Nastuck ako. inde ko alam kung pano sisimulan. Sa dami kasi ng pinagdaan at pinagsamahan, wala talagang katumbas na salita ang para sa mga yun T_T. nagumpisa sa 45 na nilalang. ANG KAISA-ISANG D SA BUONG HISTORY NG ICS. ang dissolved na pero buo pa rin. ang pinagmamalaki kong pamilya. ang CSD.
Naaalala ko nung ics1 sabi ni sir vergil samen na wag daw maging masyadong malapit sa isa't isa kasi mahihirapan kami pag dumating sa point na magkakahiwalay na. Nag-umpisa kami sa madaming grupo grupo din. group namen nila betz, group nila ferlyn, group nila tin, group nila xtian, group nila rev, group nila gemer. Hanggang sa lumaki ang group namin dahil napasama na samen sila rev hanggang sa lumaki pa rin kami dahil pagsisi-alisan ang mga d, kami ang umaapon sa mga naiwan nila. at ang nagtrigger na pagiging isa, nung nadissolve kami. Sobrang ironic di ba?
sobrang laki ng naestablish naming pagkakaibigan internally. kaya siguro wala kaming kilala sa labas ng CSD nung time na nadissolve kami. parang "WHY FIND MORE PEOPLE?" nung una, kung sa loob ng home section mo kuntento ka na. at yung naestablish naming bond, nagsimula nung RO days sa kung saan-saang comp shop; nasundan ng pagbibilyar ng buong klase sa iisang lugar; nasundan ulit ng pagkain namin for two years sa 1&2; ang pagvivideoke namin sa RP; ang pagtambay sa bahay nila marcus; at madami pang iba. Parang pwede ka laging magcheck ng ATTENDANCE pag magkakasama kami dahil sa dami namin.
Matapang din kami. May isang boses. Pag gusto ng isa, gusto ng lahat. Kaya nga nagawa naming magpalayas ng prof kahit second year pa lang kami. Proven din ng aming CASINO DE 2CSD kung san si jm lang inde naglalaro. Madaming ding magaling samen sa iba't ibang fields. Maliban sa programming, inclined kami sa sports *yeah football* , sa photography *op kors*, sa music *csd banda-bandahan at ang banda talaga ni jm; at ang videoke nature namin*, at madami pang iba. Mahilig din majority samen sa blogging. Kasi gusto naming ineexpress talaga ang kung anumang mga points of view namin. Ma-gadget din ang csd. Wala man may kotse samin, sandamakmak kami ng digicam, ng mp3 player, ng laptop, at mga power PCs. Pero tahimik ang CSD. At ako ang isa sa mga magpapatunay nian. Basta susuportahan ka na lang nila sa anumang gusto mo, kung san ka masaya. Tutulungan ka everytime na nahihirapan ka talaga e.g. Ang pagpapauso namin ng mga group study. Kaya kahit magulo talaga kami, mapagkakatiwalaan mo ang bawat isa. At sobrang mahilig kaming magreminisce. Kahit paulit-ulit naming pinag-uusapan, tatawa pa rin kami ng tatawa. ^_^ Tapos, madali ding magopen ng mga bagay bagay sa loob ng pamilya. Kaya kahit ilang beses na kami nag-iyakan, walang problema samin yun. Kasi ang mahalaga, nailabas mo kung anung nasa loob mo at yung "SALAMAT AT MAY MAKIKINIG PALA SAKEN." Kaya pag issue ng isa, issue ng lahat. Ang problema mo, problema na din nila. Although may opposition at administration sa ganyan pag una, in the long run maiintindihan ka din ng lahat pag nalinawan na sila sa mga bagay bagay. DUN NAG-UGAT ANG KAHILIGAN NAMIN SA MGA OPEN FORUMS. Parang masyadong exaggerated di ba? Pero inde. Kasi naexperience ko yan, namin...all throughout the 4 years of friendship.
Oo. Iba't iba kami ng personalities. Pero those personalities complement one another. Kaya siguro kami naging ganto. Walang CSD na magsasabing inde ako naging belonged. Walang CSD na magsasabing inde ako naging masaya. Walang CSD na magsasabing iba ako sa inyo. At walang CSD na magsasabing inde ko minahal ang "pamilyang" sinasabi nio. Dahil inde namin nalimitahan ang pagkakaibigan namin sa loob lang ng school. Madaming aspeto ang pumapasok dun. Kasama na sarili naming mga pamilya, religion, buhay pag-ibig, etc. Gaya ko. Kaya natutuwa talaga sa kanila si mama. Aylabyu daw sabi ni mama. HAHAHA.
At ngayon, naalala ko ulit ang sinabi ni sir vergil nung huli kaming nagkita-kita sa room 45. tinanong ko kung anu ung WHAT'S THE BEST THING ABOUT US?. tapos sabi ni sir, "yung kahit na nagkahiwalay-hiwalay kayo, intact pa rin kayo sa isa't isa." Yung hiwalay na tinutukoy ni sir eh inde lang sa mga existing na CSD sa loob ng ICS. Kasama na dun ung mga CSD na nasa loob at labas ng UST. Kaya parang may invisible kaming tali. At ang taling yun, will still bind us sa future.
Kaya...i'll take this opportunity para magpasalamat. kahit sobrang haba na ng post ko na to. Actually, ang ISANG SALAMAT GOES FOR EVERYBODY. kasi lahat naman makakarelate. Una, salamat CSD sa pagtangkilik nio sa isawan namin. HAHAHA. punta kayo dito samen anytime. :D Salamat ulit sa unconditional na prengship. Gaya ng nasabi ko na dati, sa inyo ko lang naranasan ang pinakamalaking grupo ng mga kaibigan. Salamat sa lahat ng suporta, both sa studies at sa <3<3<3. hahaha. Salamat sa concern, anjan kayo parati sa mga panahong magulo ang pag-iisip ko sa mga bagay bagay. Maraming salamat sa pagsakay nio sa mga trip ng bawat isa. Kahit JOLOGS, ok LANG! hahahaha. Salamat sa tiwalang binigay nio. Nakatulong yun sa pagtaas ng self-esteem ko :P **peace ken!** At Maraming salamat sa pagiging KAYO. Sa pagpapakita nio saken ng mga totoong sarili nio. Grabe. nakakaiyak. Sobrang abot langit ang tenkyu ko kay jesus at sa inyo ako nagsimula. :D At kahit sa iba ako natapos, kasama ko kayo parati through thick and thin. wuhooo! inde ko na papaalalang wala sanang limutan. Kasi inde naman talaga mangyayari yun. Mahal ko kayong lahat as in! Goodluck sa ting lahat at sa bawat isa senyo, tandaan nio na ang unang-unang tatakbuhan nio sa kung anumang bagay ay ang mga TAONG ISAW, ang CSD. :D
私は内側からの叫び
Ii otoko da. Kono tamago no atama no hito
私のプロフィール
:makre.
:21.
:filipino.
:thomasian.
:theresian.
:computer science grad.
:associate software engineer.
:.net developer.
:gemini.
:rabbit.
:green & red color lover.
:astronomy addict.
:uses badminton as a stress reliever.
:likes math and music.
:likes the movie castaway.
:yuyu hakusho addict.
:kurama, zhou yu min, son ye jin, and tom hanks fan.
:loves fireworks and ferris wheels.
:trying-hard guitar & keyboard player.
:inclined with the japanese language.
:addicted to breads.
:spitz music lover.<3
:21.
:filipino.
:thomasian.
:theresian.
:computer science grad.
:associate software engineer.
:.net developer.
:gemini.
:rabbit.
:green & red color lover.
:astronomy addict.
:uses badminton as a stress reliever.
:likes math and music.
:likes the movie castaway.
:yuyu hakusho addict.
:kurama, zhou yu min, son ye jin, and tom hanks fan.
:loves fireworks and ferris wheels.
:trying-hard guitar & keyboard player.
:inclined with the japanese language.
:addicted to breads.
:spitz music lover.<3
話そう
ラベル
- animation (22)
- Drama (1)
- Literature (8)
- Movies (8)
- Music (27)
- Out of the Box (19)
- Personal (253)
- Showbiz (58)
- Social (3)
- Technical (10)
最近の記事
リンク
カウンター
金曜日, 3月 30, 2007
Labels: Personal
登録:
コメントの投稿 (Atom)


0 comments:
コメントを投稿