月曜日, 3月 27, 2006

azeus adventure

waw. grabe. winner ang azeus experience ko today para sa ojt. kumuha kasi ako ng exams kanina. ayun. sa biyahe palang winner

na. galing ng ust -> recto -> sakay ng biyaheng pasig -> bumaba ng san miguel ave -> naglakad ng lagpas 10 minutes papuntang

exchange road -> at nandun sa exchange road ang philippine stock exchange building. ang office ng azeus ay nasa 28thFLOOR ng

west tower ng building na yun. 28th floor. kasama ko na sina betz at rev ng mga panahong yan. palipat-lipat pa kami ng

elevator kasi walang diretso sa bawat floor. grabe. amp. ayun. pagdating sa office. ayos naman ang accomopdation. hehe. tas

umakyat kami ni betz ng 29th floor kasi dun kami magtetest. tas briefing muna about sa azeus tas after nun, binigay na samen

ung answer sheet at test questionnaire.

nakita ko palang ung answer sheet, nawirduhan na ko. pano kasi. PAGE 1 of 1 ang sabi. name, emailadd at date lang ang

fifill-UPan mo. tas may blank spaces numbered 1-10. ayun. pagkakita ko sa test questionnaire, ang sarap magmura amp. 10

program segments. takte, nagulat kami at purong simulation ang gagawin namin. amf. multiple choice naman sia pero yun nga,

kailangan mong magsimulate para makuha ung sagot. ayun. for three hours daw namin sasagutan ung test. kaya yun, pinaghiwalay

na kami ng bechay ng seats.

nakakatanga tlg ung exam. sino bang inde mawiwindang pag puro simulation ung sasagutan mo. purong java program segments.

ampf. lahat ata ng scratch papers na binigay eh naconsume ko. at habang sumasagot ako, ang laki laki ng takot ko dahil

sobrang tanga ako pagdating sa simulation. inde tlg ako matino dun. pero sige, dahil inde naman time pressured, nadahan-dahan

ko ang pagsagot. marami nga lang times na nilalagpasan ko ung program segment dahil natatanga ako. for example, function ->

for loop -> function -> for loop -> function -> for loop. ganyan tlg ung sistema. as in. tas pare-parehas pa ang variables.

waaaaahhh. talagang dugo ang utak. pero in fairness, lahat naman ng lumabas, naituro ni sir jiss. ung mga substring, charAt,

meron dun. ayos naman. mabigat lang tlg ung dami ng program segments tas simulation. grabe. natatawa pa ko dun sa isang

number. arrays kasi. e di magsstart sa index 0 tas ang pinapahanap, index 9. grabe. minano-mano ko tlg. takte. punong puno ko

tlg ung scratch paper. ammp. ilang beses ko pang inulit. kasi nung una, mali tlg. wala sa choices. tas ung pangalawa, malapit

sa isang choice pero lagpas ng bente. takte bente. kinakausap ko na nga ung sarili ko nun. sabi ko inde pwede to, kaya inulit

ko ulit. at ayun, may lumabas na sa choices. grabe amp. masaya din naman kasi kahit papano alam mo dun ung gagawin mo. at

mabuti walang passing of values from function to function. hahah. pag meron nun, tangna gudbye na. o kaya pag may pointers.

hahahah. amp. ayoko tlg ng mga ganung klase ng program segements.

215 to 515pm ang test. c betz, mga 430 cguro natapos. nahihiya nga ko kasi hinihintay nia ko. nung natapos kasi sia. may four

numbers pa kong blank. hehehe. ayun. natapos ako 500. ayoko na tlg. drained na drained na ko. as in. sabi nga ni bechay. ang

ginawa naming simulation eh pinagsama-samang simulation sa buong college life namin. grabe tlg. ang tindi. wala akong masabi.

dugong dugo tlg. ampf. hay. nakakapagod tlg. iniisip ko, kung papalarin ako dun. what a day! ako lagi. dahil walang diretsong

biyahe + 28thfloor + 8hours of programmingwork in 6 days. ampf! pero pwede na rin un. kaysa wala di ba? chaka sayang din ang

training. hehe.

ayun pagkatapos ko, baba na ulit kami sa 28th floor. at pinasa na namin ung ginamit namin. sabi ni mam bernadette, wait daw

kami ng 15 minutes kasi bibigay na rin kagad ung results. waaaahh. takot tlg ako kasi alam ko, papasa si bechay. ako inde ko

alam. sabi ko nga, pwedeng bukas na lang kasi drained na tlg ako. ayoko ng marinig kung inde ako pumasa. ahehehhee. ayun.

chika pa kami ni betz. kasi an dami pa ring tao dun sa office. wawa nga si rev kasi naghintay sia samen ng halos 4 na oras. hay. ayun. after mga 10 minutes, lumapit na samen si mam bernie with smile. hehe. an saya! pumasa kami sa step1! tatawagan daw kami para sa technical interview. hay. thank you tlg kay jesus at tinulungan nio kong magsimulate. hay. sana makapasa ako at sana makahanap na rin ang lahat ng mga prengs ko :D ayun lang. share ko lang :D

0 comments: