土曜日, 4月 29, 2006

pro sykes/anti sykes

masarap pa ring mag-aral. totoo yan. sobrang kahit nakakapressure din sa skul, inde kasing bigat ng nagttrabaho. masaya naman sa sykes. kasi ang babata pa ng mga kasama ko. kwela din. madaling lapitan. un nga lang, ang dami tlgng ginagawa sa department kung nasan ako. grabe ang I.S. sa sykes. wala akong masabi. maya't maya may project silang ganto, may meeting sa panibagong project na naman. grabe talaga. may mga times nga kaming nag oojt lang ung naiiwan sa dept kasi lahat sila may meeting. grabe.

pro sykes
pro sykes kasi gaya nga ng nasabi ko, ok naman tlg sila. tapos, natututo tlg ako ng maraming bagay para sa isang computer science sa estudyante. wala pa kong one month dun pero kung anu anong programming languages na napaaral sa ken. kailangan kasi talagang alamin kasi kung may mga ipapagawa, inde lang naman nakafocus sa isang pl. kaya ayun. marunong na kong mag vcs.net, javascript, xml, ajax, asp.net, sql, css. salamat kasi ang dami ko talagang natutunan sa kanila. ayoko na ngang umalis dun eh. chaka mababait talaga sila. kahit ba most of the time tahimik kami, marami pa ring beses na sobrang makakulitan mo sila. pero madalas talaga si kuya jason. maloko din kasi. ang daming alam. tas ayun, maaamaze ka talaga sa kanila kasi ang mga uri ng trabaho, bigatin. ang tindi talaga. wala akong masabi. hanep! un nga, may opening daw ng ASE ngayon sa kanila. hahaha. baka may nais mag apply. ayun. :D

anti sykes
inde naman tlg siguro anti. pero mahirap din kasi. as in. everytime na uuwi ako dito sa bahay, damang dama ko tlg na pagod na pagod ako. kung inde kasi nag-aaral ka buong araw, nagpprogram naman. halimbawa kahapon, simula 1pm hanggang past 10, nagpprogram ako. javascript ang gamit. exercise naming ojt. ayun, bawal daw gumamit ng server controls kaya inde ako makapag vcs.net. basta create an aspx page using javascript with validation. may mga regular expressions pa. hay. ayun. tas mga 10:20 kahapon, nagbrief naman saken si kuya gerald ng additional na task. ung para sa rainbow. kaya kanina, balik vcs.net na naman ako. mahirap din ung pashift shift ng pl. ang lagi ko ngang motto eh "KAKAYANIN PO." ayun. sobrang nakakapagod din. un nga din, inde lang isang pl ang dinedeploy para sa isang project. sobrang sama sama ang iba ibang klase ng pl. halimbawa na lang, ung exercise ko tungkol sa c#, kailangan mong magcreate ng ASP.NET na page gamit ang visual c#.net. tas icoconnect mo un sa database gamit naman sql. ganun katindi. tas ung ngayon, gawa na naman ng ASP.NET na page gamit eh javascript naman. lahat ng validaion eh purong js. sobrang nakakapagod talaga. feeling mo talaga, maddrain ka. tas yun, 9 hrs kang andun. minsan nga, lagpas pa ng 9 hrs. may time na inabot ako ng 12 hrs dun. tas magsasawa ka din ng kakasurf hanggang sa wala ka ng mapuntahan. pero pag may natatapos ka naman, nakakatuwa din. sobrang self-fulfilling din kasi mafifeel mo na may natutunan ka talaga. ayun. cge. nagshare lang ako ng masaya at malungkot sa sykes. 3 days na walang pasok. sa martes na ulit ang balik. hehe. un lang!:D

月曜日, 4月 24, 2006

the day i wished was never part of the calendar...

dati yun. hehehe. sobrang ayoko talaga ang araw na to. kasi taon-taon, everytime na april 24, mamalasin talaga ko. inde ko alam kung coincidence pero lagi tlg akong minamalas tuwing araw na yan. ahehee. ang weird di ba?

nagstart lang naman ang kamalasan, exactly 6 years ago, monday din yun. tapos sunud-sunod na. grabe. hahaha. ayon sa natatandaan ko, last year lang ako inde minalas sa araw na to. pero ung mga previous years, ganun tlg. hay.

so anung gusto kong iparating? wala lang! share ko lang hehe. basta ngayong araw ay delikado. sobrang dapat magingat. weeeee. mahirap na. ang dami ko pa namang lakad ngayon. ahehehe. ayun. cge un lang! :D

土曜日, 4月 22, 2006

sobrang yamot

kanino? bakit? sa sarili ko at sa mga pinaggagawa ko ngayong araw sa sykes. shet. sige magkkwento ako para mailabas ko.

mga past 2pm

kuya jason: ay david, marunong na kayo nung submitting ng forms di ba?
david: ayus lang.
kris: ay gagawa na po kami? now na?
kuya jason: ay inde, mamaya pa.

ayun ang unang badya ni kuya jason. ayus lang kaya binalikan ko ulit ung ilang modules sa course para marefresh ulit ang natutunan ko. ayun. lipas ang oras, aral pa rin. at kung anu-ano pang ginawa ko.

past 4pm

nagsend sa im ng files si kuya jason. tungkol sa FCKeditor. nung una, tangang tanga pa kami kung anong gagawin dun. para san? anong goal? at kung anu-ano pa.

[im session] //inde eksaktong mga salita. ayon lang to sa pagkakatanda ko
kris: kuya jason! isang subrang big question!
jason: anu yun?
kris: anu po bang goal namin dun sa FCKeditor? hehe. inde kasi namin alam ung gagawin dun.
jason: ang goal nio is -> ilalagay nio yan sa Rainbow. kailangan kung anong ilalagay sa editor, masstore sa db at mareretrieve din.
[/im session]

ayun. nalinawan din ako sa mga pangyayari at kung anong gagawin namin kay FCKeditor.

after ilang minutes:

kuya jerome: o kris install mo ulit sql server jan sa pc mo. tapos install mo din ung sp4 para makapagpatch ka.
kris: para san po un? may sql server na po ko dito.
kuya jerome: para may sarili kang local. kasi di ba nakikiserver ka lang kay jason.
kris: ah o cge po.
kuya jerome: pag natapos ung sayo, ikaw na magpaliwanag kay david
kris: okies :D

WORDS OF ENCOURAGEMENT GALING KAY KUYA JASON:
kaya nio yan. one hour lang tapos na kayo jan. galing nio nga eh. ang bilis niong matuto ng mga modules dun sa course. //with matching smile effect pa yan.

amf. salamat para dun pero siyempre, kami'y mga beginner pa lang. parehas sa c# at kay FCKeditor kaya gudlak dun.^_^

mga past 5pm:

ayun. at umalis nang maaga si david. inde pa naiinstall ung sql server sa kanya, lumayas na. kaya ako na tumingin sa progress ng pagiinstall. nalock pa nga ung pc nia. hehehe. laging pang nagnonot responding pc nia kaya sabi nila kuya jerome, pabayaan ko na lang daw. si david na daw bahala maginstall sa lunes. hehehe.

ayun. kinapa kapa ko ang FCKeditor. may docu dun kung pano ginagamit editor, kung pano ilalagay sa code at kung anu-ano pa. kinakabahan pa ko kasi ako magisa ng time na yun. wala si partner david. hay. explain ko ung instruction nila kung anung gagawin.

INSTRUCTION: //nakakatuwa pa dahil nagddrawing sila kuya jason at kuya jerome ng gagawin. hahaha.

ayon sa pagkakaintindi ko kay KUYA JASON:
gagawa ka ng app na kung anong ittype sa editor, madidisplay sia pag nagclick ng button tas masstore sa db tas ireretrieve mo rin. dalawang beses kang magdidisplay. sample app lang kasi pag tama na, ipopost nio yang editor sa Rainbow.


ayon sa pagkakaintindi ko kay KUYA JEROME:
gagawa ka ng app na pag nagclick ng button, masasave kagad sa db ung tinype sa editor tas chka mo ireretrieve ung sinave mo. isang beses lang magdidisplay. sample app lang kasi pag tama na, ipopost nio yang editor sa Rainbow.

ayun. natanga na naman ako. anu sa dalawa ang gagawin ko. sige. kapa kapa pa ulit

[im session] //inde ulit eksaktong mga salita. ayon lang to sa pagkakatanda ko
kris: kuya jason! anung mas ayus gamitin dun sa sinend mo?
jason: anung mas ayus? parehas lang yun.
kris: kung .net ba o js?
jason: javascript na lang kasi yan ginagamit namin dito. mas preferred yan kasi sa client-side lang.
kris: o sige, js na. :D
[/im session]

pero inde ako nakinig. kasi, inde ko alam kung pano pagsamahin ang js at c# sa iisang project. ayun. dahil natatanga pa ko, iniwan ko muna yun at kumain muna kami nila race at tj sa pantry.

7pm
balik sa harap ng pc. napagisip isip kong purong c# na lang ang gamitin ko. inde na ko sumama kila kuya jason kumain kasi nga tapos na ko. ayun. kapa kapa as in. talagang nangangapa. sinusunod ko ung docu ng FCKeditor pero mejo malabo. inde kasi detalye kung anong values ung ilalagay mo. tapos nakaklito kasi papakelaman mo ung .aspx, .aspx.cs, web.config. paglalagay lang ng editor un ah. wala pang kinalamang database dun. hirap na hirap tlg ako kasi inde ko mapalabas sa browser ung editor.laging PAGE CANNOT BE DISPLAYED. may problema sa localhost ko. inde ko tlg mahanap kung pano aayusin. eh wla akong mpagtanungan dahil kumain nga silang lahat. as in nangangamote na ko dun.

almost 830pm
bumalik na sila kuya jason. kinumusta ako at sinabi kong wala pa kong nagagawa. lapit din si kuya jerome. sabi pa ni kuya jason...

kuya jason: tibay mo at c# ginagamit mo ah. wag yan. javascript gamitin mo.
kuya jerome: bakit javascript eh c# ung ginagamit sa rainbow?
kuya jason: un ung ginagamit namin dun. //san nio ginagamit un?
kris: o cge na. javascript na tlg. :D

nagcclash tlg sila eh no. inde ko alam kung cnong susundin ko. hahahaha. ayun. bakit ako nagshift sa javascript? dahil nga, inde ko mapagana ung sa purong c#. nagbabakasali ako na gumana pag js ang ginamit ko. bale ang mangyayari, c# pa rin pero ung code para mailagay mo ung editor sa web page, through js. ayun. cge kapa pa rin ako.

mga 915...
lapit ulit sina kuya jason.

kuya jason: o anu ng nangyari sau?
kris: wa, may problema na naman ako. T_T napalabas ko na ung editor, nakakapagdisplay na ko ng editor sa browser pero inde ko alam ung object nito. di ko alam ung object na gagamitin para sa code sa c#. T_T

*nakita kagad ni kuya jason ung kung anu man ang nasa code ko. ^_^

kuya jason: ay oo, sige. sa lunes mo na gawin yan. nakay manolet ung code para makagawa ng object. sige na kris, tama na yan. :D

ayun. umalis na si kuya jason. tas sabi naman ni kuya jerome...

kuya jerome: anu ng nagawa mo? nakakapagstore ka na?
kris: inde pa. napalabas ko pa lang ung editor gamit js
kuya jerome: pano pag pinagawa ko sau, palalabasin mo gamit c#?
kris: cge kuya, gagawa ako ng paraan. hehe.
kuya jerome: basta magusap kau ni david kung cnu gagawa ng code sa storing at retrieving. parehas naman kau ng shift eh.
kris: o cge po:D

sa totoo lang, natatakot tlg ako kay kuya jerome. basta ewan. pag kay kuya jason kasi, susuportahan ka. wee. may joke at smile effect pa. tas lagi kang kinukumusta. hehe. parang ang gaan lang. kahit inde tlg. hahaha.ayun. dahil 10 pa ang out ko, tuloy pa rin. dahil inde ko na tlg alam kung pano ung sa js, binalikan ko ulit ung purong c#. kapa kapa ulit tas sa wakas. napalabas ko na rin sa browser ung editor. amf. ang saya! as in. tas nagawa ko na rin ung pag nagclick ng button, madidisplay ung natype sa editor. bale, sinunod ko muna ung instruction ni kuya jason dun. ayun. ang problema ko na lang, storing at retrieving sa db. gamit sa microsoft course, hanap ako ng solusyon. tas ayun na naman, may problema na naman ako. amf.

problem no1: inde ako makapasok sa local server ko. inde ako sure kung pwede kong gamitin ung server ng sykes. pero nakaconnect ako dun. inde ko naman na magamit ung local ni kuya jason kasi nadisable na ung authorization ko dun dahil nga may local na ko
problem no2: inde ko alam kung anung db at table ang gagamitin ko para sa connection
problem no3: inde ako marunong magstore ng values sa db. retrieve lang ang kaya ko. eh siempre, base sa pinagagawa, kailangan mong iretrieve ung nastore mo. amf.eh kasi, ung tinuro lang sa course, puro access access at access ng data from the database. walang storing or updating o anuman. kung meron, inde ko alam kung nasan. huhuhuh. ayun. kaya nahang na naman ako

mga past 1030 na...

kapa pa rin ako kung pano ung storing sa db. wala tlg. inde ko tlg alam. eh inde ko na mahagilap si kuya jason. subrang nahihiya naman ako kay kuya jerome magtanong. kaya ayun. suko na. sa lunes na. inuwi ko na lang ung microsoft course dito sa bahay. amf.

bilang pagtatapos nian, nayayamot ako kasi parang sa kanila, sobrang dali na lang un. ilang instructions lang. tas ang tagal tagal kong nangangapa sa harapan ng computer. huhuhu. sori na. beginner pa lang. T_T. nahihiya lang tlg ako as in. parang ang tanga tanga ko kanina. huhuhu. nakakayamot tlg. ayun. yun na lahat. naikwento ko nang detalye. sample pa nga lang un, bano na ko. sadness. pero at least kahit papano. hehehehe. ayun. salamat sa kanilang lahat kasi madali silang lapitan pag may problema. isang tawag lang, on d go sila. heheh. natatakot lang tlg ako kay kuya jerome. weeeeeee. ayun. kakaririn ko to sa lunes framis. naguumpisa na ang bigat ng ojt. ayus lang naman. kasi, may web, may programming at may docu kaming gagawin sa loob ng paglalagi namin sa is dept. hay. oh well, ganun tlg ang buhay. cge un lang. ok na ko ngayon kahit papano. weeeeeee. ^_^

火曜日, 4月 18, 2006

ayus!

ganto eksena:

kuya gerald -> nagreready para turuan kami sa intranet
kuya jason -> gamit ang terminal ko dahil may dinedebug sia sa exercise namin sa c#
kris -> nakatayo at tinitignan ginagawa ni kuya jason
david -> nakaupo at tinitignan din ginagawa ni kuya jason

kris: ay david, nabago na ung avatar ko sau ah
david: honga eh. sino ba yun?
kris: ay, ung kras ko yun.
david: ay inde ba ikaw yun? akala ko ikaw!

*ako napraning. kinilig

kris: naku. ayus ah. natuwa naman ako dun. inde nga?!? inde naman ako gumagamit ng ganyan ah
david: pramis! akala ko tlg ikaw! pwede naman magsuot ng ganyan ang kahit sino noh. malay ko ba kung nagsuot ka lang nian jan sa picture na yan

*si david, tumayo at tumingin sa pc nia. tumingin din ako.

kris: haha. inde tlg ako yan! pero natuwa tlg ako. weeeeee.
david: haha. ayus! kung di ikaw yan. kapatid mo lang yan eh.
kris: inde nga ako yan. pero ayus tlg yang sinabi mo. ehehhe

ayun. ang kulit na ang saya! kamuka ang kras. amf. wahahahaha. ayus tlg! weeeee. kinilig tuloy ako. ahaha. un lang! <3

木曜日, 4月 13, 2006

bitter

ayun. wala lang. pampadagdag lang ng post. ahehehe. salamat sa blog ko at nabubuhos ko dito ang kung anu ano kahit ba sobrang public to. inde rin naman kasi tlg ako malihim. ayun. bitter. pano ko ba ipapaliwanag ang salitang bitter. hmmm. a feeling of deep anger towards somebody. a feeling of resentment to a person. ayun. at nangyari na yan sa ken. twice na ata. yung first, hindi ko pa naovercome. ung isa, wala na yun. off topic na natin ung pangalawa. pero may times tlg na pag naoopen yun sa ken, andun pa rin kahit papano ung sama ng loob ko. ayun. balik tayo sa pagiging bitter. bakit dumadating sa point na nagiging bitter ka sa isang tao. siempre, inde ka naman magiging ganun kung walang matinding dahilan. pwedeng mangyari yan kapag may ginawa sayung hindi maganda ang isang tao ng hindi mo inaakala. andun ung sobrang sakit ng dulot. isa pang instance. pwedeng mangyari rin yan kapag wala kang kalaban-laban eh patuloy kang ginagago. ung panggagagong inde mo naman alam ung dahilan kung bakit ka ginagago. mapupuno na lang lahat ng galit mo sa loob mo. at marami pang pwedeng maging dahilan. pero wala na kong maisip.

kaya ayun. ung 2nd instance. un ang nangyari saken. naipon talaga ung galit ko sa taong yun. hanggang ngayon. sobrang galit na galit pa rin ako. kahit ba natigil na yun, kahit ba namatay na ung nangyari. eh sobrang laki kasi ng epekto saken. sinasabi ko nga: "EH GINAGO AKO EH! KAYA GALIT AKO." naalala ko na naipost ko dito sa blog ko ung nangyari saken tungkol sa taong yun. pinangalan ko pa nga siang spongebob, person to kill at kung anu anu pa. pag nagpoponder kasi ako minsan, hindi ko tlg maisip kung anu ba talagang nagawa kong kasalanan dun. ni hindi nga kami close nun. pero galit na galit daw sia tlg saken. ewan. ung alam ko namang reason kung bakit daw, eh hindi ko naman ginagawa sa totoong buhay. o sasabihin kong, hindi ko talaga ugali na gawin un kaya imposible. chaka kung yun nga, sobrang babaw naman. di kapani-paniwala na magbubunga yun ng sobrang matinding galit nia saken. hay. galit pa rin ako. kahit itinuturo na masamang magtanim ng galit sa tao, di ko talaga magawang kalimutan ung nangyari. naranasan ko kasi dun ung sobrang down na down ako. ung parang ilubog talaga ako sa ilalim ng lupa sa di ko malamang dahilan.

andun ung ang sarap sabihing: anu bang pakelam mo? di naman ikaw ang nagpapaaral sa ken! wala kang karapatan para ganyanin ako. sino ka ba? shet! hahaha. pag nagkaron tlg ng pagkakataon na magkasagutan kami nun, hindi ko tlg sia uurungan. ang dami kasing meron sa ken na big deal sa kanya. ang daming bagay na inde na nia dapat pakelaman pero umeepal sia. tapos, ikkwento nia sa sampu ng kamag-anak nia at kapitbahay namin na ganto ako, na ganun ako. shet tlg! pakshet! kamusta naman yun.

siguro sa loob ng halos kalahating taon ng pang-iinsulto, panggagago at kung anu ano pa, ang hinding hindi ko makakalimutan eh nung 18th bday ko last year. actually, yun na din ang huli. inde na nadagdagan. haha. mukha nia shet sia. pero masakit tlg yung sinabi nia. daig nia pa ang chief justice ng supreme court kung husgahan ako. tangna nia. hahaa. galit na galit tlg ako no. uu, galit tlg ako. pero hindi ako gumanti. ni hindi ako sumugod. kahit ung mga magulang ko hindi rin nila sinugod un. iwas gulo na lang daw. pabayaan na lang.

ayun. naishare ko lang. naalala ko lang kasi. naniniwala naman ako sa karma eh. inde ko lang alam kung nakarma na ba yun. basta ako, ganto pa rin ako. heheh. tuloy ang buhay. ayun. sa ken naman, ayus lang na maging bitter ka isang tao basta may matinding dahilan. ayun, kung naargabiyado ka, dun ka lang magalit. kasi ung iba, nagagalit sila sa ibang tao kahit wala naman sa kanilang ginagawang masama. naiinis lang kasi ganto un. eh karaniwan, first impression lang yun. kaya maganda nian, kilalanin muna ung kinaiinisan. ayun. chaka wag kagad mag judge kung wala ka naman tlgng alam. mag-ingat sa sasabihin tungkol sa ibang tao kasi minsan nakakasakit na. masakit tlg lalo na pag andami daming nakakarinig at kung nariringig mismo nung taong pinatutungkulan. ung talagang gusto mo na lang maglaho dahil dun. ayun. naranasan ko na kasi ang mga ganyang bagay. maraming beses na din. oh well, masasabi kong inde ako nawalan ng mga kaibigan sa mga nangyari. aheheh. ayun lang. sa susunod ulit. :D