木曜日, 1月 06, 2005

solitude

solitude, n. the state of being alone; seclusive.

yan ang isa sa mga bagay na gusto ko sa buhay.. pero usually di ba.. ang mga taong naeengage sa solitude.. tahimik.. pero ako.. i like solitude but i am not a quiet person.. hindi naman tlg sobrang ingay.. pero pag nakikisosyal ako.. nagsasalita tlg ako..

pag naeexperience ko ang solitude.. i can be myself.. nagagawa ko ang gusto kong gawin.. walang sisita.. walang kokontra.. pero hindi ibig sabihin na gusto ko laging mag-isa.. malungkot ako... masasabi kong hindi laging ganoon.. pero sa ngayon.. alam kong malungkot ako..

naalala ko na ang moral attribute ko sa ethics last sem e CONTENMENT.. kuntento naman tlg ako sa buhay ko ngayon.. pero hindi dahil sa di ako kuntento kaya malungkot ako.. but looking at the other side.. wala namang masama kung maghangad ka ng isang bagay as long as di ka makakasakit ng ibang tao di ba? siguro nga.. may hinahangad ako.. pero ang hirap hirap makuha.. akala ko.. two months ago.. malapit ko ng mareach pero up to now.. andito pa rin ako.. di man lang nakaakyat kahit isang step sa napakahabang hagdanan..

alam ko na ngayon..kung bakit gusto ko ng airplane, ng fireworks, ng stars.. pare-pareho silang nasa taas.. sila ang nagsisilbi kong mga goals.. dreams.. na balang araw.. maaabot ko.. pero ung hinahangad ko ngayon.. which is HAPPINESS on a certain part of my life today..now... malabo marating ko ang mga stars.. kasi habang tumatakbo ang kamay ng relo.. nararamdaman kong palayo pa ko nang palayo.. kaya iiyak na lang ako..

nung new year's eve.. habang nasa bubong ako.. isa ang HAPPINESS sa mga winish ko para sa taong to.. HAPPINESS sa lahat ng bagay..para sa family ko din.. sa lahat ng tao.. pero jan 1 pa lang... i felt loneliness na kaagad.. "ang layo layo... di ko maabot" sabi ko sa sarili ko..

minsan nga.. iniisip ko na sana hindi nangyari un.. feeling envy lang siguro.. pero kung di tlg nangyari un.. no disappointments.. no hurt feelings cguro.. wala akong hinihintay..

despite ng mga yan.. iniisip ko na lang.."don't worry.. when you became deserving.. you'll be experiencing more than of what you have expected.." pero kelan pa? kapag hindi na ko interesado? bakit ba hindi na lang ngayon.. anong pinagkaiba kung mangyayari ngayon chaka bukas?

iniisip ko din.. "pag nafefeel mo na nadodown ka na.. kung swerte ang iba sa ibang bagay..
swerte ka rin sa iba pang bagay.." pero.. ang ikinaswerte ng iba ay nais ko..ang ikinaswerte ng iba ang siyang magpupuno sa kalungkutang to.. anong gagawin ko?

pero wala naman akong ikinagagalit..e ano bang magagawa ko? hindi ako.. kaya nga pag nanaginip ako about dun.. gusto ko na lang mastuck sa dream ko para at least kahit sa dream.. naabot ko ang stars..

sige tama na ang drama.. basta may bago na akong motoo ngayon.. "KEEP REACHING AND REACHING UNTIL YOU FINALLY GRAB IT." hay.. sana lang.. kahit matagal sige.. pero kahit paisa-isang hakbang lang.. sana maranasan ko.. para naman mafeel ko na "sige makre! ituloy mo!".. may hope.. un lang..

0 comments: