Nastuck ako. inde ko alam kung pano sisimulan. Sa dami kasi ng pinagdaan at pinagsamahan, wala talagang katumbas na salita ang para sa mga yun T_T. nagumpisa sa 45 na nilalang. ANG KAISA-ISANG D SA BUONG HISTORY NG ICS. ang dissolved na pero buo pa rin. ang pinagmamalaki kong pamilya. ang CSD.
Naaalala ko nung ics1 sabi ni sir vergil samen na wag daw maging masyadong malapit sa isa't isa kasi mahihirapan kami pag dumating sa point na magkakahiwalay na. Nag-umpisa kami sa madaming grupo grupo din. group namen nila betz, group nila ferlyn, group nila tin, group nila xtian, group nila rev, group nila gemer. Hanggang sa lumaki ang group namin dahil napasama na samen sila rev hanggang sa lumaki pa rin kami dahil pagsisi-alisan ang mga d, kami ang umaapon sa mga naiwan nila. at ang nagtrigger na pagiging isa, nung nadissolve kami. Sobrang ironic di ba?
sobrang laki ng naestablish naming pagkakaibigan internally. kaya siguro wala kaming kilala sa labas ng CSD nung time na nadissolve kami. parang "WHY FIND MORE PEOPLE?" nung una, kung sa loob ng home section mo kuntento ka na. at yung naestablish naming bond, nagsimula nung RO days sa kung saan-saang comp shop; nasundan ng pagbibilyar ng buong klase sa iisang lugar; nasundan ulit ng pagkain namin for two years sa 1&2; ang pagvivideoke namin sa RP; ang pagtambay sa bahay nila marcus; at madami pang iba. Parang pwede ka laging magcheck ng ATTENDANCE pag magkakasama kami dahil sa dami namin.
Matapang din kami. May isang boses. Pag gusto ng isa, gusto ng lahat. Kaya nga nagawa naming magpalayas ng prof kahit second year pa lang kami. Proven din ng aming CASINO DE 2CSD kung san si jm lang inde naglalaro. Madaming ding magaling samen sa iba't ibang fields. Maliban sa programming, inclined kami sa sports *yeah football* , sa photography *op kors*, sa music *csd banda-bandahan at ang banda talaga ni jm; at ang videoke nature namin*, at madami pang iba. Mahilig din majority samen sa blogging. Kasi gusto naming ineexpress talaga ang kung anumang mga points of view namin. Ma-gadget din ang csd. Wala man may kotse samin, sandamakmak kami ng digicam, ng mp3 player, ng laptop, at mga power PCs. Pero tahimik ang CSD. At ako ang isa sa mga magpapatunay nian. Basta susuportahan ka na lang nila sa anumang gusto mo, kung san ka masaya. Tutulungan ka everytime na nahihirapan ka talaga e.g. Ang pagpapauso namin ng mga group study. Kaya kahit magulo talaga kami, mapagkakatiwalaan mo ang bawat isa. At sobrang mahilig kaming magreminisce. Kahit paulit-ulit naming pinag-uusapan, tatawa pa rin kami ng tatawa. ^_^ Tapos, madali ding magopen ng mga bagay bagay sa loob ng pamilya. Kaya kahit ilang beses na kami nag-iyakan, walang problema samin yun. Kasi ang mahalaga, nailabas mo kung anung nasa loob mo at yung "SALAMAT AT MAY MAKIKINIG PALA SAKEN." Kaya pag issue ng isa, issue ng lahat. Ang problema mo, problema na din nila. Although may opposition at administration sa ganyan pag una, in the long run maiintindihan ka din ng lahat pag nalinawan na sila sa mga bagay bagay. DUN NAG-UGAT ANG KAHILIGAN NAMIN SA MGA OPEN FORUMS. Parang masyadong exaggerated di ba? Pero inde. Kasi naexperience ko yan, namin...all throughout the 4 years of friendship.
Oo. Iba't iba kami ng personalities. Pero those personalities complement one another. Kaya siguro kami naging ganto. Walang CSD na magsasabing inde ako naging belonged. Walang CSD na magsasabing inde ako naging masaya. Walang CSD na magsasabing iba ako sa inyo. At walang CSD na magsasabing inde ko minahal ang "pamilyang" sinasabi nio. Dahil inde namin nalimitahan ang pagkakaibigan namin sa loob lang ng school. Madaming aspeto ang pumapasok dun. Kasama na sarili naming mga pamilya, religion, buhay pag-ibig, etc. Gaya ko. Kaya natutuwa talaga sa kanila si mama. Aylabyu daw sabi ni mama. HAHAHA.
At ngayon, naalala ko ulit ang sinabi ni sir vergil nung huli kaming nagkita-kita sa room 45. tinanong ko kung anu ung WHAT'S THE BEST THING ABOUT US?. tapos sabi ni sir, "yung kahit na nagkahiwalay-hiwalay kayo, intact pa rin kayo sa isa't isa." Yung hiwalay na tinutukoy ni sir eh inde lang sa mga existing na CSD sa loob ng ICS. Kasama na dun ung mga CSD na nasa loob at labas ng UST. Kaya parang may invisible kaming tali. At ang taling yun, will still bind us sa future.
Kaya...i'll take this opportunity para magpasalamat. kahit sobrang haba na ng post ko na to. Actually, ang ISANG SALAMAT GOES FOR EVERYBODY. kasi lahat naman makakarelate. Una, salamat CSD sa pagtangkilik nio sa isawan namin. HAHAHA. punta kayo dito samen anytime. :D Salamat ulit sa unconditional na prengship. Gaya ng nasabi ko na dati, sa inyo ko lang naranasan ang pinakamalaking grupo ng mga kaibigan. Salamat sa lahat ng suporta, both sa studies at sa <3<3<3. hahaha. Salamat sa concern, anjan kayo parati sa mga panahong magulo ang pag-iisip ko sa mga bagay bagay. Maraming salamat sa pagsakay nio sa mga trip ng bawat isa. Kahit JOLOGS, ok LANG! hahahaha. Salamat sa tiwalang binigay nio. Nakatulong yun sa pagtaas ng self-esteem ko :P **peace ken!** At Maraming salamat sa pagiging KAYO. Sa pagpapakita nio saken ng mga totoong sarili nio. Grabe. nakakaiyak. Sobrang abot langit ang tenkyu ko kay jesus at sa inyo ako nagsimula. :D At kahit sa iba ako natapos, kasama ko kayo parati through thick and thin. wuhooo! inde ko na papaalalang wala sanang limutan. Kasi inde naman talaga mangyayari yun. Mahal ko kayong lahat as in! Goodluck sa ting lahat at sa bawat isa senyo, tandaan nio na ang unang-unang tatakbuhan nio sa kung anumang bagay ay ang mga TAONG ISAW, ang CSD. :D
私は内側からの叫び
Ii otoko da. Kono tamago no atama no hito
私のプロフィール
:21.
:filipino.
:thomasian.
:theresian.
:computer science grad.
:associate software engineer.
:.net developer.
:gemini.
:rabbit.
:green & red color lover.
:astronomy addict.
:uses badminton as a stress reliever.
:likes math and music.
:likes the movie castaway.
:yuyu hakusho addict.
:kurama, zhou yu min, son ye jin, and tom hanks fan.
:loves fireworks and ferris wheels.
:trying-hard guitar & keyboard player.
:inclined with the japanese language.
:addicted to breads.
:spitz music lover.<3
話そう
ラベル
- animation (22)
- Drama (1)
- Literature (8)
- Movies (8)
- Music (27)
- Out of the Box (19)
- Personal (253)
- Showbiz (58)
- Social (3)
- Technical (10)
最近の記事
リンク
カウンター
Labels: Personal
Bakit neutral? Kasi, wala akong narinig na tsismis galing sa section na to either positive or negative. Kaya nung naging issue ang merge/shuffle ng section, naisip ko na sana sa CSB ako mapunta at swerte kong napunta nga ako! Wala din akong kilala dito nung una. As in! Ang kilala ko lang talaga at by face pa: si dave dahil kay oyang, si jobert dahil kakilala ni vic, si karla dahil bespreng sia ni fabro, si lea dahil kaprengster ni fabro, si led dahil kastreet namin sia, si mon pa pala na schoolmate ko sa stc, at si sam dahil ang ganda nia! **TOMBOY MODE** :P hahahaha. the rest, pagpasok ko sa room 45 nung first day ng third year, "nageexist pala tong mga to!"
Puro sila lalaki. CSBoys kung tutuusin. Lalaki ang matatag sa section nila. Wala namang akong wrong impression sa kanila dahil wala talaga akong alam. Inde rin kasi sila nababanggit ng mga profs samen kaya 0 knowledge. Nakakachallenge nung una kasi unang dissolve, why not try to adapt sa bagong environment. At sobrang new talaga. New faces, new personalities. At masasabi kong flexible ang mga tao sa CSB kasi first sem pa lang, palagay na loob ko sa mga tao dito. Madaling lapitan, chaka makulit talaga ang persona nila. Sobrang matatawa ka sa mga trip nila sa buhay. Masaya dito. Never nagkaron ng dull moments. akala mo parati, wala silang mga problema sa buhay. Mahilig din sila sa mga issue. Hahaha. At mahilig din silang mangulimbat ng bracelets ng mga tao. :P Pero inde ko nga inakalang makakasundo ko ang majority sa mga nilalang nila.
Notable ang CSB sa galing nila sa programming. Maraming master programmers dito. As in. Kung galing sa course ang pag-uusapan, saludo ako sa mga CSB. Winner. Daming potentials both hardware and software. Astig! ^___^
CSBisyo din mga to. Hahaha. Sa laro, sa inom. Yehey! :P
Pero masaya talaga silang kasama. Lalo na talaga ako. Kaya sobrang mami-miss ko tong mga to. Kahit palagi nila akong inaaway. hahaha. Salamat sa pag-ampon nio saken CSB. Pag feeling ko nawawala ang mga kaibigan ko, anjan kayo para samahan ako. Tenkyu as in. Salamat kasi warm ang pagtanggap nio sameng mga CSD. Wala ring OP moments. Kasama kami sa kulitan nio, sa mga outing at inuman sessions nio. Salamat at nadagdagan ang mga kaibigan namin. Winner kayo. Sobrang pamilya na rin kayo saken at sa ibang CSD :D
Salamat sa mga gelays nila: kay mon, kay lea, gibelle at aileen. Nakaramdam pa rin ako ng feminine side sa CSB. hahaha. inde prengs ko rin yang mga yan. :D Salamat! Tenkyu kila jobert, kay raymond, reggie, dacs, kay earl, hanggang 4th year na kulitan kasama ko kayo. Weee. Salamat din kay shadi sa pagsshare mo saken ng mga kung anu anu. :D Salamat Laurence sa pagkakaibigan tsong! Love kita pare! Sa pag include mo sa ken sa listahan ng mga "inaalala mong tao." Naiyak ako dun sobra. Ikaw pa rin ang super huggable friend ko. :D Salamat Ivan. Eto never kong inexpect na makakasundo din kita. Pero winner ka! panalo mga banat mo sa buhay :D Salamat sa BackSeatBoys: kay ong, kay aizer, mori, kay dave, kay gian, kay jep. Si poli special mention kasi natutuwa talaga ako sa kanya recently. :D Eto sobrang mga special mention: si kras bueno, juswa, at mark. Panalo kayo saken peeps. As in. Salamat sa lahat ng suporta, sa mga times na nasasabihan ko kayo ng sandamakmak kong problema sa buhay, sa pagsshare nio rin saken ng napakadaming bagay, at sa sobrang pagkakaibigan. Inde nio talaga ako iniwan. Naiiyak ako. Pero salamat talaga at anjan kayo parati. Aylabyu! :D buong portyer kasama ko kayo :D At sa mga inde ko nabanggit. Tenkyu tenkyu tenkyu.
