木曜日, 6月 21, 2007

ang CHEESY neto.

warning: kung ayaw nio ng mga gantong klaseng usapin ay wag nio ng ituloy basahin. kung inde kayo makapagpigil at binasa nio parin at sa bandang huli ay nayamot kayo, kasalanan nio na un. hehehe. ang letter na ito ay nakaipit ko sa isa sa mga librong pakalat kalat sa bahay ng bespreng ko. pinost ko sia dahil natouch ako sa content nia at dahil birthday ko ang date dun sa letter. hehehe. sikret ang mga tao behind this letter kaya nag-imbento na lang ako ng pangalan. ahihihi. pumayag naman si "Annie" na ipost ko to. heheh. ayun lang. paalala ulit, cheesy to, bahala na kayo. :D


-------------

june 13, 2004


Alexis,

Kamusta? Salamat nga pala dun sa e-card na pinadala mo last week. pasensiya ka na at ngayon lang ako sumulat sayo. masyadong marami lang talaga akong ginagawa at nakalimutan ko na ang mundo sa labas. Heto ako, ngayon mismo, naiiyak ako. alam mong pag nagddrama ako, nagtatagal ng oras talaga. napatiyempong sa time pa ng pagsulat ko sayo biglang nagboom tong sadness na to.

ang drama ko? naalala ko lang sia. at naalala ko sia nang madalas ngayon dahil nakikita ko sia iba. parang ung something na nakukuha ko sa kanya dati, nakukuha ko ngayon sa iba. pinapaalala sia ng taong yun. kaya nalulungkot talaga ko. kasi sobrang miss na miss ko sia. akala ko talaga napaghandaan ko to. pero sobrang mali ako. akala ko magiging ok lang ako na inde na katulad ng dating "kami". sabi ko nun cguro magiging ok pa rin ako kasi nakunkento naman ako. pero ang hirap ng nasanay. sobra. kasi hahanapin mo talaga lalo na pag may mga taong nasa paligid mo ngayon na somehow, may something in common sa kanila. inde naman ako naguguluhan. kasi aaminin ko na sobrang tindi talaga ng nararamdaman ko dun. inde ko alam kung gano katagal ang test-period-for-love, pero matibay parin. parang kahit merong sobrang liit na parte na sarili ko na gustong bitawan ung nararamdaman ko para sa kanya dahil wala naman talagang nangyayari, ayokong gawin. ayokong gawin kasi cguro importante sia saken. isa talaga sia sa mga pinakaimportanteng tao sa ken. dahil malaking malaki ung nacontribute nia sa mismong "ako". sobrang na-touch nia ung buhay ko na pag iisipin ko, malaking bagay yun para basta bastang pakawalan ko. at chaka kung bibitawan ko ung nararamdaman ko para dun sa taong nakikita ko sia, masyado pang malayo para tumbasan lahat ng karanasan ko sa loob ng dalawang taon. kung tutuusin, wala talagang tutumbas kung gaano nia ko napasaya. mahal ko sia. sobra pero tama lang din. sabi nila, inde mo alam ang dahilan kung bakit minamahal mo ang isang tao. pero saken inde. minahal ko sia dahil natutunan ko siang tanggapin. iniisip ko nga na parang akong tangang nagddrama, nag-aalala sa kanya. ang pathetic ng dating saken na baka matawa lang sia pag nalaman niang ginagawa ko yun at sabihing sinasayang ko lang ang oras sa mga walang kwentang bagay. pero nagmamahal ako. at alam kong normal yun.

naiiyak ako dahil hindi ko sia nakikita. hindi ko makausap, kung posible kong makausap hindi ko naman magawa kasi hindi ko alam kung pano ko uumpisahan. gusto kong sabihin sa kanya to pero inde ko alam kung sa panong paraan. gusto kong isa-isahin lahat ng nagawa nia para saken pero inde ko alam kung kelan...o kung magagawa ko pa ba yun? inde ko alam kung pagsisisihan ko nung nagkaron ako ng pagkakataon para sabihin na. pero natakot ako. noon lang ako natakot kahit ni minsan hinding hindi ako umasa. hindi ko masagot yung sarili ko kung inulit ko ba ulit ung pagkakamali ko dati. inde ko na alam kung anung gagawin ko. pinipilit ko na lang pasayahin ang sarili ko sa sa pamamagitan ng trabaho, ng memories, at ng balita ng iba tungkol sa kanya na ok naman sia.

ayun. pansensiya ka na at sobrang nagbuhos ako ng kalungkutan ko. inde ko lang talaga kasi mapigilan. pag nalungkot ako, literal na malungkot talaga. sige salamat ulit sa walang sawang pagdamay at ingat palagi. pag sumulat ka saken ung masaya ha. sige.

Annie


-----------

no comment. ayoko ng magbigay ng opinyon ko tungkol dito at wala ako sa kondisyon pa. sige. next time ulit. sibats.

水曜日, 6月 20, 2007

IN: PETIKS

hectic week's over.

hmm. wednesday, masyado pang maaga para magsaya pero mejo magaan naman ang pakiramdam ko ngayon. sobrang nastress kasi ako sa intermetro. kahit ba simpleng search lang yun, natakot talaga ako na inde ako makadeliver on-time. deadline ko nun nung tuesday at sobrang naiyak ako dahil umepal pa ang kodak amf. pumalakpak talaga ang monitor ko ng matapos ko sia ng monday evening. grabe. sobrang bago pa ko sa xml at webservices. grabe. talagang kinapa ko ang javascript para sa xml dom na yun. nakakaiyak sia. thanks sa "GO TO DEFINITION" ng visual studio at inde pahirapang magdebug. pero ayun. sobrang naiyak talaga ako. ayun. pero salamat talaga sa lahat ng dapat pasalamatan at natapos ko din sia. weeee. kaya ngayon, mejo petiks ako. wala pa ulit na nakapilang CRFs. pero natutuwa na ko kasi kahit biglang sabak na ko dito, madami na rin akong natutunan. weee.

yun nga lang ang sakit sa ulo, lalo na pala sa batok, nakakalimutan ng kumain dahil inde na tinatayuan ang ginagawa lalo kung hapit na, laging late sa office, at kung anu anu pang drawbacks. salamat sa bleach mp3s na kahit paulit ulit silang tumutugtog, narerelax ako. hahaha.

pero ganun talaga. pang matagalan na tong gantong routine. inde pwedeng basta bastang bumitiw kasi mas kawawa ang kahahantungan ko. hayz. hahhaa. ayun. namimiss ko pa rin ang skul. pero ayus lang. ayun. wala lang akong mashare ngayon.

excess:

may less than 10% ako kay... YES! hahaha. pero wala lang yun. nakikita ko lang siguro sia kay ano. baka namimiss ko lang siguro at naibabaling ko sa iba. T_______T

水曜日, 6月 13, 2007

Equivalent Trade




Equivalent Trade. yan ang philosophy na umikot sa buong story ng full metal alchemist. based sa kanila, kung anung binigay mo, may babalik din sayo na katumbas nun. may mga times na parang totoo sia. pero inde rin talaga na naelaborate sa buong story.

as a whole ganda ng full metal. naalala ko last year's vacation nasaken yung kopya nun pero inde po pinanood. ngayong june ko lang sia pinanood sa inde ko alam na dahilan at nadrive ako. ahehehe. siguro dahil nalaman kong maganda nga sia. at inde naman ako nagsising pinanood ko nga. ang lungkot ng umpisa at ang lungkot din ng huli. pero ung bigat ng story, maganda sia kumpara sa mga napanood ko ng anime.

more on philosophy + science + family + government yung takbo ng kwento. di ba parang ang boring pag ganyan lang ung orientation. pero pag nakita mo na ung transition ng mga events, winner na. tapos close to reality din talaga yung mismong kwento. naging exaggerated lang naman yung paggamit ng alchemy pero ok pa rin. kumbaga based on research yung story at inde super fictional. ahihihi. ang galing talaga!! ang malungkot nga lang dun, sobrang napaikli ung kwento ng anime sa manga. kasi ongoing pa rin ung manga nun hanggang ngayon.

ang galing talaga. naimpress ako. sana may fma part 2. hahaha. para makita ko ulit si roy mustang. hahaha. :P ayun. nashare ko lang. kasi isa ang fma sa mga magagandang animation na napanood ko ever. tama namang maganda sia dahil nakahakot na fma ng awards sa japan. weeee. ang bangis! cge ayun lang.

sa mga inde pa nakakapanood ng fma, worth watching talaga. panoorin nio as in! :D

火曜日, 6月 05, 2007

anoka na ngayon?

hayyzz. tama na muna kakachronicles. hehe. totoong buhay na muna.

ano na ba si makre ngayon? tanong yan ni fabro saken kanina.

ganun pa rin sagot ko. same old makre. nadagdagdan lang ang responsibilities cguro. pero namimiss ko ang skul to be honest. kahit 2 months pa lang akong nagttrabaho, namimiss ko na ang skul. dahil cguro magkaiba ang challenges sa skul at work, at lalong iba ang people. namimiss ko ang tropa. kaya pag may kita kits sa ust, pinupuntahan ko talaga. kasi minsan na lang din talaga yun.

ganun pa rin talaga ako. ung normal na makre na kilala ng lahat. mahilig sa kwentuhan, sa tawanan. hehehe. di pa nga ko nagmamature eh. ahahaha. ayun. nashare ko lang para maiba naman post ko. mamimihasa na kasi ung chronicles. hahahah. ayun lang.

gege . bb :D

月曜日, 6月 04, 2007

daydreamer's chronicles #7

IN: Dream #65

^^: yow!
**: yeah!
^^: yeah yeah yeah!
**: yo da man!
^^: wazzup?
**: haha tama na nga to! upakan kita eh.
^^: haha. nadala ako eh. sori na :P
**: anung kwento mo ngayon?
^^: dream #65. :x
**: yikee. waw #65 na ah. talagang binibilang mo.
^^: eh panong inde ko bibilangin eh iisa lang naman ang "dream person" ko.
**: haha. iba na yan pare. grabe.
^^: matagal na talagang iba yun. hahaha.
^^: i mean ung "ako" ha. iba naman talaga.
**: yeah yeah. o anung nangyari sa dream #65 mo?
^^: aheheh. pinasaya nia araw ko. as in.
^^: kaya pag sumira, uupakan ko talaga.
**: haha. o dali na! share na! naexcite din ako woot! :P
^^: gege
^^: kasi papasok na daw ako sa barberya. 2 hours earlier pa nga eh.
^^: tapos, naisipan kong magbayad muna ng kuryente. kaya bago akong magpunta ng meralco, pumunta muna ako sa kapatid ko para kunin ung pambayad. eh pagdating ko sa kanila, wala pala sia. nasa basketball court daw at nanonood ng liga.
**: o tapos?
^^: ayun. habang nasa daan ako papunta dun, nakita ko sa isang nakatirik na sasakyan si <3<3. ahehe nasiraan ata sila. tapos ayun. tinulungan ko sila at sinabing dalhin ung kotse sa may court dahil may malapit dung talyer.
^^: tapos ang wirdo, pagdating namin dun, nagshift na ung story.
^^: parang may meeting dun sa court. nakaupo kaming lahat sa floor. tapos nasa harap ko si <3<3.
^^: tapos eto na. :x:x:x
**: anu ng nangyari??
^^: alam mo kung anung ibig sabhin ng salitang HAROT di ba?
^^: as in nakikipagharutan sia saken. grabe. inde ko kinaya. woot.
^^: kinukulit nia talaga ako. nakakaiyak sobra.
**: yun na?
^^: uu yun na. oi kung ikaw kaya harutin ni ano? baka magwala ka.
**: haha. o cge naimagine ko. :P
^^: ang saya di ba? kinikilig pa rin ako hanggang ngayon woot. ang ganda ng panaginip ko pare.
**: anu ng nangyari sa pagbabayad mo ng kuryente?
^^: wala na. inde ko na alam. inde na bumalik dun ung kwento. hahaha. ang natatandaan ko na lang, kahit paalis na ko papuntang barbeya, sinasabi nia na itext ko sia.
**: hahaha. natatawa ako sayo. sobrang "ASA KA PA" ung panaginip mo! sa tingin mo talaga ha?
^^: malay mo naman. bakit porket barbero lang ako?
**: inde naman sa ganun. ang wild mo lang kasing managinip. suntok sa buwan na nga, ang dalas pa.
^^: at least narereach sa dreams. weee dreams. dreams dreams dreams. nyahahaha
**: inde ako magugulat kung babangungutin ka. hahaha
^^: ang sama mo talaga. :P
^^: ayun nashare ko lang. hehe. walang tao eh.
**: ahihi. anytime.
^^: tenks pare. aylabyu!
**: haha. di tayo talo lolz. hahaha. babayu!
^^: babay.