日曜日, 11月 25, 2007

E->R->K->A->M v1.1

M<-A<-K<-R<-E. naisip kong ipost to habang ako'y nasa lrt papasok ng office mga wednesday cguro yun. pero ngayon ko pang naipost talaga haahaha. isshare ko lang history ng pinakamamahal kong nickname.

8 years ko ng dala ang nickname na MAKRE. umpisa yan nung first year hs. si cams ang nagbansag sa ken nian sa inde ko malaman na dahilan. hahhaa. kailangan ko tuloy mainterview si cams para sa follow up post. :P at simula ng tinatawag akong ganyan, inde ko nalilingon ang mga taong tumatawag saken ng marikris. marikris amp. hahahaha.

winner para saken ang makre kasi mas gusto ko pang tinatawag akong ganyan kesa sa totoo kong pangalan. amp pangit kasi real name. hahahaha. ayun. at sa sobrang bulgar na ako si makre, naalala ko ang mga versions na ginawa ng mga classmates at friends ko sa nickname na yun. :P

1. maker [ma-ker]. mejo naiba ang pronunciation dahil may classmate ako nung hs na mare (with the same accent sa huli). eh dahil nagkakagulo ang mga tao, ginawang maker ako nun. :D

2. makres [ma-kers]. natatandaan ko si tin ang tumatawag saken neto madalas. :D

3. macky. si marga naman ang nagpauso neto saken. hahah nawili ako at maarte kuno ang makre. pero teka, nickname to ni JM! hahahaha

4. mackerel. yes ako'y naging sardinas. inde ko makakalimutan si mangubs para sa version na ito. hahahaha.

5. masacre. eto mabangis talaga. courtesy of mangubs again. natawa ako nung nagkasalubong ang landas namin sa friendster tas biglang MASACRE ang bati nia. ayus ka talaga mangubs! aylabyu! ;))

6. 'maker the' collection: maker the flower. maker the baker. at lahat ng words na may 'er' ay naassociate din saken. panalo talaga ang porpor dito. pinasaya nio ang buhay ko. hahhaa. natatandaan ko sina jill at trina ang nangungulit saken sa gantong pangalan.

7. D-Mak: pauso nila bueno na nakuha nila kay Tracy McGrady. sige, UMOO na lang ako. hahahaha

ayun na yata lahat. ngunit sabihin saken kung may nakalimutan ako! hahahha. kaya hanggang ngayon, dala ko pa rin ang nickname ko na to.

pero akalain mong inde lang pala ako ang MAKRE. kala ko copyright nasaken hahhaa. inde pala. nagtry akong konsultahin si google at eto ang payo nia:

1. Makre.net - yes may website ako. hahaha. pero sia pala eh parang CD-R king dito sa pilipinas dun sa macedonia. hahaha
"MAKRE net offers wide and comprehensive range of imaging and computer supplies include printer ribbons, inkjet cartridges & refill kits, thermal fax supplies, CD-R, DVD-R, laser toners, labels, data storage media and printing media."

2. Makre elbis (1962 Iran Movie) - natuwa na sana ako na may movie sia kaso nung nakita ko ung English Title eh nawindang ako.
"The Devil's Deceit"
Yes. gumaganun ang Makre. hahahaha

3. makre.it - inde ko maintindihan ang language pero sabi eh Promotion and Creative communication company sila. yes advertising kuno. pero astig. based sia sa Florence, Italy. nakanam :P


ba ba ba. jack of all trades master of none woot. iba ibang industry eto ah. :P nakakita din ako ng taong nakikigaya ng nickname ng may nickname. hahaha

1. Makre - junior member sa isang baseball forums. mukha siang lalaki based sa posts nia. hahaha

2. Makre - Female, 20, Single; Location: Philippines. galeng. may kapangalan ako sa pilipinas. hahaha sana magkakilala kami balang araw. salamat sa friendster para dito :P


haha ayun. at ang haba ng naishare ko. sobrang nagenjoy ako sa kakagoogle ng pangalan ko. wahihi. ayun lang. ja ne :D

土曜日, 11月 24, 2007

Alphabet Song

I was tagged by Emie so here I sing...

A - Ampalaya. amp unang pumasok sa isip ko.
B - Bed. bangag na bangag na ko ngayon. gusto ko ng mahiga.
C - Cherry. ewan ko bat naisip ko to.
D - Dandruff. woot anu bang pumapasok sa isip ko.
E - Enigma. yown mysterious effect.
F - Fastener. hahha school supply amp.
G - Grades. sori school chapter is off.
H - Hunch. Hunch ko na... hmmm :P
I - Interior Design. sana makabili na ko ng bahay. T__T
J - Jack of all trades. haha ako yan.
K - Krismas. haha. Christmas is for Kris! wuhoo!
L - Library. Makre: Pano po ba maging magaling na programmer? Sir Anton: Read and Read.
M - Marlboro. ano yosi na?
N - Nike. wala lang. :P
O - OMG!
P - Parachute. wee escapade!
Q - Queen Elizabeth. kasalanan ni Mikey to. hahaha
R - Railroad. Arriving at Gilmore Station. Paparating na sa Gilmore Station. hahaha
S - Spitz. Yeah all hail spitz
T - Takoyaki. =D~ Shirmp Balls
V - Visual Studio .NET. hay kausap ko bawat segundo.
W - Wooot! Sabado Na!
X - ... wala akong maisip ntapos ko na lahat ng letters :P
Y - Yakitate Japan! yum breads! <3<3
Z - Zai. kamusta na kaya yun?

--

ayun. wirdo ng mga una kong naisip. hahhaa pero ayus.

I'm now passing the song to Shopz

土曜日, 11月 24, 2007

GEMINI

astig to. Most of the explanations about Gemini really suit me. haha WINNER!

--

Your element: Air

Your ruling planets: Mercury (aawww. gusto ko pa naman si Venus sa SailorMoon :P)

Symbol: The Twins (kaya meron talaga akong inner and outer makre. lagi pa silang nag-aaway. :P)

Your stone: Aquamarine

Life Pursuit: To explore a little bit of everything. (Totoo to.)

Vibration: Intense mental energy (Kaya siguro madalas akong mapraning. hahaha)

Gemini's Secret Desire: To be ahead of the crowd (Siguro. If not at the top, basta siguro may rank :P)

Description:
In ancient Greek mythology, Gemini's ruler - Mercury, was the light-footed messenger of the gods who darted back and forth across the heavens delivering news (kaya mahilig akong MAGLAKAD at magESCAPADE) - which might explain why those born under the sign of the 'Twins' are always on the move(kaya GO ako ng GO); thirsty for knowledge and new experiences. Terminally curious (sobra akong MATANONG na tao. lalo na tinanong mo mga kasama ko sa opisina. hahaha) and sometimes even mischievous, Geminis are multi-faceted souls who enjoy knowing a little bit of everything but generally not too much about one particular subject. (Tawag dito JACK OF ALL TRADES, MASTER OF NONE! haha. pero totoo yan. lalo na sa field. mas gusto kong matry lahat ng techs.)It's just that variety is the spice of their lives!

In Astrology, Geminis have also gained the reputation of being the incessant talkers of the zodiac. Those Twins that don't have the 'gift of the gab' are usually talented writers or have a special interest in foreign languages(Very TRUE! :P). In love, they look for a partner who can keep up with them mentally and physically! (MOCHIRON! ayoko ng feelings ko lang ang ready. alam ko may blog akong napost tungkol dito :P) And, to quote Oscar Wilde, "there's one thing worse than people talking about you, that's people not talking about you." Whether Geminis like it or not, people are usually "talking about them" (waw! sana nga lang magandang topic. hahhaa ). Together with Scorpio and Virgos, they are a sign that is often discussed, dissected and sometimes even put down by the other signs of the zodiac. Sometimes this is a subtle form of jealousy by others, because Geminis do lead very unique and unusual lives (kung pwedeng mabuhay ng walang pera, I can really live on my own. Kaya kong mapag-isa). The Gemini personality can appear mysterious or detached (inde na ngayon. pero dati oo. naovercome ko na to eh) to others and therefore they are often misunderstood and unappreciated for the talents they offer to the world at large. (kaya sobrang naappreciate ko mga taong nagaacknoweldge sa kaya kong gawin kasi iilan lang sila. :D thanks thanks sa mga taong yun ^_^)

Another reason Geminis evoke so much interest is many born under this sign are multi-dimensionally talented(mukhang joke to. hahah. wala nga akong mapagmamalaking talent eh). In money matters, some Geminis are very adept and quick at making it... (NO!) and spending it too (YES! hahha). Many Geminis are involved in international financial wheeling and dealing. They love the adventure and game playing involved in out-thinking other people (yeah. wala akong pakelam sa consequences. pag naisip kong magadventure, Go talaga ako). Gemini's can be very haphazard about their financial affairs too, with many of them ending up in divorce courts mainly because their partners have become tired of living on the edge of a financial precipice. (huwaws ang maging mayaman pero ayokong mawalang ng asawa. hahaha)

木曜日, 11月 22, 2007

janjararan!

"Extremely Said Fresh 2" the story continues first, narrates in iswhite After the golden school goes out of business, the unemploymentmountain pass long beautiful child still hoped for can Continues to return the high school teacher Germany profession, but because of her underworld gang's status exposure, Keeps them out by very many schools, only can go is preschoolteachers. But hell's messengers The positive wrong under opportunity has come, she obtained hastaught to the black silver institute high school Opportunity. This time brings to be excited and the workingzeal long time beautiful child holds the post in the black silverschool 3 year Teacher 3 Ban, this also is by the school exile questionclass and grade... ...

---

anu daw? sumakit ang ulo ko! ilang beses kong inulit bago naintindihan hahaha. winner na winner ang summary na ito ng Gokusen 2 sa cover ng DVD na nahiram ko. hahaha grabe woooT! natuwa at natawa ako dito sa nabasa ko. hahahahaha :D

火曜日, 11月 20, 2007

TIMEOUT

ako ay nahaharap ngayon sa napalaking dagok dahil nasabak ako sa ground up dito sa office. pero next time na ko magbubuhos ng tungkol dun. hehe. rest muna kahit 10 minutes lang. ayoko ng patagalin to. :D

isubtract natin sa 10 minutes ang 2 minutes na pagbukas ko ng blog ni karen dahil alam kong nagpost na sia ng tungkol sa kagila-gilalas niang experience nung sunday.

at last, ung part nia sa dare namin eh nagawa na sia. at sobrang saya nia dahil nagawa na nia. ayus talaga. naovercome nia ang isa sa weakness nia at para siang nanalo sa lotto dahil sa ganda ng outcome nun para sa sarili nia.

IT'S WORTH THE RISK. very very true. kahit si emie na-put into action nia na rin yang linyang yan. at feeling ko, yan talaga ang motto ko sa buhay ko. hmm pano ba, kasi ang araw araw na ginagawa natin eh macoconsider natin as RISK. at inde ka hihindi pag sinabi kong 95% ng lahat ng nangyari sa buhay mo simula ng pinanganak ka eh naging masaya ka. masayang humarap sa challenges ng buhay mo kasi nag ggrow ka, mas naiintindihan mo ang paligid mo at mas tumatapang ka. kahit ba sabihin nating may times na nagFAIL ang pagsugod mo pero in the long run, mapagtatanto mong natuto ka dun at sasabihin mong "buti pa rin at nangyari yun." para saken, mas masayang sumugod ka at natalo ka sa laban kesa natakot at tinakbuhan mo yun. at feeling ko naman, lahat kayo eh ganun din :D :D

