水曜日, 11月 16, 2005

T_T T_T

zero.
wala.
yan ang nangyayari ngayon.
parang dati, sinasabi ng iba na "makre! stage 1 na yan!".
pero ngayon, bumalik yata sa stage 0.
ewan ko kung ako ba ang nagbago o siya ang nagbago.
nakumpara ko kasi ung dati.
parang everyday is a big day.
pero ngayon, nyek! anong nangyari?
palilipasin ang isang araw na magdadaanan lang.
walang batian.
siguro mayroon naman kahit papaano.
pero ilang beses lang.
kumpara talaga dati.
walang wala ang mga pangyayari ngayon.
siguro ako din ang nagbago.
kasi ayaw kong ipakita.
ayaw kong iparamdam.
kahit alam kong alam na niya.
bakit?
dahil natatakot ako.
natatakot akong mangyari ang isang bagay sa ikalawang pagkakataon.
kapag nangyari ulit iyon, tanga na talaga ako.
kaya ayaw kong magsugal ng damdamin.
dahil wala ngang kasiguraduhan.
matagal pa naman ang pagsasamahan.
pero hindi pwedeng laging ganito.
mas masakit pala kapag may naranasan ka na.
mahirap kapag natigil.
hindi katulad dati na ang dapat mo lang ikalungkot ay hindi mo naabot ang gusto mong mangyari.
pero mas mahirap ngayon dahil nanaisin mo na sana nagtuluy-tuloy at hindi naputol.
mas mahirap kasi sa tuwing nakikita mo, naalala mo ang mga magagandang nangyari sa nakaraan.
lalong mabigat kapag sasariwain pa.
mailap na ngayon.
hay.
hindi pa nga nakukumpirma, ganito na.
eh paano kung makukumpirma pa?
hindi ko alam kung bakit laging dinadaanan lang ako ng mga gantong klaseng bagay.
nakikinita-kinita kong mauulit na naman.
dalawang beses na!
sobrang masaklap ba talaga?
sobrang miserable ba?
hindi ko alam kung sa sarili ko ba o sa kanya ako magagalit.
pero nahihirapan ako.
gusto kong iparamdam pero paano kapag umiwas?
ayaw kong iparamdam pero paano uusad?
ano ang pipiliin ko?
isang malaking hindi ko alam!
bahala na!
hindi ako umaasa pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.
hindi nawawala sa isip ko na posible.
nais kong ipakita ang isang matinding pagkagusto.
nais kong iparanig na siya ang sinisigaw ko.
nais kong iparamdam ang isang masidhing damdamin.
pero pano kung ako ay mabigo?
mas lalong hindi ko kakayanin.
hay kris.
pabayaan na lang natin mangyari kung ano ang mangyayari.
kahit mas pagsisisihan daw ang isang bagay na hindi ginawa.
baka kasi maging mas masaya ako kung hindi ko na gagawin.
kung hindi ibibigay sa akin, mabuti.
ngunit kung ibibigay sa akin, mas mabuti.
matagal pa naman ang panahon.
madami pang pwedeng mangyari.
makuntento na lang sa kung anong meron.
kahit aaminin ko na hindi ako makukuntento na ganito lang.
hay naku kris.

0 comments: