日曜日, 11月 04, 2007

the daydreamer's wrath #1

**
pagpasensiyahan na ang maling pagpili ng mga salita. sana'y maunawaan niyo.
**

makre
: T__T
inner makre: lalabas ako. bilis!
makre: T__T
inner makre: amputa iyak ka ng iyak jan. sino bang may kasalanan?
makre: T__T
inner makre: galit na galit ako! lumabas ako dahil gustung gusto talaga kitang suntukin. tignan mo kung gano umuusok ulo ko sa galit tae talaga.
makre: uu na. alam ko. T__T
inner makre: tangina kasi makre! ang labo mo kasi! sasabihin ko ulet sayo ung mga bagay na ginawa mo. :-L

inner makre: humingi ka ng chance, binigay sayo, tumakbo ka, tapos hahabulin mo pabalik. hihingi ka na naman ng chance, binigay ulet sayo, tapos tumakbo ka na naman, tapos hahabulin mo ulet. recursive ung nangyari makre! ang masama pa dun, pag binibigyan ka ng chance, saglit lang ung pagitan ng minuto! nakuha mo ba makre? ilang beses nagrecurse ung eksenang ganun? para kang tanga! pilit ako ng pilit sayo pero anung ginawa mo? wala! wala kang nagawa!
inner makre: anu bang problema mo?
makre: ewan ko! T__T
inner makre: ewan mo?!? eh sabi ka ng sabi na kaya mo! bina-brag mo parati na "GO AKO NG GO." woot kainin mo yang sinabi mo!
makre: inde ko alam kung bakit napigilan ako. T__T
inner makre: inde sa inde mo alam makre! natakot ka na naman! para kang tanga! alam mo ba na nagsayang ka ng pera, ng panahon, ng pagkakataon makre! ang bobo talaga nung nangyari! hanggang ngayon parang granada ung buong katawan ko sa galit sayo amp amp amp!
makre: wala na nangyari na. tumakbo na ako. anu pang gagawin ko? sa susunod na ulet!
inner makre: isaksak mo sa utak mo ung itatanong ko sayo. anung magiging pinagkaiba ng susunod na pagkakataon makre? petsa? ung eksena? pero yun pa rin yun! yun pa rin! iisa pa rin yung gagawin mo! pano kung sa susunod eh umatake na naman yang kaartehan mo leche. kung ngayon nagwawala na ko, baka pag nangyari yun, tutuluyan kita seryoso. iisa tayo pero inde ka nakikinig saken! sino bang gagawa nung sinasabi ko sayo? ikaw ang gagawa dahil inde ko magagawa!
makre: masyado ka kasing agresibo!
inner makre: agresibo ba yun? matagal na nating pinagkasunduan yun makre. umoo ka. sabi mo gagawin mo. at inde ibibigay sayo ung mga pagkakataong yun kung inde mo dapat gawin anu ba?!? utang na loob makre! sino bang makikinabang? sino din ang nahihirapan? parehas ikaw di ba? kaya kung inaayus mo na e di tapos na. takbo ka nang takbo kaya inde natatapos yan. ngayon inde maidrawing yang itsura mo dahil sa pagsisisi mo tapos mamaya sasabihin mo ready ka na ulet! waaaaaaaaa ang gulo mo!
makre: palit na tayo.
inner makre: kung pwede lang makre. ginawa ko na nung umpisa pa lang. inde ka ba nahihiya na pinapagalitan ka ng konsensiya mo? tae kasi ang bobo talaga. grrrrr. bahala ka sa buhay mo matutulog na ko.
makre: sige na next...
inner makre: wag mo kong manext time next time. pinapaasa mo ako sa wala. gawin mo na lang kung kelan ka inde magiinarte amp. tawagin mo na lang ako pag inde ka na kokontra saken. sana nga magawa mo pa. beh! o papasok! mananahimik na ko takte kang tao ka.
makre: T__T T__T
inner makre: shaddap! naririndi na ko sa kaka huhu huhu mo. iyak iyak tapos na. :-L
makre: Y_Y

sibat!

2 comments:

匿名 さんのコメント...

Kulet ng post makre! :) Anyway, parating tama si konsensha kaya wala tayong laban. Mangungulit lang siya ng mangungulit kapag di mo pinakinggan. lelz

M A K R E さんのコメント...

hahaha.amp kasi inde ko parin nagawa woooot. epal talaga ung outer ko :D