ayun. sobrang saya ko lang talaga para kay karen kasi happiness nia ang nakasalalay dun. kahit ba inde nagoverflow ung gusto niang results tungkol dun sa nangyari, alam ko nakuntento na sia. congrats karen. isa kang matapang na tao. masayang masaya ako para sayo. masayang masaya ako para satin kasi nagtulungan tayo para maovercome natin ung mga bumabagabag sa buhay natin. sana marami pa tayong maencourage tungkol sa mga gantong klaseng usapin. ^__^

wee. winner at nasaniban ng pagkatao ko si karen. natatawa ako pag naaalala ko dati na parati nilang sinasabing "ang tapang mo kris!", "astig ka at nagagawa mo ang mga bagay na yun". pero gayon nagagawa na rin nila ang mga bagay na aakalain mo sa umpisa eh agresibo sa part ng babae. kung happiness ang nakataya, bakit inde di ba? para sayo yun! inde ka sasaya ng parating magiimagine ka na lang ng mga gustong mangyari. kung gusto mo, tapangan mo! kapalan mo ang mukha mo! at makukuha mong lahat ang gusto mo :D

ayun. ayun. 7minutes na to. may last one minute para ipost sa blogger. :D

babayu! ^___^

月曜日, 11月 12, 2007

Microsoft Exams Scheduled for Discontinuation

HUWAAT? panic mode ito! hahaa. sa mga may balak na magtest ng ilang microsoft exams next year, kailangan ng mag panic at tingnan ito: http://www.microsoft.com/learning/mcpexams/status/ examstoretire.mspx at baka kasama ang itatake nio sa list ng mareretire na by March 2008.

weee. buti na lang at inde kasama ang MCSD path na itatake namin ni mommy emie next year. wee. Salamat kay Ate Mye para sa kanyang pagshare. At marapat na ipasa ito sa mga taong interesado. ^__^

月曜日, 11月 12, 2007

nahalungkat Part II

haha. nagbubutingting ako ng files ko sa pc kahapon nang makita ko ang mag eto:



haha anu yan? hehe mga t-shirt designs ko yan sa multimedia nung 4th year. wala lang. shinare ko lang dahil naalala ko mga kagila-gilalas na experience ko nun sa media. hahahha :D

日曜日, 11月 04, 2007

the daydreamer's wrath #1

**
pagpasensiyahan na ang maling pagpili ng mga salita. sana'y maunawaan niyo.
**

makre
: T__T
inner makre: lalabas ako. bilis!
makre: T__T
inner makre: amputa iyak ka ng iyak jan. sino bang may kasalanan?
makre: T__T
inner makre: galit na galit ako! lumabas ako dahil gustung gusto talaga kitang suntukin. tignan mo kung gano umuusok ulo ko sa galit tae talaga.
makre: uu na. alam ko. T__T
inner makre: tangina kasi makre! ang labo mo kasi! sasabihin ko ulet sayo ung mga bagay na ginawa mo. :-L

inner makre: humingi ka ng chance, binigay sayo, tumakbo ka, tapos hahabulin mo pabalik. hihingi ka na naman ng chance, binigay ulet sayo, tapos tumakbo ka na naman, tapos hahabulin mo ulet. recursive ung nangyari makre! ang masama pa dun, pag binibigyan ka ng chance, saglit lang ung pagitan ng minuto! nakuha mo ba makre? ilang beses nagrecurse ung eksenang ganun? para kang tanga! pilit ako ng pilit sayo pero anung ginawa mo? wala! wala kang nagawa!
inner makre: anu bang problema mo?
makre: ewan ko! T__T
inner makre: ewan mo?!? eh sabi ka ng sabi na kaya mo! bina-brag mo parati na "GO AKO NG GO." woot kainin mo yang sinabi mo!
makre: inde ko alam kung bakit napigilan ako. T__T
inner makre: inde sa inde mo alam makre! natakot ka na naman! para kang tanga! alam mo ba na nagsayang ka ng pera, ng panahon, ng pagkakataon makre! ang bobo talaga nung nangyari! hanggang ngayon parang granada ung buong katawan ko sa galit sayo amp amp amp!
makre: wala na nangyari na. tumakbo na ako. anu pang gagawin ko? sa susunod na ulet!
inner makre: isaksak mo sa utak mo ung itatanong ko sayo. anung magiging pinagkaiba ng susunod na pagkakataon makre? petsa? ung eksena? pero yun pa rin yun! yun pa rin! iisa pa rin yung gagawin mo! pano kung sa susunod eh umatake na naman yang kaartehan mo leche. kung ngayon nagwawala na ko, baka pag nangyari yun, tutuluyan kita seryoso. iisa tayo pero inde ka nakikinig saken! sino bang gagawa nung sinasabi ko sayo? ikaw ang gagawa dahil inde ko magagawa!
makre: masyado ka kasing agresibo!
inner makre: agresibo ba yun? matagal na nating pinagkasunduan yun makre. umoo ka. sabi mo gagawin mo. at inde ibibigay sayo ung mga pagkakataong yun kung inde mo dapat gawin anu ba?!? utang na loob makre! sino bang makikinabang? sino din ang nahihirapan? parehas ikaw di ba? kaya kung inaayus mo na e di tapos na. takbo ka nang takbo kaya inde natatapos yan. ngayon inde maidrawing yang itsura mo dahil sa pagsisisi mo tapos mamaya sasabihin mo ready ka na ulet! waaaaaaaaa ang gulo mo!
makre: palit na tayo.
inner makre: kung pwede lang makre. ginawa ko na nung umpisa pa lang. inde ka ba nahihiya na pinapagalitan ka ng konsensiya mo? tae kasi ang bobo talaga. grrrrr. bahala ka sa buhay mo matutulog na ko.
makre: sige na next...
inner makre: wag mo kong manext time next time. pinapaasa mo ako sa wala. gawin mo na lang kung kelan ka inde magiinarte amp. tawagin mo na lang ako pag inde ka na kokontra saken. sana nga magawa mo pa. beh! o papasok! mananahimik na ko takte kang tao ka.
makre: T__T T__T
inner makre: shaddap! naririndi na ko sa kaka huhu huhu mo. iyak iyak tapos na. :-L
makre: Y_Y

sibat!

金曜日, 11月 02, 2007

Romeo no Aoi Sora



Romeo no Aoi Sora (Romeo's Blue Skies) is a story about Romeo's life together with his chimney sweep friends in Milan, Italy.

---

Highschool ako nung napanood ko to. haha. summer nun. sa last episode, alam ko ng magiging teacher sia. tapos nung time na lalabas na ung malaking romeo, pinagtapon ako ng basura ng nanay ko sa labas. hahaha. todo takbo pa ko para maabutan ko ung scene na yun. tapos pagbalik ko... ok tapos na ung palabas. hahaha. sobrang inde ko natapos!!! kaya todo dinownload ko sia pagkatapos ng pagkaha habang panahon! wuhoo! Thanks much sa crunchyroll para sa pagpirata ko sa palabas na to. mejo nahirapan lang ako dahil inde pwede dl manager sa crunchyroll. tinyaga ko siang kunin sa temporary internet files waaa. :P

At kung drama ang paguusapan, drama talaga! tae sobrang nakakaiyak talaga. first episode pa lang ata umiyak na ko dito sa palabas na to. amp talaga! pero inde ako nagkamaling idownload sia kasi maganda talaga. maganda ang twists ng story at sobrang maiinspire ka sa lahat ng dinanas ni romeo sa buhay nia.

hahayz winner! at nakita ko na rin sa wakas nung itsura nia nung naging teacher sia wooot! hahha. ganun pa rin lolz lumaki lang. nyhahah. pero sobrang panalo talaga!

viewer rating: 6/5! hahaha