronomy addict.
:uses badminton as a stress reliever.
:likes math and music.
:likes the movie castaway.
:yuyu hakusho addict.
:kurama, zhou yu min, son ye jin, and tom hanks fan.
:loves fireworks and ferris wheels.
:trying-hard guitar & keyboard player.
:inclined with the japanese language.
:addicted to breads.
:spitz music lover.<3
ラベル
- animation (22)
- Drama (1)
- Literature (8)
- Movies (8)
- Music (27)
- Out of the Box (19)
- Personal (253)
- Showbiz (58)
- Social (3)
- Technical (10)
ブログ アーカイブ
-
►
2008
(55)
-
►
10月 2008
(16)
- IPOD Nano 4th gen not designed to be opened.
- OOO Notice
- The recording session was exhausting...
- DAMOT
- Kahit naman nag-single ka, di pa rin ako titira......
- Staging is VIP.
- Google it!
- 好き。好き。好き。
- YUI - MY SHORT STORIES
- New Template!
- Dreamboy strikes 100.
- Snap Wants AGAIN! :D
- RajiPuri DL Links
- Another round of LAUGHTER.
- Bueno's Rabies. >:)
- Laugh like there's no tomorrow
-
►
10月 2008
(16)
リンク
Labels: Personal
may dahilan ang lahat.
totoong kabit kabit ang mga mga pangyayari simula sa panahong hindi kayang matanto ng sarili mong pag-iisip
ngunit hindi rin lahat ay anak ng mga pangyayaring nagdaan
sapagkat ang bawat kilos mo ay base sa iyo mismo.
ang mangyayari bukas ay epekto ng sarili mong desisyon.
magkaiba ang landas na tatahakin ng kahit maliit na bagay.
kaya ang bawat ngayon ay mahalaga.
gaya ng pagusad namin sa thesis.
nyahaha. kala ko rin seryoso tatahakin ng post ko ngayon. hahahaha.
un lang. magandang araw! :D
Labels: Personal
may mga bagay na sadyang hindi ko maikwento. kailangang sarilinin na lang kahit malungkot man o masaya. bakit? dahil iba iba ang pananaw ng mga tao sa iisang bagay. pwedeng makasakit ka ng inde mo intensyon. pwede din ikaw naman ang masaktan dahil sa sasabihin nila. mahirap din. dahil kahit gusto mong ipagsigawan ang nararamdaman mo, may mga panahong inde mo talaga pwedeng gawin.
gaya ngayon.
iisang pangyayari, para sa dalawang nilalang. magkaiba ang dating ng iisang pangyayaring yun. at parehas kong inde magugustuhan ang kalalabasan.
Labels: Personal
-> deads sa automata. inde talaga ako magaAI sa future.
-> nag168 kahapon. ayus! hahaha. may friendship keychain na kami hahaha. at ako'y naholdap ng hikaw.
-> defense na sa thesis. pano na?!?
-> uminom with the boys kagabi. panalo kayo friends! ang saya!
-> watching silence. kras na kras ko pa rin up to 4th level si zai. pakshet. ang gwapo talaga.
-> pinandigan ko na sa ym si McGRADY. hahaha. para matigil na tong sila bueno. :P
-> natapos ko ng basahin ang stainless longganisa. at nangalahati na ko zsazsa zaturrnah. hahaha. ayus.
-> tapos ang trabaho para sa unang seminar! ang saya kasi napapayag ko si kuya master shaider pogi. nyahehee. :P
Labels: Personal
weee. xin nian kuai le! :D happy new year! ^_^ ayun. dumaan na naman ang paborito kong panahon. tumambay na naman ako sa bubong namin para ienjoy ang langit. wuhooo. like na like! love na love! hahaha. haayy, new year na. maraming panalangin ang pinaabot ko sa langit sa pamamagitan ng sandamakmak na fireworks. maraming pangarap ang umusbong sa aking kamalayan habang ako'y nagsasaya. at maraming tatrabahuhin na napagtanto kong kailangan ko ng simulan. hahahaha. amf na lang.
ISANG MALAKIN STUCK kasi. buhuhu. wag mapagod sa kakafigure out. aayusin din ang lahat. :P
hehe. mga bagay na bagay na bagong haharapin
1. thesis. pak luma na yan. :P
2. srm. yes may project dun. 2 pa. :-L
3. bumalik na ng laguna sila kuya bong. wahihih. + epek: lesser evil mode. - epek: less bonding sessions. T_T. sasarilinin ko naman ang mga kasiyahan ko sa buhay.
4. baka umalis na ng bahay si ate pot. yan. isang malaking sad. sana wag.
5. mga sandamakmak na downloads kahit ba dial up lang ako. hahaha.
6. ewan ko na ang mga susunod pa.. :D
basta yun. happy new year sa lahat! gudlak sa ating lahat! at tandaan: matatapos din ang lahat ng problema.
sabi sa hula. karmic year daw ito. ibig sabihin, kung anung pinaghirapan last year, magbubunga ngayong taon. eh, lagi namang opposite reaction ang lahat ng bagay kaya natural na lang yun. ang iniisip ko maganda sa hulang yan: GRADUATION. yes mga peeps. gagraduate tayong lahat! wuhooooo! tangnang lakas ng fighting spirit! bwahahahah.
ayun. cge. tutulog na naman ako. :D
Labels: Personal

