水曜日, 3月 01, 2006

buhos

naipon muna lahat ng gusto kong isigaw bago ko gawin to. naipon talaga. kaninang umaga ko pang gustong magupdate ng blog ko. kaninang pagkagising ko. sasabog na ko kanina pa. naiiyak na ko. kasi, kahit naipasa na documentation sa sad, hindi pa ko kampante. nag-aalala talaga ko. sabi ko nga sa mga kagrupo ko, matapos lang yung defense sa sad nang maayos, makakahinga na ko kahit papano. at kung hindi magtagumpay, sabi ko kay synde, baka hindi ko magagawa yung compiler namin dahil wala na akong gana. sila na lang bahala dun. grabe ang kaba ko. at tumutulo na talaga luha ko habang nagttype ako dito. pinapalakas ko na lang yung loob ko sa sinasabi ng utak ko na: "makre, isang super duper trial lang yan. makakalagpas ka din. nachallenge talaga kayo ni jesus." yan ang pampalubag talaga ng loob ko everytime na inaatake ako ng kaba. nachallenge nga sana. kasi alam ko, ni minsan, hindi namin pinabayaan sad namin. walang time na binale-wala namin itong project na to. bakit? sino ba naman ang gustong madelay ng isang taon di ba?

masama ang loob ko sa ics. masamang-masama. november pa lang, nagpasa na kami sa kanila ng letter para gawan namin sila ng system. at last week of december lang nila kami naaccommodate para jan. kahit pinalitan pa nila ung system na gagawin namin, nachallenge pa rin kami. asp.net daw. kahit wala kaming alam dun, go kami. si jm, nag-aral pang magprogram gamit yung language na yun para lang sa kanila. we waited for their reply. as in. pumayag na din kami na gawin ung system na yun kahit sa tingin namin eh mahihirapan kami kasi alam naming maganda. competitive sia. tapos, after 2 months! tumataginting na 2 buwan! biglang sinabi...

"Hi, apparently i've been advised by d MIS mgr dat he can't be able to accommodate now and in the coming months. MIS' has been so busy dis days dats why it took as sum tym b4 we can give u final word. it's probably best to luk for other company dis early. pls accept my regret dat we wer not able 2 accommodate ur request."

tangina. pakshet! anong petsa na! this early? last week of january na! damang dama ko ang pagkayamot ni jm. at talagang nayamot kaming lahat. at sa mga panahong naghihintay kami ng reply nila, naghanap na din naman kami ng ibang company. ung sa mom ni tin, kaso wala din. kung san san ako nagpupunta kaso di rin nila kami maaccommodate. hindi ko alam bakit ayaw nila. sabi ko pa nga nun kila synde, baka may humahadlang samin para makausad. naiiyak na lang ako sa tuwing gusto naming magpasa ng dapat ipasa kay ma'am pearl. gusto naming gumawa pero wala naman kaming gagawin. nung mga panahong yan, gusto ko ng sumuko. sabi ko kila synde, pag bumagsak ako sa sad, magpapakamatay talaga ko. kasi, sobrang mabibigo ako. mabibigo ko ang sarili ko, sampu ng mga kamag-anak ko na naniniwala sa kakayahan ko. wala akong mukhang ihaharap sa kanila pag nadelay ako. ng dahil lang sa wala kaming company na mahanap. hindi namin kasalanan yun. hindi naman kami nagpabaya. nagpabaya ba ang tipong tatlong chapters1-4 ang naipasa namin kay ma'am pearl tapos iba ibang system un? pano kasi pag ginawan na namin, biglang di pala matutuloy. leche talaga. ayan, dahil sa sad, iniisip ko tuloy na ung hindi ko pagpasa sa SMART ang indication na hindi nga ako makakapag-ojt ngayong summer.

isa pa yan. masamang-masama din loob ko sa SMART. big deal talaga yan. at umiiyak na naman ako habang nagttype ako. pano kasi, ung mga prengs ko, maliban sa meron na silang pagoOJThan, magkakasama pa sila. parang samin, naiwanan nila ako. di ko malaman kung bakit hindi ako natanggap dun. hindi naman sa confident ako na papasa dun, pero kahit papano, may habol din naman ako. naiinggit ako kasi sila, sigurado ng meron. at ng dahil nga sa hindi ko pagpasa dun, kinakabahan ako na baka hindi ako makapagojt ngayong summer dahil bumagsak ako sa sad. waaaaah. sabi nila, wag ko daw isipin yun. eh biglang nagpop sa utak ko yun isang araw na naliligo ako. mabigat na mabigat talaga ang loob ko. kahit nagddrama ako, eh yun talaga ang nararamdaman ko.

inaamin kong sobrang sensitibo ko sa mga gantong bagay. hindi sa grade conscious ako, pero, iniisip ko din ung mga magulang ko. kung pano na ko sa future pag nagpabaya ako. madami akong pangarap sa buhay at ayokong hindi ko maabot yun ng dahil lang talaga sa hindi kami nakakuha ng company nang maaga. bigat talaga. napapagod na ko sa kakaisip ng tungkol sa sad. pero kahit pagod na kaming lahat, sige pa rin. para din naman sa amin ito. kailangan pa ring maging matatag. sobrang nasubok ako, si synde, si race at si jm. pero kakayanin namin. sige lang ng sige. at umaasa ako na matatapos ang semester na to na maluwalhati. ibuhos lang ng ibuhos ang nararamdaman. kaya to. kakayanin to. T_T

1 comments:

匿名 さんのコメント...

makre. alam ko rin na kaya mo yan. tiwala lang talaga sa sarili at paghingi ng gabay kay Lord. gaya nga ng sabi mo, isa lang yan sa pagsubok na bigay ni Lord para makita kung matatag ang pananampalataya mo sa Kanya. wag mo rin kalimutan na humingi ng tulong mula kay Lord. malalampasan mo yan. malalampasan natin to. magtiwala ka lang talaga sa sarili mo at sa amin na mga kaibigan mo. alam mo naman na nandito lang kami para sau... ^^ ingat ka palagi. wag ka na po umiyak....