月曜日, 11月 28, 2005

sore

hay... inuulit ko na naman tong post na to... nabura ko kasi. amp. aion. sobrang nanakit tlg ang legs ko sa soccer... grabe... ngayon lang sobrang nanakit ang legs ko ng dahil sa soccer... nung mga previous trainings naman, hindi naman grabe... hay. baka hindi ako malakad bukas... huhuh... pagod tlg ako ngayon.. nagtupi pa ko ng damit for one hour pagkagising ko kanina...one week laundry din kasi namin un... tas nagplantsa pa ko ng uniform namin ni tine tine... buti nga at hindi na ksali ang general cleaning ko ng bahay namin... at baka magcollapse na ko... hahaha... aion...

art app.. nakakayamot at ang hirap maghanap ng feektyurs... too bad... pati ung sa sad... bad trip tlg...

anu pa ba? malungkot pa rin ako. at lagi na yata. ewan ko. hindi na ko mageelaborate ng tungkol sa bagay na to dito sa blog ko. sasarilinin ko na lang... haha.. nagdrama.. ayun... hindi na tlg ako magkkwento... maganda nian makre, ituloy mo ang buhay mo.... maging masaya ka na lang sa bawat araw na dumadating... hehe... :D cge. un lang. hanggang sa muli!

月曜日, 11月 28, 2005

wushu

haha. happiness. natapos ko na rin ung pinapagawa sa ken ng nanay ko na isang linggo ko ng ginagawa. SA WAKAS! haha. amp tlg. at nayayamot naman ako sa SAD at DBMS, pano ba naman, di pumayag ung clinic na malapit sa men. pero buti na lang din at hindi pumayag kasi nakita ko kung gaano kadami ung records, super libo libo tlg. hay. at eto pang ART APP. salamat kay bueno at nagpm sa ken tungkol dun. kundi, di ko maalala na meron nga palang assignment dun. haha. ok na ba ko? hindi pa talaga. mabuti na lang talaga at maagang umuwi kahapon. bago mag 5pm, di ko na talaga kaya. kung wala nga lang quiz sa dbms, hindi na ko siguro pumasok. grabe. mabuti na lang at maagang umuwi. natutuwa din ako kahapon dahil kung kelan kailangang kailangan ko si bespren, maaga siang umuwi galing skul. kaya super nag-usap kami kahapon. love kita bes! haha. super support palagi. pati si jhen. at parehas pa sila ng sinasabi sa ken. hay. hehe. hindi pa tlg ako ok. mejo nahimasmasan lang ako dahil natapos ko na tlg ung tungkol sa nanay ko. hay. hay. hay. ayun. ayoko ng magkwento. cge na. cguro sa mga susunod kong posts, puro happiness naman. para maiba ang mood. ang pangit kasi pag puro sadness ang pinoposts ko. parang lagi lagi na lang ako miserable. haha.

cge,
number1 happiness: ok ang pakiramdam ko sa quiz sa DBMS. haha.

number2 happiness: nakakaintindi ako sa compiler kahit papano. hehe. anu pa ba?

number3 happiness: natutuwa ko sa mga prends ko dito sa men, laging ready to listen. super lucky ko at nagkaron ako ng tulad nila. SI JHEN at si BES! ahihihi...

number4 happiness: ok naman kami ni "nia" haha. isang normal na araw.

cge. ayun na. wala na talaga akong makwento. ahihihi.. cge

mownin! zao an! magandang umaga! ohayo gozaimas!

haha. chinese-chinesan at japanese-japanesan na naman ako... harharhar..

ayun na tlg.. til next time! :D

金曜日, 11月 25, 2005

hay. di ko alam kung dapat ko bang ipost to. lagi na lang
gantong topics ang pinopost ko dito sa blog ko. hay.
nayayamot.naiinis. nababanas. ano pa kayang word ang
pwede kong pandescribe sa araw-araw na nangyayari sa ken?
sa sarili ko. sa isang tao. sus. amp tlg. alam mo ba, ung
nangyayari, mas masahol pa nung kay alvin! sige, compare
natin.

neighbor: present:
may pinagsamahan <-----------------> may pinagsamahan
nalaman <-----------------> ewan ko kung alam na
di na nag-uusap <-----------------> konting usapan
wala akong confi <-----------------> may confidence ako
dence
mahirap <-----------------> mas mahirap

ayun. napagcompare ko na.

NUMBER 1. EWAN KO KUNG ALAM NIA
--hindi ko tlg alam. hindi ko rin naman kasi feel. wala
sa dating nia na may alam nga sia. chaka hindi naman sia
nagfefeeling. kaya ok na rin

NUMBER 2. MAY CONFIDENCE AKO
--saan? para kausapin sia. SIYEMPRE yan! dahil nga indi
ko pa nga nacoconfirm na alam na nia. parang kay
neighbor, dahil alam kong alam nia, wala tlg akong mukha
para lapitan sia. ok lang sa ken anytime na ako ang
kumausap. pero, meron dapat pag-usapan. hindi anything
under the sun. hindi katulad dati. kahit wala lang, eepal
sia. kaya masaya.

NUMBER 3. MAS MAHIRAP
--amp. mas mahirap tlg. sobrang mas mahirap. hindi ko na
sasabihin kung bakit. kahit ba gusto kong sabihin ang
dahilan. pero alam na alam ko kung bakit mas mahirap.
grabe. nakakaiyak.


ayun na nga ang problema ko. hindi pa nga nacoconfirm,
ganito na ung nangyayari. e pano kung dumating sa puntong
sigurado na kong alam? e d wala na tlg. ung number 2,
magiging parehas na nung kay neybor. tas e d mas lalong
naging mahirap. amp tlg. ano ba talagang nangyari? minsan
nga nsiisip ko kng itanong ko sa kanya kung ano nga
talagang nangyari. pero prang kaya ko no? haha. cge
makre, kunware natatawa ka tlg. ayun na nga. hay hay hay
T_T T_T T_T T_T

金曜日, 11月 25, 2005

harharhar

wala lang... kakatapos lang ng isang JAVA program... haahah... ayun...

nayayamot tlg ako palagi.

super poor ako ngayon! haha... kinukuripot pa ko ng tatay ko... hay... di naman ako makapagreklamo... sus tlg.. amp

at, napag-isip isip ko na hindi dapat minamadali ang mga bagay bagay..

makre! hintayin mong kusang dumating... baka hindi pa sa panahon ngayon mo makakamit.. pero dadating din yun... hay...

cge.. patience is a virtue... haha.. ayun lang.. wala namang bago sa ken eh.

wala tlg... same as before, sa kahit anong aspeto, un lang, nagpost lang tlg ako para madagdagan... hay.. cge un lang

jia you! :)

土曜日, 11月 19, 2005

isang pagbabalik tanaw

wala lang.. napagtripan ko lang magbasa ng mga previous posts ko sa loob ng 2 buwan... at sa lahat ng nabasa ko... merong isang post ang nakapagpatigil sa ken... at un ay dated OCTOBER 6..

gusto ko kasi ngayon ang 6... haha.. ang pangit... basta... ahehe.. tapos ung post ko nung araw na yun eh 6 is my day... tungkol un sa dulot ni neybor at nia...haha... wala tlg siang pangalan! hahha.. tapos.. super hapi ko nun kasi nga everyday is a big day... sabi ko pa...

MAY NANGYARI KANINA, AT KAHAPON, AT NUNG ISA PANG KAHAPON. ARAW ARAW NGANG MAY NANGYAYARI KUNG TUTUUSIN.

hay.. noon yun. at hindi ngayon... haha amp. super ironic na ang mga nangyayari...

totally opposite ang nangyari nun sa nangyayari ngayon...kaya natawa ako habang binabasa ko... parang sabi ko sa sarili ko na...

ETONG POST NA TO, KABALIGTARAN NUNG POST KO NUNG NOVEMBER 16.

haha.. natawa tlg ako... hay... ganyan tlg... maraming hindi inaasahan... cge.. un lang!

p.s.
eto url nung posts ko nung mga araw na binanggit ko... amp tlg..

OCTOBER 6: 6 IS MY DAY!

NOVEMBER 16: T_T T_T

金曜日, 11月 18, 2005

isang panaginip

hay amp! napanaginipan ko sia... at kaninang umaga lang... sabi ng mga people, nagkakatotoo daw ang mga dreams kapag morning mo sia napanaginipan... umaga tlg kasi nung nagising ako, natulog ulit ako at dun ako nanaginip... amp! ewan ko kung gusto ko o ayaw ko bang mangyari... pero kakaiba... futuristic ang dating.. ganto un.. haha..

may pamilya na sia... may anak nga siang lalaki... siguro mga e years old na... pero di ko alam kung nasan ang asawa nia.. wala sa eksena.. tapos ung anak nia, sobrang malapit sa ken... as in... ayun... tapos, ikakasal na rin daw ako sa iba... pero alam nia ang mangyayari... tas ayun.. parang nasa kalye daw ako.. kasama ko si synde at betz...bumibili nga sila ng religious item.. tas biglang dumating din sia... bibili din.. tas ewan ko kung san nagpunta sina bechay... iniwan nila ako.. kaya ayun... tas umupo sia... tas lumapit ako at humilig sa balikat nia.. at ganto ang napag-usapan namen..

**teka, kailangan talaga may pangalan.. kaya, pangalanan natin SIYA sa pangalang ZAI.. haha.. kahit hindi tlg si zai... ahihi..

makre: zai, ikakasal na ko...
zai: alam ko...
makre: pero mas mahal kita.. pano na? *yikee! haha
zai: ***kung anu-anong sinabi nia at hndi ko naintindihan

ayun.. basta habang nag-uusap kame.. super magkayap.. amp! sa kalye to nangyayari! harharhar... super akap sia sa ken... ayun.. tas biglang dumating ung anak nia kaya tumigil ung kame.. tas binuhat ko ung anak nia... ayun...

ang corny.. pero ewan! ang wirdo.. hehe.. ayun.. un lang..

木曜日, 11月 17, 2005

wala lang

wala akong maisulat. hehe. pampadagdag lang to ng posts ko. hahaha. ngayon ay isang ordinaryong araw lang ulit, dala ang problema ko. ahihihi. pero di ko na masyadong inaalala. *wushu makre! hahaha. nakakaantok kanina sa art app. super basa lang. at hindi pa ako natawag dun. harharhar. hapi berday nga pala kay gemer. ahehehe. wala talaga akong masabi. ayun. buntong hininga. hay. ayun. mukhang mali yata ang hinala ko. ung feeling kong alam ay hindi yata. hahaha. ewan ko. mas maganda kung hindi para safe ako sa ngayon. amp. ay naku. bakit lagi na lang laging malapit sa bahay namen? si neighbor. sia. at bakit ba hindi ko masabi ung pangalan nia? haha. e bakit si neighbor din naman, hindi ko mabanggit ang pangalan. haha. nakakayamot. amp. wala talaga akong maikwento. wala kasi talagang kakaiba sa araw na ito. pero nakita ko si neighbor kanina. pagkatapos siguro ng napakatagal na panahon. haha. kelan pa ba ung huli? nung finals week pa ata. ewan ko. hindi ko naman na pinapansin talaga yun. bahala sia. hahaha. tapos na ang lahat. tama na ang apat na taon. hay. eto na naman ako. ahehehe. ayun na. gagawa pa ako ng assignment sa socio. amp talaga yun. pahirap. ang daming alam. grrr. hehe. cge cge. hanggang sa muli. nagmamahal, kris. = )

p.s. tinatanong kung sino ba daw si kris. haha. si kris at si makre ay iisang tao lang. may mga tao na kris ang tawag sa ken. gaya ng mga iba kong kamag-anak. pero makre pa rin. hahaha. un lang. gusto ko lang i-share. ahihihihi. :P

水曜日, 11月 16, 2005

T_T T_T

zero.
wala.
yan ang nangyayari ngayon.
parang dati, sinasabi ng iba na "makre! stage 1 na yan!".
pero ngayon, bumalik yata sa stage 0.
ewan ko kung ako ba ang nagbago o siya ang nagbago.
nakumpara ko kasi ung dati.
parang everyday is a big day.
pero ngayon, nyek! anong nangyari?
palilipasin ang isang araw na magdadaanan lang.
walang batian.
siguro mayroon naman kahit papaano.
pero ilang beses lang.
kumpara talaga dati.
walang wala ang mga pangyayari ngayon.
siguro ako din ang nagbago.
kasi ayaw kong ipakita.
ayaw kong iparamdam.
kahit alam kong alam na niya.
bakit?
dahil natatakot ako.
natatakot akong mangyari ang isang bagay sa ikalawang pagkakataon.
kapag nangyari ulit iyon, tanga na talaga ako.
kaya ayaw kong magsugal ng damdamin.
dahil wala ngang kasiguraduhan.
matagal pa naman ang pagsasamahan.
pero hindi pwedeng laging ganito.
mas masakit pala kapag may naranasan ka na.
mahirap kapag natigil.
hindi katulad dati na ang dapat mo lang ikalungkot ay hindi mo naabot ang gusto mong mangyari.
pero mas mahirap ngayon dahil nanaisin mo na sana nagtuluy-tuloy at hindi naputol.
mas mahirap kasi sa tuwing nakikita mo, naalala mo ang mga magagandang nangyari sa nakaraan.
lalong mabigat kapag sasariwain pa.
mailap na ngayon.
hay.
hindi pa nga nakukumpirma, ganito na.
eh paano kung makukumpirma pa?
hindi ko alam kung bakit laging dinadaanan lang ako ng mga gantong klaseng bagay.
nakikinita-kinita kong mauulit na naman.
dalawang beses na!
sobrang masaklap ba talaga?
sobrang miserable ba?
hindi ko alam kung sa sarili ko ba o sa kanya ako magagalit.
pero nahihirapan ako.
gusto kong iparamdam pero paano kapag umiwas?
ayaw kong iparamdam pero paano uusad?
ano ang pipiliin ko?
isang malaking hindi ko alam!
bahala na!
hindi ako umaasa pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.
hindi nawawala sa isip ko na posible.
nais kong ipakita ang isang matinding pagkagusto.
nais kong iparanig na siya ang sinisigaw ko.
nais kong iparamdam ang isang masidhing damdamin.
pero pano kung ako ay mabigo?
mas lalong hindi ko kakayanin.
hay kris.
pabayaan na lang natin mangyari kung ano ang mangyayari.
kahit mas pagsisisihan daw ang isang bagay na hindi ginawa.
baka kasi maging mas masaya ako kung hindi ko na gagawin.
kung hindi ibibigay sa akin, mabuti.
ngunit kung ibibigay sa akin, mas mabuti.
matagal pa naman ang panahon.
madami pang pwedeng mangyari.
makuntento na lang sa kung anong meron.
kahit aaminin ko na hindi ako makukuntento na ganito lang.
hay naku kris.

月曜日, 11月 14, 2005

hay... pagod

ayun.. helowie! ngayon ay nagpost ako dahil maayos na ang linya ng telepono namen... hehe.. kagabi kasi walang dialtone.. gusto ko pa namang magOL kagabi... ayun.. pero walang magagawa... kakatapos lang ng praktis sa soccer.. hay soccer... pag pumayag tlg, papasok na ko sa line up... gusto ko rin pero pag ayaw nila, wala rin akong magagawa... kanina, himala at ang aga ng training... 8 am! wahahha... la lang... ayun.. di ako pumasok nung sat.. punta kasi kaming nueva ecija dahil interment ng tita ko the next day... super sad tlg... nagpost pa naman ako nung nov6 na kakayanin nia.. pero that day din, namatay sia.. super sad tlg dahil peborit ko un sa lahat ng tita ko at ang mga anak nun ang mga pinsan kong super close... sad tlg.. ayun... kaya dahil sa pagabsent ko, nawaolan ako ng +5 sa dtabase.. hehe.. sayang pero okies lang.. hehe.. ayun... ano pa ba? wala naman... hehe..cge! un lang sa ngayon.. tulog muna ko..

日曜日, 11月 06, 2005

sadness

ayun... malungkot dahil kawawa naman ang tita ko... kasi, may cancer sia... at hindi ko alam kung anong cancer ang meron sia... basta ang alam ko, ung bukol, nakapatong sa muscle sa legs nia, kaya ung left leg nia hanggang paa, namamaga... tas may diperensiya pa sa kidneys nia.. kaya may dalawang tubo sa magkabilang kidneys nia... at dun dumadaan ang wiwi nia... lumalaki nga din ung tiyan nia eh.. ewan ko naman kung bakit... kawawa tlg sia... super sakit daw... hindi nga sia maCHEMO kasi madaming complications ang nangyari sa kanya... twice o thrice a week ata sia dinadialysis... kaya ganun kasi hndi na sia masyadong nakakilala, may time nga na hindi nia ko kilala nung dumalaw ako sa hospital.. bait pa naman nun ni tita.. hay.. sadness tlg... at ngayon, super critical ang condition nia... as in...buhuhu.. tas ang gastos gastos sa ospital kahit sa PGH pa... pay patient din naman kasi sia dun... kya ung mga pinsan ko na nanay yun, nagwoworry hindi lang sa condition ng mommy nila kundi sa pangeenrol nila,, dalawa kasi silang nasa college.. isa 4th year, at isa 2nd year... eh mageenrol sila this week... amp! kung hindi lang ako sa ust... nagbigay na ko! closeness ko kasi ung mga pinsan ko na un... super parang kapatid na ang turingan... kaya sadness tlg... wala kaming matulong kundi moral support... buhuhuh.. kaya pa yan ni tita! sobrang dapat siang lumaban! un lang! share ko lang!