Ayun. malaki utang ko sa CSB kasi dito nagboost ang personality ko. dumami prengs ko ng dahil senyo. At feeling ko sobrang naging trustworthy akong tao ng dahil sa inyo. Weee. Goodluck sa lahat. Keep in touch as in. Wag nio ko kakalimutan pag may inuman! hahahaha :D Ulit, tenks at godspeed. .v. ^__^ .v. **PEACE**
Labels: Personal
Inde ko inexpect that I would belong sa CSA. Bukod sa wala akong kilala talaga except for a few, I had a wrong impression sa mga taong nandito sa section na to. Known for their brains or should I say ang pagkarir nila sa maraming bagay, sabi ko nun, "maiiwan ako pag napunta ako dito." Feeling ko sobrang aral na aral na talaga sila. Less socials. Kaya parang nakakainis nung una. Yamot din ako dahil iilan lang kaming CSD ang napunta dito; kaya nagbalak pa kong lumipat sa CSB.
Nung una, iilan lang din talaga ang mga nakakausap ko sa kanila. Notable ang mga gelay nila. Mga boys inde masyado. OP pa kami mejo nung first sem kasi inde pa rin masyadong masakyan ung trip nila sa buhay. Madalas inde rin kami makarelate talaga.
Pero in the long run, nakilala ko ang CSA sa pagiging magulo din nila. Masaya media namin dahil kay martin. hahaha. Friendly din talaga yang mga yan. Natuwa ako sa mga instances na kinukumusta ka nila, sa paginvite nila sayo na makijoin ka sa kanila. Sobrang lahat ng wrong impressions ko sa kanila, ERASED. may mga times din na nagsshare ung iba na nahihirapan sila. MALI AKO NA LAHAT NG TAO DITO NAGEEXCEL SA LAHAT NG FIELDS! normal na mga nilalang din pala tong mga to. hahahaha. MALI AKO SA LESS SOCIALS. haha! dami ngang extra-curricular ng mga to: sa icon, sa iba't ibang orgs sa labas ng eng'g, at mahilig din sila sa outing. Pero no doubt ang brains pa rin nila eh exceptional. Matatalino talaga ang mga tao dito. Home ng mga cum laude. YES! Congrats kay erwin at ledi! wuhoo!
Ayun, salamat CSA sa isang taon. Kakalungkot at konting time lang tayong nagkasama. Salamat sa pagtanggap nio samen. Sa inde pag OP samen. sobrang salamat sa pag-approach. Appreciated ang mga small things na ginawa nio inde lang para saken kundi para sa ibang CSD na napunta senyo. Salamat kila erwin, cesar, at emman sa pagsuporta samen sa thesis. Panalo kayo! Salamat sa mga gelays: kay louisa, kay dylan, kay timmy, kay anna, kay kat, kay grace, kay jioza, kay regine! grabe. lagi nio kong kinakausap. hahaha. natuwa talaga ako. Salamat din CSA sa pagsunod nio kay president jaers. hahaha. Sa mga inde ko nabanggit, tenkyu pa rin. :D Kina jeff pala, kay alvin, kay gran, kay sieg! Salamat sa lahat. Lalo na pala kay sieg, sa PL days. naisalba mo kami pare! Salamat ^_^
Ayun, goodluck sa endeavors nio sa buhay. Maraming mararating ang mga tao sa section na to. Leadership skills ang panalo sa mga to. Ibang klase! Ayun. Godbless sa inyong lahat at kita kits!
Labels: Personal
dahil ito ay isang malaking pagbabalik tanaw, hahatiin ko ang post sa ito into parts para mas detailed. hehhe. yun lang. intro lang to. :D
Labels: Personal

