土曜日, 4月 14, 2007

the hell vacation.

hell dahil ang boring talaga! tae. at talaga namang napakasaklap ng bakasyon ko.

-> inde na kami umuuwi sa nueva ecija tuwing holy week simula nung may masaklap na nangyari 2 years ago.

-> wala na kong unlimited sa owtel kaya offpeak lang internet ko.

-> wala akong mapanood na kahit anung bago. buti na lang, inde ako nagsasawang panoorin ang yuyu hakusho. siempre peborit poreber eh. :P

-> wala akong makausap dahil wala talaga akong kakausapin. kung makakwentuhan ko ang kapatid ko, wala naman akong maikwento dahil maliban sa lahat naikwento ko na, walang dumadagdag na bagong kwento.

-> inde natuloy ang LTS nila bes na dapat eh sasama ako para adventure naman. pero buti inde rin natuloy inde talaga ako makakasama kung natuloy nga dahil sa appointment ko.naks. hahaha.

amf. kaya binuburo ko ang sarili ko sa mga bagay na to:

-> mago2mania. sus. walang kamatayang o2mania na hanggang ngayon, inde pa rin ako magaling. hahaha. mas magaling na saken utol ko. tae sia. hahah. o kaya mag text twist. hehehe

-> makinig ng myusik. sows ilang beses ko nang pinaulit-ulit nasa playlist ko. inikot ko na ang english, opm, japanese, at mandarin kong mga kanta pero naubusan pa rin ako. kaya pinatos ko na ring paulit-ulitin album ni bueno para maentertain naman ako. haha. peace kras. :P

-> manood na mga lumang cds. yuyu hakusho nga ang current. hahhaa. naeenjoy ko pa rin naman. nasa paboritong episodes ko na ako ngayon eh. ang problema, nasira pa cd sa banda dun. at naiyak talaga ako. talagang iniinis ako. amf. kaya manonood na muna ako ng iba. eg. mars. :D

-> maglakad. ang aking peborit habit. kaso naikot ko na rin ang buong sampaloc at ilang bahagi ng qc para dun. nakakasawa na. pag lumayo pa ako, masyado nang malayo talaga!!! hahaha. akalain mong nalakad ko ang blumentritt-sto.domingo back and forth! todo ang paa ko nun. hahaha. buti kasama ko sila bes sa trip ko. hahahaha.

-> maghanap ng trabaho! haha. lagi kong date ang sarili ko sa ortigas at makati nang madalas. hahaha. kaya feeling ko, marami talaga akong oras sa sarili ko dahil sa pag-iisa ko. hahahaha.

-> makipagconf kila soulmate at nena. pero inde masyado ngayon dahil last few days, inde ako nago-ol dahil mga sunud sunod kong lakad nang umaga. namiss ko na tuloy sila. T__T

-> magbasa ng kung anung meron sa bahay namin. hahha. wag lang skul buks. no no no muna dun as of now. hahahhaa. at inde ko pa rin tapos claiming of sleeping beauty. amf.

-> magpraktis magprogram. hahaha. para inde nababakante utak ko sa programming dahil dun talaga ang ipupursue kong career. naks. amf.

-> maglinis ng bahay. hahaha. para exercise na din. amf. hahaha.

ayun ang ilan sa pinagkakaabalahan ko ngayon. wala pang isang buwang nakatanga, ayoko na talaga. nakakapagod din. T___T gusto ko ng happening, wala naman akong breads. hahaha. kaya dapat may trabaho na para makapanlibre na ko. hahhaa joke. ayun. at dahil boring din ngayon, gumawa ako ng entry-ng pandagdag ng post. :P

0 comments: