木曜日, 3月 16, 2006

drama

amp! ang jologs ko shet! ang tanga ko na martir na ewan. waaaaaah. bat kaya ako ganun. ampf tlg. naiinis ako kasi wala naman akong napapala, patuloy pa rin. inde naman lahat lahat parin. ang sabi ko nga, parang nakasabit sia. inde malaglag-laglag. kaya kahit MERON NG IBA, kahit meron na tlg, gulong-gulo pa rin ako. ang weird! shet. ang tagal na tagal na nun. wala na ngang nangyari, pero sobrang martir pa rin ako. inde ko alam kung anong meron yung mokong na yun. kahit ipagpilitan kong WALA NA! TAPOS NA! AYOKO NA! andun pa rin! pak. nakasabit. naghihintay lang ulit na hilain ko sia pataas. amf tlg. waaaaah. sabi kasi ni preng lades, binigay ko daw kasi lahat. kaya yan. eh malay ko ba na bigay pala ako ng bigay. inde ko alam na ganun pala. at there are expectations kasi. dahil ganito kami nun, ganun kami dati. shet, ang dami kong inasahan. ampota. nakakayamot.

kasi halimbawa. isang instance na nangyari tlg. may day kasi na masayang masaya ako dun sa "ngayon". may moment kasi. tapos nakita ko naman si "dati" na bumibili sa tindahan. shet! may nagpupush saken na bumili sa tindahan na yun kahit wala akong dapat bilhin. parang makakalimutan ko si "ngayon" ng sandali. waaaah. eh kasi pag nakita na ko ni "dati", mapapatingin tlg sia. parang "he makes sure na ako nga ung nakita nia" waaah. ang kapal. pero kasi, ganun nga tlg. inde lang naman ako ngsabi nun. kasi, malabo ang mga mata nun. 24 hrs a day kung magsalamin un. hahahaha. pak. kaya nga yun, bibili ako. eh wala naman ngang pansinan. basta andun kami parehas sa spot na un. bibili ako ng maliit na bagay lang. masabi lang na may binili ako. ayun. nasasabi ko na lang sa sarili ko, shet, ang tindi nia. walang wala na nga tlaga akong makuha, pinagpipilitan pa rin ng sarili ko.

kaya ang laki ng takot ko. kasi, si "ngayon", feeling ko, more than a year pa tatagal ang gusto ko jan. tas pag nawala, waaaaaah. babalik at babalik tlg kay "dati". nakakayamot tlg. once in a blue moon lang kung makita ko un. as in. minsan, once or twice sa isang buwan. inde ko naman namimiss di tulad dun sa isa. mas nakakasama ko pa nga ung isa. walang communication whatsoever. ni HA ni HO, wala tlg. dahil nung october kasi, gudbye moments na tlg kami nun dahil namisinterpret nia ko. ewan. tas ayun. NAKASABIT. NAKASABIT. AYAW BUMITAW. KAHIT SINIPA KO NA. ay mali. ganto pa ang sitwasyon. NAKASABIT NAKASABIT. AYAW KONG PABITAWIN. KAHIT GUSTO NA NIANG MALAGLAG. waaaaaaaah. mas tama ung una!

kasi, sa totoo lang. matimbang na matimbang talaga ung "ngayon". sabi nga ng mga prengs ko, tinamaan daw tlg ako. LAKAS tlg kung tutuusin. ang nangyayari lang tlg saken, e pag nakikita ko ung dati, umaarangkada na naman sa utak ko lahat ng posible, lahat ng sana ay nangyari. MULTO. ISA SIANG MULTO saken. inde ko alam kung pano tatapusin. kung pano na iiwasan. di ko alam kung pano papatayin. potah. anung pinakain nun sa ken?


``````````````````````````````````````
makre! gising na! mag-aanim na taon na kayong di nag-uusap. inde ka ba napapagod? kala ko ba masaya ka na dun sa isa? wala kang ngang mapapala. wag mong pagpilitan ang wala! sasakalin na kita eh. sa panong paraan ka ba matatauhan? tanga ka! tanga! sinasabi ko sau makre, wala ng mangyayari. sa iba mo na hanapin. kahit kelan, inde na dadating yun. tama na. ako naaawa sau eh. ikaw lang ang nagpupumilit. wala na tlg siang pakelam. *sampal sampal. kaya ikaw na ang mali. wala naman siang ginagawa sau para bumalik kung ano man yang nasau. kaya inde na nia kasalanan kung nagpapakatanga ka. tanga! tanga! kahit isang libong beses ko pang sabihin saung tanga ka. kasi totoo naman. para matauhan ka. magsisisi ka kung ipagpipilitan mong sia tlg. marami naman jan. anjan naman si ano *********. *sabay tawa. bait bait naman nun. hay naku makre, ewan ko sau. jologs ka. yun lang. inde sia deserving. eto ang isipin mo, sia ang nawalan! inde ikaw. kung tanga ka, tanga rin sia. SWERTE at TANGA sia. san sia nakakita na taong nagpapakamartir sa kanya. imposibleng inde nia alam yun. wala lang tlg siang pakelam. makikita nia. magsisisi sia pag nakita niang masaya ka na kay toot! *tawa ulit. go makre, patingin ka nga minsan sa psychiatrist! *sori saken. inde dahil sa baliw ka na. ay, mejo na pala. wala lang. para makahingi ka ng pieces of advice jan sa wirdo mong sitwasyon. o psychologist. anu bang pinagkaiba nun. basta isa dun sa dalawa. pacheck up ka nga! o kaya naman, ibuhos mo na nang ibuhos kay ano. yikee. ok naman un eh. ayos naman yun sa maraming bagay eh. at least napapansin ka nun. di tulad niang mokong na yan. o di ba? o cge na. ginegiyera na kita dito. basta makinig ka saken. tama na.gawin mo lahat ng bagay para matigil na yang katangahan mo. o cge. sa susunod na ulit kita aawyin. sobra na to. baka mawindang ka na. :P sige. aylabyu<3
``````````````````````````````````````

o ayan. nasermunan tuloy ako ni sikret preng. unknown identity na lang daw sia pag nagpost ako. hahaha. ewan ko. tama naman sia. pero mahirap gawin. gusto ko na ring tapusin. kaya inde totoo ang time heals. haha. as proven by me. hahahaha. ang jologs. sige tama na to. ang haba na nito. wla namang kwenta. sabi nga ni sikret preng, ibuhos ko na lang kay ano. wahahahahaha. pwede rin. pwedeng pwede! <3 hahaha. o cge. binuhos ko lang to :D

0 comments: