ayan na. part 2. may pahabol pala ko sa part 1 ko. hahaha. ung piltrip sa ns. banas. hehe. sa buong cs, kami ang wala. ampf. sayang. sa batangas pa naman un. oh well, ayaw ni sir eh. ampf.
ayun. part 2 na tlg. ang 2nd sem para saken ay laging mahirap. laging mabigat para sa ken. kung anong mejo kinagaan ng 1st sem, sia namang bawi pagdting ng second sem. parng nung 1st year second sem, hirap na hirap ako sa p6 tapos, nagkatres ako nun sa ics2 lab. hehehe. jan ko nafeel na inde yata ako para sa cs.
at ngayon nga, nahirapan ako sa sem na to. sa totoo, inde lang ako. buong populasyon ng 3rd year cs sa ust. talagang damang-dama namin na dumudugo na ung utak namin sa dami ng ginagawa. we were all challenged in all aspects of being human. hahha. para saken ganun ang nangyari. for 4 months, parang kami si atlas dahil sa sobrang bigat ng mga nangyayari. pero looking at the brighter side, nadama ko naman na ok din naman pala ang cs. difficult yet challenging. at dahil jan, sobrang nafulfill din ako ngayon kahit nahirapan ako :D ayun.
APP. masasabi ko sa art app, mabait si mam. hahaha. nung prelims nga lang, ang dami niang pinaparesearch. gawa ng ppt tungkol sa subject nia. reporting. naalala ko na ilang beses niang sinabi na maganda kung may alam kaming ibang languages dahil malamang na meron saming makakapagabroad. aheheh. cguro may mga 5 times niang sinabi yun. nabanggit pa nia na naka-uno sia sa mga french classes nia nung college. ok. heheheh. english at tagalog lang ang alam ko. :P pero nung finals, ayos naman na. wala ng reporting. nood nga lang kami ng nood ng kung anu ano. at laging napopostpone ung quiz namen. tapos nung nagquiz pa kami, sobrang give away. pano ba naman, pinatungan lang ng pentel pen ung answers. hahahaha. kamusta naman yun. hahahaha. ayun. at ung exams, panalo. seatwork? aheheheh.
COMPILER. winner para saken sa totoo lang. dahil dito, ok na ko sa course na to. kwento ko kung bakit. alam ko tlg na inde ako pinanganak na programmer. tamang nakakapasa lang sa mga programming courses. sinasabi ko sa sarili ko, bakit ba ko andito. wala naman akong katelent talent dito. na inde ako kukuha ng trabaho na magiging programmer ako. hahaha. pero ng dahil sa mga pinaggawa namin sa compiler, mejo nagiba pananaw ko sa buhay. LEXICAL ANALYZER, SYNTAX ANALYZER. inde ko inakalang makakapagprogram ako nian. sobrang proud ako sa sarili ko. inde ko maipaliwanag pero sobrang nahasa ang skills ko sa programming. praktis yun. as in. kahit ba nadale kaming lahat sa project. hay. pero, nalulungkot din ako dito dahil nafeel ko na inde ko natulungan ung mga kagroup ko sa project. sori tlg guys. as in sori tlg. sobrang nalulungkot tlg ako. T_T T_T
JAVA. wala naman din akong masasabi. nagtuturo naman si sir jiss. akala ko wala akong matutunan. kasi dun sa it103 namin sa kanya, nahirapan ako. pero dito sa java, ayos naman. eto na pinakgusto ko so far sa lahat ng pl na nacover namin sa buong college life. aheheh. lahat din kami pumasa. ayos tlg.
JAVA LAB. winner na winner! pinakamatino sa lahat ng lab ko. kahit ba programming to. nadaig pa ang ics4! hahahaha. ayos tlg! natutuwa ako sa sarili ko at nasasabi ko, "yey! nakakapagprogam na ko nang matino!". tuwang tuwa tlg ako dito :D
DBMS. ayos lang din. ang masasabi ko lang eh. "help yourself in order to pass". parang self study ang nangyari. ang kulit din kasi puro take-home quizzes. hehehe. ayos. majority eh puro take home quizzes. tapos, inde naman alam kung tama ba ung pinaggagagawa namin. kaya nung exams, imbento tlg to the maximum level. ayos naman. hehe. wala na kong masabi. ayokong bumanat :P
SAD. eto winner sa lahat. balde baldeng luha ang binuhos ko sa subject na to. as in. inde dahil sa mahirap o dahil sa technical sia. kundi dahil sa gipit na gipit sa lahat ng bagay. ung project namin na ampf tlg. ung mga scores namin sa quizzes na puro sabit lang. ay naku. ewan ko dito. lahat ng bagay naapektuhan. tapos pati pagkakaibigan, nadale. sobrang away dahil sa project. hay naku. ayoko ng balikan. sobrang bangungot ang sad saken. tapos nagulat ako na 40 kami sa project. anu yan???? talagang gulat sa gulat. pati si race nung nalaman nia na naka-40 kami sa project, inde sia makapaniwala. pano ba naman, naalala ko nung mismong defense. sabi ni ma'am pearl... "i was not able to see the essence of your system..." hala hala. tapos, ang resulta, 40 pa kaming apat. talagang naiyak at natawa ako tuwa. ampf. naalala ko din sinabi ni jm...
jm: what's with the hyperventilation thing? ang the breathing heavily shit? ...
sori pare at na-quote ko pa. hahaa. labs naman na tayo eh :D sabi nga nila, it's all worth makre. ang magandang grade ang bunga ng pagddrama mo. hahhaha. :P kasi, sobrang sensitibo tlg ako pagdating sa mga ganyang bagay. isnong gustong madelay di ba? ayun. future ang nakataya dito. hehehe. ayun. ang dami ko ring natutunan sa sad. mas nakilala ko pa ang sarili ko, ang mga kaibigan ko at lahat pa ng taong anjan. ang dami ko nga ring pasasalamatan dahil sa sad. sa mga tumulong sa ken, tumulong sa grupo ko sa mga panahong hapit na hapit kami at sa mga taong nakinig at dumamay sa ken sa mga araw na namomroblema ako at umiiyak. hehhee. :D ayun. lipat na tayo sa next subject. drama na ulit to. :D
DATA COMM. dota comm yata ito. inde data comm. hahaha. pano kasi, madalas na absent si mam bea kaya sa dotahan ang punta. hhehehe. :D anu bang naalala ko dito. hmm. mahirap ang prelims. hehe. pero give away ang finals. tapos, ung project, basta magpasa, perfect na. heheh. mabait din si mam bea kasi ang dami niang considerations kaya ok kaming lahat :D wala naman akong masyadong naalala sa subject na to. hehe.
PGC. si mam etar na naman ang prof. hehe. ayos! matino pa rin ang subjects. hehe. ang di ko makakalimutan dito eh ung prelims ko na parang sinaniban ako ng masamang espiritu. ang baba kasi. actually, inde ko tlg alam ang score ko. inde ko na tlg tinignan. pinangunahan kasi ako ni mam na parang nahirapan daw ako at sabi ni synde, parng inde daw ako nagaral sa exams. hahaha. ewan ko nga din kung anong nangyari. :D ayun isa, di ko din makalimutan ung paggawa namin ng project. sori classmates kung di tlg maayos pero binigay namin ang lahat ng effort namin dun.:D work of art namin un. hehe. para kaming nasa pinoy big brother nun kila oyang dahil sa project. hahaha. ayun. ayos naman din ito. ok si mam kasi ginagawan nia kami ng notes para un na lang ung aralin namin. inde na tlg namin imememorize ung pagkahaba-habang detalye sa buk. hahah. ayun.
SCL. wooooaaahhh. eto matindi. wala kaming quiz ni isa. ang prelims, parang isang direction lang ang sinabi... "EXPLAIN ALL YOUR NOTES!" hahahaha. amp. ang tindi. talagang explain. amp. ang weird ng subject na to. ewan ko. nakakatawa kasi kopya lang kami ng kopya. tapos sabi nila, hieroglyphics daw penmanship ni sir. hahaha. tama nga naman. para kaming nasa egypt tuwing may kinokopya. hehehe. pero ang weird talaga. ayun.
ayun. tapos na ang isang buong taon. ang bilis tlg. at, matino ang aming college shirt ngayon. hehehe. inde ko naenjoy ang eng'g variety show pero si race, sobrang naenjoy nia. hehehe. naging class treasurer na naman ako for the second time dahil kay jm. hmmmmph. ang bilis namin nakabonding ang mga b boys. anu pa ba? naging sporty din pala ako ngayon dahil sa eng'g futbol team. hahaha. sori kay maita dahil nasa ken pa rin ung bola nia. :P anu pa ba ang masasabi ko. masaya ako kasi ang dami kong natutunan sa taong to. sabi ko sa sarili ko, kahit inde ok ung grades, alam kong madaming madami akong natutunan. in fact, natuto tlg akong magsimulate. dahil tlg, lagi akong zero pag simulation quizzes. gudlak tlg. pero ngayon, hapi ako kasi naipasa ko ung 1st stage ng azeus na java simulation exam. ang saya tlg. kahit papano. ayan na naman ako si late bloomer. hehehe. yun nga, nachallenge ako pero nafulfill ako. as in. my 3rd year in college was great. as in naging independent ako, kaming lahat. at masarap din pala ung ganun. ung inde laging spoonfed sau ang mga bagay bagay. mas masaya kapag gumagawa ka on your own tapos ok ang resulta. nakakatuwa din pag nakakatulong ka sa iba. parang pag tagumpay ung nagawa mong pagtulong, doble ung saya. as in. ayos tlg. mas navalue ko ang sarili ko, at nalaman kong nagimprove ako. navalue ko din ung mga prengs ko kasi ngayong third year ko tlg naging kaclose sila synde. grabe. kung tutuusin, mas naging bonded pa kami ng csd nung nadissolve kami. kasi, nakakausap ko na ung mga dati kong inde nakakausap, nakakabiruan ko na majority sa kanila at masaya yun. nadagdagan din prengs namin dahil sa csb at ok pala sila. mabait silang lahat:D feel na feel naming belong kami sa kanila. salamat tlg. ayun. inde natuloy ang pagpapakamatay ko. hahaha. tama na to. nobela na to. last na. kahit tapos na 3rd year, at 4th year na, inde pa tapos ang challenges. basta malaki ang tiwala mo sa sarili mo, basta iniisip mo din ung iba at inde lang yung sarili mo, basta alam mo kung kelan ka kikilos, basta ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo, basta anjan lahat ng mga kaibigan mo para sumporta sau, basta naniniwala ka tinutulungan ka ni jesus... makakaya mo ang lahat ng pahirap at makakalagpas ka din sa lahat ng pagsubok ng buhay na buhay. ok lang kung umiyak ka ng todo, kasi para naman maibuhos mo ang nararamdaman mo. ok lang din kung minsan magkaron na ng kaaway kasi normal naman yan basta pilitin mo din na magkaayos kayo. basta masaya ako at fourth year na ko. ang bilis bilis ng panahon sobra. kahapon, galing ako sa stc para kunin ang card ni tine tine. dati, andun din ako, wala masaydong problema sa buhay. pero eto ako ngayon, patuloy sa hamon ng buhay, pero masaya pa rin. ayun. cge. sa susunod ulit. :D
私は内側からの叫び
Ii otoko da. Kono tamago no atama no hito
私のプロフィール
:21.
:filipino.
:thomasian.
:theresian.
:computer science grad.
:associate software engineer.
:.net developer.
:gemini.
:rabbit.
:green & red color lover.
:astronomy addict.
:uses badminton as a stress reliever.
:likes math and music.
:likes the movie castaway.
:yuyu hakusho addict.
:kurama, zhou yu min, son ye jin, and tom hanks fan.
:loves fireworks and ferris wheels.
:trying-hard guitar & keyboard player.
:inclined with the japanese language.
:addicted to breads.
:spitz music lover.<3
話そう
ラベル
- animation (22)
- Drama (1)
- Literature (8)
- Movies (8)
- Music (27)
- Out of the Box (19)
- Personal (253)
- Showbiz (58)
- Social (3)
- Technical (10)
最近の記事
リンク
カウンター
Labels: Personal
eto na naman ako. pangatlong beses ko na tong assessment every end of the school year. ahehehe. at natutuwa naman ako sa ginagawa ko. ahehehe. :D one year na kagad. ang bilis. akalain nating lahat yun. hay.
2005-2006. pano ko ba idedescribe ang year na yan? bago. masaya. mahirap. at kung anu ano pang pwedeng adjectives. in fairness, sa 3 years ko sa cs, ung past year ung sobrang dami kong natutunan na field na tinahak ko. yan ung pinka madami akong nalaman, naapply sa totoong buhay, at naitulong sa sarili ko. hay.
1st semester
adjustment time. dahil 3/4 ng classmates ko eh inde ko kilala. nadissolve ang csd at isa ako sa mga napunta sa csb. ayos naman saken na napunta ako jan. kasi, sa pananaw ko, ung section nila ung parang neutral sa pandinig ko kasi wala akong kilalang mga tao. wala ni isa sa kanila ang narinig ko na may gantong kwento dun o kaya may ganto sa section nila. majority sa kanila, nung 1st day ko lang tlg nakita. as in. kahit nasa isang floor lang kami simula nung first year. haha. dahil nga sobrang "closed" ang mundo ko sa csd for 2 years. ayun. kaya sobrang nagadjust ako at kaming mga csd sa kanila. at buti naman, ayos naman ang pagtanggap nila samen. tenk you csb ^_^. bagong prengs. ayos tlg. un nga lang. kakalungkot dahil inde na namin kasama mga prengs sa csd. huhu. T_T.
ang 1st sem ko ay maganda. hehe. matino sia kung tutuusin. pero un nga, napangtanto ko, ang first quiz ko sa bawat subjects eh bagsak. hahaha. ewan ko. default na sitwasyon un sa mga major subjects ko nung first sem. hahaha. ayun.
FILE ORG. wala naman akong masasabi. ayos saken tong subject na to kasi eto ung may pinakamatino akong grade. hehe. okies din naman ung mga prengs ko dito sa subject na to. pero kinarir ko din kasi bagsak ung first test ko nung prelims. nabawi ko lang siguro. ang hindi ko siguro makakalimutan dito eh ung 39 mod 31 ko. hahaha. natanga tlg ko at nagcalculator pa ko. ahehehe. ayun lang. walang ako masyadong naalala dito eh. :D
OS. eto pinakaayos sa ken. ok tlg si sir vergil pagdating sa lec. ayos magturo. ang dami kong natutunan. at chaka winner ung exams kasi parang tulong na din ni sir samen. an dami pang games. puro games nga tlg. hehe. di ko makakalimutan dito, ung isang quiz na may lru... kailangan pala may boxes, eh di ko nilagay sa boxes. kaya yun, minus 15 tuloy ako. sayang. hahaha. pero ayos tlg yan. winner.
COBOL. bagsak din 1st quiz ko. in fact, baon na baon tlg. pero ayun nabawi pa rin. :) eto yung zero tlg ung recitation ko sa buong sem kasi nakakahiyang magtanong. ahehehehe. unforgettable, pag may seatwork, kahit ba dapat pair lang. lagi kaming tatlo. haha. ako, si jm, at si synde :D ayun. ok na programming course to sa kasi inde tlg burden sa utak. hehe.
COBOL LAB. joke daw ang cobol lab sabi ni synde. kayang kaya daw dayain ung program. ahhehehe. winner ung prelims na written tas icocode din. haha. ang score mo, depende sa number ng errors. hehe. pero naenjoy ko din to kasi sa lahat ng computer subjects na may lab, eto ung na na naging independent ako. ahehehe. dito ko unang nasubukan na lumabas nang maaga sa lab dahil tapos na ko. hehehe. di tlg sia kasing hirap ng c, c++. amp. ayun.
PL. shet ang programming language na napunta samen ni synde. pak. kami ung walang katulad sa class. amp. t-sql at pl/sql. san ka pa? banas tlg. nakipagcollaborate pa kmi kni correa para may maidefense sa class. hahaha. amp. dito ko nadama na kailangan tlg ng laptop. hirap kasi nun, nakigamit pa kami kila correa para may maipresent sa class. ang pl, sobrang napuno utak ko dito dahil sa mga terms. nung prelims, ang dami talagang minemorize. hay grabe. pero dahil din sa pl, masasabi ko na kaming mga cs students ay mga lingguists! hahha. totoo naman. puro mga programming languages nga lang. pero language pa din yun. hahaha. sa loob lang ng 3 months, 23 na programming languages ang aming natutunan. puro basics nga lang. hahaha. ayun.
TECH ENG. ayos lang din. wala namang kaso kasi minor sia. ang natatandaan ko tlg dito eh ung pinagawa kami ng thesis proposal. comparison between intel and amd pa nga ung samen. ang nakakatawa tlg eh nung defense. sobrang inde kami prepared nila dave. nung mismong english kami nagdivide ng tasks para sa defense. hahaha. sobrang parang "bahala na" kami nun nila mori. haha. pero ang winner, nung nagdedefense na kami, pintigil na kami at uno na daw kami. huh? pano nangyari yun? hahaha. amp. ang mga di mo tlg inakalang mga bagay, nangyayari. aheheheh
ETAR. naenjoy ko ang etar sobra. kasi nung 4th year hs na eco, ayoko tlg. kahit ba wafu teacher namin dun. hahaha. nakakatuwa kasi si ma'am. ang dami niang alam! sobra. sinong inde aagree jan? sobrng talino ni mam na kahit anong itanong mo, masasagot nia. grabe. winner tlg. hehehe. gusto ko tlg etar. winner. di ko makakalimutan eh ung kinuwento ni mam ung history ng buong sampaloc. amazed na amazed tlg kami. as in. kung pano naging divisoria ang name ng divisoria. waw tlg. dahil divider sia ng binondo at tondo. hahha. at kung san san pang lugar sa sampaloc. hehhe. ayos!
DISCRETE MATH. ng dahil jan. daming naging irreg sa csb. amp. winner tlg si sir cabero. kung anong sulat sa board. siang basa. yun na ung lecture nia. nakakatawa tlg. tapos, ilang beses pang nakuhanan nila race si sir cabero ng pose nia habang nagsusulat sa board. haha. naeemphasize tlg ang butt. ang kulit. kay sir cabero din lang namin nagagawa na magtanong kung pano sasagutan ung mismong quiz. hayup. at ituturo naman nia kaya lahat kami, may sagot na. hahaha. hanep tlg. ayun :D
NS. eto winner sa lahat! wala kaming natutunan. pano, sobrang punctual ni sir ns. hahahahha. ampf. walang wala tlg. naalala ko pa ung may lecture si sir gamit ang ohp. grabe. eh may drawing kasi dun. ampf. wala kaming makita dun sa transparency. pano kasi, ung picture na nasa transparency, photocopied lang. kaya sobrang dilim. mas malinaw pa kahit papano ung mismong photocopy namen eh. hahaha. amp. ang dami tlgng time na nakatanga lang kami dito. as in. pinapatay ang oras sa rum 55. winner
nga sila ja kasi pag nagaabsent sila, inde nagchecheck ng attendance si sir. kaya perfect attendance pa rin sila dun. ahihih.
ayan . lahat ng subjects nung first sem ay nailgay ko na. ipapart 2 ko na lang ung sa second sem kasi mas mahaba yun.
ahehehe. mas madaming nangyari dun. ang masasabi ko lang sa 1st sem, 2005-2006, magaan sia kahit papano. inde umabot sa
puntong nagrereklamo na kaming lahat kasi nahihirapan tlg kami. wala masaydong projects. sa pl lang tlg. pero ayos din naman
kahit papano. ayun. ayun ang 1st sem :D
Labels: Personal
waw. grabe. winner ang azeus experience ko today para sa ojt. kumuha kasi ako ng exams kanina. ayun. sa biyahe palang winner
na. galing ng ust -> recto -> sakay ng biyaheng pasig -> bumaba ng san miguel ave -> naglakad ng lagpas 10 minutes papuntang
exchange road -> at nandun sa exchange road ang philippine stock exchange building. ang office ng azeus ay nasa 28thFLOOR ng
west tower ng building na yun. 28th floor. kasama ko na sina betz at rev ng mga panahong yan. palipat-lipat pa kami ng
elevator kasi walang diretso sa bawat floor. grabe. amp. ayun. pagdating sa office. ayos naman ang accomopdation. hehe. tas
umakyat kami ni betz ng 29th floor kasi dun kami magtetest. tas briefing muna about sa azeus tas after nun, binigay na samen
ung answer sheet at test questionnaire.
nakita ko palang ung answer sheet, nawirduhan na ko. pano kasi. PAGE 1 of 1 ang sabi. name, emailadd at date lang ang
fifill-UPan mo. tas may blank spaces numbered 1-10. ayun. pagkakita ko sa test questionnaire, ang sarap magmura amp. 10
program segments. takte, nagulat kami at purong simulation ang gagawin namin. amf. multiple choice naman sia pero yun nga,
kailangan mong magsimulate para makuha ung sagot. ayun. for three hours daw namin sasagutan ung test. kaya yun, pinaghiwalay
na kami ng bechay ng seats.
nakakatanga tlg ung exam. sino bang inde mawiwindang pag puro simulation ung sasagutan mo. purong java program segments.
ampf. lahat ata ng scratch papers na binigay eh naconsume ko. at habang sumasagot ako, ang laki laki ng takot ko dahil
sobrang tanga ako pagdating sa simulation. inde tlg ako matino dun. pero sige, dahil inde naman time pressured, nadahan-dahan
ko ang pagsagot. marami nga lang times na nilalagpasan ko ung program segment dahil natatanga ako. for example, function ->
for loop -> function -> for loop -> function -> for loop. ganyan tlg ung sistema. as in. tas pare-parehas pa ang variables.
waaaaahhh. talagang dugo ang utak. pero in fairness, lahat naman ng lumabas, naituro ni sir jiss. ung mga substring, charAt,
meron dun. ayos naman. mabigat lang tlg ung dami ng program segments tas simulation. grabe. natatawa pa ko dun sa isang
number. arrays kasi. e di magsstart sa index 0 tas ang pinapahanap, index 9. grabe. minano-mano ko tlg. takte. punong puno ko
tlg ung scratch paper. ammp. ilang beses ko pang inulit. kasi nung una, mali tlg. wala sa choices. tas ung pangalawa, malapit
sa isang choice pero lagpas ng bente. takte bente. kinakausap ko na nga ung sarili ko nun. sabi ko inde pwede to, kaya inulit
ko ulit. at ayun, may lumabas na sa choices. grabe amp. masaya din naman kasi kahit papano alam mo dun ung gagawin mo. at
mabuti walang passing of values from function to function. hahah. pag meron nun, tangna gudbye na. o kaya pag may pointers.
hahahah. amp. ayoko tlg ng mga ganung klase ng program segements.
215 to 515pm ang test. c betz, mga 430 cguro natapos. nahihiya nga ko kasi hinihintay nia ko. nung natapos kasi sia. may four
numbers pa kong blank. hehehe. ayun. natapos ako 500. ayoko na tlg. drained na drained na ko. as in. sabi nga ni bechay. ang
ginawa naming simulation eh pinagsama-samang simulation sa buong college life namin. grabe tlg. ang tindi. wala akong masabi.
dugong dugo tlg. ampf. hay. nakakapagod tlg. iniisip ko, kung papalarin ako dun. what a day! ako lagi. dahil walang diretsong
biyahe + 28thfloor + 8hours of programmingwork in 6 days. ampf! pero pwede na rin un. kaysa wala di ba? chaka sayang din ang
training. hehe.
ayun pagkatapos ko, baba na ulit kami sa 28th floor. at pinasa na namin ung ginamit namin. sabi ni mam bernadette, wait daw
kami ng 15 minutes kasi bibigay na rin kagad ung results. waaaahh. takot tlg ako kasi alam ko, papasa si bechay. ako inde ko
alam. sabi ko nga, pwedeng bukas na lang kasi drained na tlg ako. ayoko ng marinig kung inde ako pumasa. ahehehhee. ayun.
chika pa kami ni betz. kasi an dami pa ring tao dun sa office. wawa nga si rev kasi naghintay sia samen ng halos 4 na oras. hay. ayun. after mga 10 minutes, lumapit na samen si mam bernie with smile. hehe. an saya! pumasa kami sa step1! tatawagan daw kami para sa technical interview. hay. thank you tlg kay jesus at tinulungan nio kong magsimulate. hay. sana makapasa ako at sana makahanap na rin ang lahat ng mga prengs ko :D ayun lang. share ko lang :D
Labels: Personal
amp! ang jologs ko shet! ang tanga ko na martir na ewan. waaaaaah. bat kaya ako ganun. ampf tlg. naiinis ako kasi wala naman akong napapala, patuloy pa rin. inde naman lahat lahat parin. ang sabi ko nga, parang nakasabit sia. inde malaglag-laglag. kaya kahit MERON NG IBA, kahit meron na tlg, gulong-gulo pa rin ako. ang weird! shet. ang tagal na tagal na nun. wala na ngang nangyari, pero sobrang martir pa rin ako. inde ko alam kung anong meron yung mokong na yun. kahit ipagpilitan kong WALA NA! TAPOS NA! AYOKO NA! andun pa rin! pak. nakasabit. naghihintay lang ulit na hilain ko sia pataas. amf tlg. waaaaah. sabi kasi ni preng lades, binigay ko daw kasi lahat. kaya yan. eh malay ko ba na bigay pala ako ng bigay. inde ko alam na ganun pala. at there are expectations kasi. dahil ganito kami nun, ganun kami dati. shet, ang dami kong inasahan. ampota. nakakayamot.
kasi halimbawa. isang instance na nangyari tlg. may day kasi na masayang masaya ako dun sa "ngayon". may moment kasi. tapos nakita ko naman si "dati" na bumibili sa tindahan. shet! may nagpupush saken na bumili sa tindahan na yun kahit wala akong dapat bilhin. parang makakalimutan ko si "ngayon" ng sandali. waaaah. eh kasi pag nakita na ko ni "dati", mapapatingin tlg sia. parang "he makes sure na ako nga ung nakita nia" waaah. ang kapal. pero kasi, ganun nga tlg. inde lang naman ako ngsabi nun. kasi, malabo ang mga mata nun. 24 hrs a day kung magsalamin un. hahahaha. pak. kaya nga yun, bibili ako. eh wala naman ngang pansinan. basta andun kami parehas sa spot na un. bibili ako ng maliit na bagay lang. masabi lang na may binili ako. ayun. nasasabi ko na lang sa sarili ko, shet, ang tindi nia. walang wala na nga tlaga akong makuha, pinagpipilitan pa rin ng sarili ko.
kaya ang laki ng takot ko. kasi, si "ngayon", feeling ko, more than a year pa tatagal ang gusto ko jan. tas pag nawala, waaaaaah. babalik at babalik tlg kay "dati". nakakayamot tlg. once in a blue moon lang kung makita ko un. as in. minsan, once or twice sa isang buwan. inde ko naman namimiss di tulad dun sa isa. mas nakakasama ko pa nga ung isa. walang communication whatsoever. ni HA ni HO, wala tlg. dahil nung october kasi, gudbye moments na tlg kami nun dahil namisinterpret nia ko. ewan. tas ayun. NAKASABIT. NAKASABIT. AYAW BUMITAW. KAHIT SINIPA KO NA. ay mali. ganto pa ang sitwasyon. NAKASABIT NAKASABIT. AYAW KONG PABITAWIN. KAHIT GUSTO NA NIANG MALAGLAG. waaaaaaaah. mas tama ung una!
kasi, sa totoo lang. matimbang na matimbang talaga ung "ngayon". sabi nga ng mga prengs ko, tinamaan daw tlg ako. LAKAS tlg kung tutuusin. ang nangyayari lang tlg saken, e pag nakikita ko ung dati, umaarangkada na naman sa utak ko lahat ng posible, lahat ng sana ay nangyari. MULTO. ISA SIANG MULTO saken. inde ko alam kung pano tatapusin. kung pano na iiwasan. di ko alam kung pano papatayin. potah. anung pinakain nun sa ken?
``````````````````````````````````````
makre! gising na! mag-aanim na taon na kayong di nag-uusap. inde ka ba napapagod? kala ko ba masaya ka na dun sa isa? wala kang ngang mapapala. wag mong pagpilitan ang wala! sasakalin na kita eh. sa panong paraan ka ba matatauhan? tanga ka! tanga! sinasabi ko sau makre, wala ng mangyayari. sa iba mo na hanapin. kahit kelan, inde na dadating yun. tama na. ako naaawa sau eh. ikaw lang ang nagpupumilit. wala na tlg siang pakelam. *sampal sampal. kaya ikaw na ang mali. wala naman siang ginagawa sau para bumalik kung ano man yang nasau. kaya inde na nia kasalanan kung nagpapakatanga ka. tanga! tanga! kahit isang libong beses ko pang sabihin saung tanga ka. kasi totoo naman. para matauhan ka. magsisisi ka kung ipagpipilitan mong sia tlg. marami naman jan. anjan naman si ano *********. *sabay tawa. bait bait naman nun. hay naku makre, ewan ko sau. jologs ka. yun lang. inde sia deserving. eto ang isipin mo, sia ang nawalan! inde ikaw. kung tanga ka, tanga rin sia. SWERTE at TANGA sia. san sia nakakita na taong nagpapakamartir sa kanya. imposibleng inde nia alam yun. wala lang tlg siang pakelam. makikita nia. magsisisi sia pag nakita niang masaya ka na kay toot! *tawa ulit. go makre, patingin ka nga minsan sa psychiatrist! *sori saken. inde dahil sa baliw ka na. ay, mejo na pala. wala lang. para makahingi ka ng pieces of advice jan sa wirdo mong sitwasyon. o psychologist. anu bang pinagkaiba nun. basta isa dun sa dalawa. pacheck up ka nga! o kaya naman, ibuhos mo na nang ibuhos kay ano. yikee. ok naman un eh. ayos naman yun sa maraming bagay eh. at least napapansin ka nun. di tulad niang mokong na yan. o di ba? o cge na. ginegiyera na kita dito. basta makinig ka saken. tama na.gawin mo lahat ng bagay para matigil na yang katangahan mo. o cge. sa susunod na ulit kita aawyin. sobra na to. baka mawindang ka na. :P sige. aylabyu<3
``````````````````````````````````````
o ayan. nasermunan tuloy ako ni sikret preng. unknown identity na lang daw sia pag nagpost ako. hahaha. ewan ko. tama naman sia. pero mahirap gawin. gusto ko na ring tapusin. kaya inde totoo ang time heals. haha. as proven by me. hahahaha. ang jologs. sige tama na to. ang haba na nito. wla namang kwenta. sabi nga ni sikret preng, ibuhos ko na lang kay ano. wahahahahaha. pwede rin. pwedeng pwede! <3 hahaha. o cge. binuhos ko lang to :D
Labels: Personal
hay. kahit can be viewed by public to. sige. ayos lang. tapos na defense. entertainment sa kanila defense namin. pano kasi, naglipat lang kami ng files sa laptop isang oras bago kami nasalang sa kawali. bigat tlg. nung pinapakita namin ung interface sa panel, nasa likod na lang kami ni synde. si race ang matatag samen, praning ako, praning si synde. ang sad sad tlg. akala ko dati, pag tapos na defense, ayos na magiging pakiramdam ko. inde pala. andun ung matinding takot namin ni synde. kami lang ata takot ni synde sa sad namin. si race kasi, mas natatakot sia sa compiler. gosh tlg. ayun. hanggang ngayon, pag nagpopop sa utak ko lahat ng nangyari kahapon. nakakaiyak. pag may mga times na nasasabi sila ng about sa ojt, sa summer. shet! takte. ayoko tlg. parang ang sarap ng lumabas dun sa loob ng thesis room. pero sa lahat lahat ng sinabi nila, pinakatumagos sa ken eh ung sinabi ni mam pearl na, inde nia nakita ung value ng system namin. saklap tlg. parang ang gusto tlg eh ipabago ang lahat sa men. sabi ko nga sana, ipaayos. para kahit papano eh makabawi kami. hehe. pero sa tingin ko, inde na ako gagawa nian. pagod na ko sa sad. ayoko na munang humarap sa vb. sabi ko sa compiler na lang muna ngayon. gipit na rin kasi sa time dun. anong petsa na ngayon. pero talaga, ung takot ko, abot pa rin hanggang langit. napagusapan kasi namin ni synde na ayaw tlg naming biguin mga magulang namin. chaka pakunswelo na lang sa kanila ung makatapos kami nang maayos. sa lahat ng hirap at pagod nila di ba? andun ung hiya kasi ung bagsak an subject, delay kagad ng isang taon. di tlg. amp. kaya yun. ang lungkot lungkot ko talaga. balde baldeng luha ang naibuhos ko sa subject na to. kaya sige, kakaririn ko compiler ngayon. inde, karir na lahat. pramis. takot ako sa maraming bagay. hay hay hay. sana pagpalain kami ni Lord. isa tong matinding pagsubok. hay jesus. TT_TT. ayun. tapos na defense. pero ang semester na to, inde pa. kaya kayod pa rin. pray. lahat na. ayun. sige. T_T
Labels: Personal
naipon muna lahat ng gusto kong isigaw bago ko gawin to. naipon talaga. kaninang umaga ko pang gustong magupdate ng blog ko. kaninang pagkagising ko. sasabog na ko kanina pa. naiiyak na ko. kasi, kahit naipasa na documentation sa sad, hindi pa ko kampante. nag-aalala talaga ko. sabi ko nga sa mga kagrupo ko, matapos lang yung defense sa sad nang maayos, makakahinga na ko kahit papano. at kung hindi magtagumpay, sabi ko kay synde, baka hindi ko magagawa yung compiler namin dahil wala na akong gana. sila na lang bahala dun. grabe ang kaba ko. at tumutulo na talaga luha ko habang nagttype ako dito. pinapalakas ko na lang yung loob ko sa sinasabi ng utak ko na: "makre, isang super duper trial lang yan. makakalagpas ka din. nachallenge talaga kayo ni jesus." yan ang pampalubag talaga ng loob ko everytime na inaatake ako ng kaba. nachallenge nga sana. kasi alam ko, ni minsan, hindi namin pinabayaan sad namin. walang time na binale-wala namin itong project na to. bakit? sino ba naman ang gustong madelay ng isang taon di ba?
masama ang loob ko sa ics. masamang-masama. november pa lang, nagpasa na kami sa kanila ng letter para gawan namin sila ng system. at last week of december lang nila kami naaccommodate para jan. kahit pinalitan pa nila ung system na gagawin namin, nachallenge pa rin kami. asp.net daw. kahit wala kaming alam dun, go kami. si jm, nag-aral pang magprogram gamit yung language na yun para lang sa kanila. we waited for their reply. as in. pumayag na din kami na gawin ung system na yun kahit sa tingin namin eh mahihirapan kami kasi alam naming maganda. competitive sia. tapos, after 2 months! tumataginting na 2 buwan! biglang sinabi...
"Hi, apparently i've been advised by d MIS mgr dat he can't be able to accommodate now and in the coming months. MIS' has been so busy dis days dats why it took as sum tym b4 we can give u final word. it's probably best to luk for other company dis early. pls accept my regret dat we wer not able 2 accommodate ur request."
tangina. pakshet! anong petsa na! this early? last week of january na! damang dama ko ang pagkayamot ni jm. at talagang nayamot kaming lahat. at sa mga panahong naghihintay kami ng reply nila, naghanap na din naman kami ng ibang company. ung sa mom ni tin, kaso wala din. kung san san ako nagpupunta kaso di rin nila kami maaccommodate. hindi ko alam bakit ayaw nila. sabi ko pa nga nun kila synde, baka may humahadlang samin para makausad. naiiyak na lang ako sa tuwing gusto naming magpasa ng dapat ipasa kay ma'am pearl. gusto naming gumawa pero wala naman kaming gagawin. nung mga panahong yan, gusto ko ng sumuko. sabi ko kila synde, pag bumagsak ako sa sad, magpapakamatay talaga ko. kasi, sobrang mabibigo ako. mabibigo ko ang sarili ko, sampu ng mga kamag-anak ko na naniniwala sa kakayahan ko. wala akong mukhang ihaharap sa kanila pag nadelay ako. ng dahil lang sa wala kaming company na mahanap. hindi namin kasalanan yun. hindi naman kami nagpabaya. nagpabaya ba ang tipong tatlong chapters1-4 ang naipasa namin kay ma'am pearl tapos iba ibang system un? pano kasi pag ginawan na namin, biglang di pala matutuloy. leche talaga. ayan, dahil sa sad, iniisip ko tuloy na ung hindi ko pagpasa sa SMART ang indication na hindi nga ako makakapag-ojt ngayong summer.
isa pa yan. masamang-masama din loob ko sa SMART. big deal talaga yan. at umiiyak na naman ako habang nagttype ako. pano kasi, ung mga prengs ko, maliban sa meron na silang pagoOJThan, magkakasama pa sila. parang samin, naiwanan nila ako. di ko malaman kung bakit hindi ako natanggap dun. hindi naman sa confident ako na papasa dun, pero kahit papano, may habol din naman ako. naiinggit ako kasi sila, sigurado ng meron. at ng dahil nga sa hindi ko pagpasa dun, kinakabahan ako na baka hindi ako makapagojt ngayong summer dahil bumagsak ako sa sad. waaaaah. sabi nila, wag ko daw isipin yun. eh biglang nagpop sa utak ko yun isang araw na naliligo ako. mabigat na mabigat talaga ang loob ko. kahit nagddrama ako, eh yun talaga ang nararamdaman ko.
inaamin kong sobrang sensitibo ko sa mga gantong bagay. hindi sa grade conscious ako, pero, iniisip ko din ung mga magulang ko. kung pano na ko sa future pag nagpabaya ako. madami akong pangarap sa buhay at ayokong hindi ko maabot yun ng dahil lang talaga sa hindi kami nakakuha ng company nang maaga. bigat talaga. napapagod na ko sa kakaisip ng tungkol sa sad. pero kahit pagod na kaming lahat, sige pa rin. para din naman sa amin ito. kailangan pa ring maging matatag. sobrang nasubok ako, si synde, si race at si jm. pero kakayanin namin. sige lang ng sige. at umaasa ako na matatapos ang semester na to na maluwalhati. ibuhos lang ng ibuhos ang nararamdaman. kaya to. kakayanin to. T_T
Labels: Personal

