木曜日, 6月 21, 2007

ang CHEESY neto.

warning: kung ayaw nio ng mga gantong klaseng usapin ay wag nio ng ituloy basahin. kung inde kayo makapagpigil at binasa nio parin at sa bandang huli ay nayamot kayo, kasalanan nio na un. hehehe. ang letter na ito ay nakaipit ko sa isa sa mga librong pakalat kalat sa bahay ng bespreng ko. pinost ko sia dahil natouch ako sa content nia at dahil birthday ko ang date dun sa letter. hehehe. sikret ang mga tao behind this letter kaya nag-imbento na lang ako ng pangalan. ahihihi. pumayag naman si "Annie" na ipost ko to. heheh. ayun lang. paalala ulit, cheesy to, bahala na kayo. :D


-------------

june 13, 2004


Alexis,

Kamusta? Salamat nga pala dun sa e-card na pinadala mo last week. pasensiya ka na at ngayon lang ako sumulat sayo. masyadong marami lang talaga akong ginagawa at nakalimutan ko na ang mundo sa labas. Heto ako, ngayon mismo, naiiyak ako. alam mong pag nagddrama ako, nagtatagal ng oras talaga. napatiyempong sa time pa ng pagsulat ko sayo biglang nagboom tong sadness na to.

ang drama ko? naalala ko lang sia. at naalala ko sia nang madalas ngayon dahil nakikita ko sia iba. parang ung something na nakukuha ko sa kanya dati, nakukuha ko ngayon sa iba. pinapaalala sia ng taong yun. kaya nalulungkot talaga ko. kasi sobrang miss na miss ko sia. akala ko talaga napaghandaan ko to. pero sobrang mali ako. akala ko magiging ok lang ako na inde na katulad ng dating "kami". sabi ko nun cguro magiging ok pa rin ako kasi nakunkento naman ako. pero ang hirap ng nasanay. sobra. kasi hahanapin mo talaga lalo na pag may mga taong nasa paligid mo ngayon na somehow, may something in common sa kanila. inde naman ako naguguluhan. kasi aaminin ko na sobrang tindi talaga ng nararamdaman ko dun. inde ko alam kung gano katagal ang test-period-for-love, pero matibay parin. parang kahit merong sobrang liit na parte na sarili ko na gustong bitawan ung nararamdaman ko para sa kanya dahil wala naman talagang nangyayari, ayokong gawin. ayokong gawin kasi cguro importante sia saken. isa talaga sia sa mga pinakaimportanteng tao sa ken. dahil malaking malaki ung nacontribute nia sa mismong "ako". sobrang na-touch nia ung buhay ko na pag iisipin ko, malaking bagay yun para basta bastang pakawalan ko. at chaka kung bibitawan ko ung nararamdaman ko para dun sa taong nakikita ko sia, masyado pang malayo para tumbasan lahat ng karanasan ko sa loob ng dalawang taon. kung tutuusin, wala talagang tutumbas kung gaano nia ko napasaya. mahal ko sia. sobra pero tama lang din. sabi nila, inde mo alam ang dahilan kung bakit minamahal mo ang isang tao. pero saken inde. minahal ko sia dahil natutunan ko siang tanggapin. iniisip ko nga na parang akong tangang nagddrama, nag-aalala sa kanya. ang pathetic ng dating saken na baka matawa lang sia pag nalaman niang ginagawa ko yun at sabihing sinasayang ko lang ang oras sa mga walang kwentang bagay. pero nagmamahal ako. at alam kong normal yun.

naiiyak ako dahil hindi ko sia nakikita. hindi ko makausap, kung posible kong makausap hindi ko naman magawa kasi hindi ko alam kung pano ko uumpisahan. gusto kong sabihin sa kanya to pero inde ko alam kung sa panong paraan. gusto kong isa-isahin lahat ng nagawa nia para saken pero inde ko alam kung kelan...o kung magagawa ko pa ba yun? inde ko alam kung pagsisisihan ko nung nagkaron ako ng pagkakataon para sabihin na. pero natakot ako. noon lang ako natakot kahit ni minsan hinding hindi ako umasa. hindi ko masagot yung sarili ko kung inulit ko ba ulit ung pagkakamali ko dati. inde ko na alam kung anung gagawin ko. pinipilit ko na lang pasayahin ang sarili ko sa sa pamamagitan ng trabaho, ng memories, at ng balita ng iba tungkol sa kanya na ok naman sia.

ayun. pansensiya ka na at sobrang nagbuhos ako ng kalungkutan ko. inde ko lang talaga kasi mapigilan. pag nalungkot ako, literal na malungkot talaga. sige salamat ulit sa walang sawang pagdamay at ingat palagi. pag sumulat ka saken ung masaya ha. sige.

Annie


-----------

no comment. ayoko ng magbigay ng opinyon ko tungkol dito at wala ako sa kondisyon pa. sige. next time ulit. sibats.

0 comments: