月曜日, 12月 12, 2005

gold

ginto. gold. naiyak tlg ako. sabi yan ni race. parang sobrang gumaan ang pakiramdam ko. kasi, ang feeling ko sa sarili ko, sobrang miserable ako. parang madaming may ayaw sa ken. sobrang hirap iplease ng tao. kasi kahit ok naman ang pakikitungo mo sa kanila, masama pa rin ang tingin nila sau. ganun ako dati. sa totoo nian, this year ko lang nafeel yun. dahil nga, ang daming umaaway sa ken.

tapos may sinabi sa ken si jhen. si jhen. 7 years ko ng friend yan. lagi kong kausap yan sa mga bagay bagay. 2 years ang tanda ko sa kanya. basta sobrang close namin. tapos one time. this year lang din. nagdate kaming dalawa. wala lang. lumabas kami. tumambay kami sa walls ng intramuros nun. tas nagusap kami. tas napaiyak tlg ako sa mga sinabi nia about sa ken. sia kasi ung unang tao na nagsabing: ate makre, ganto ka... ganun ka... na hindi ko narinig kahit sa parents ko. sobrang naiyak ako dahil nalaman kong may nakakaappreciate sa ken. natuwa tlg ako nun kasi di ko inakalang may magsasabi ng mga ganung klaseng bagay sa ken. as in first time. feeling ko tuloy ang bait ko! haha. pero di pa ko masyadong convinced nun. kasi sia nga lang ang nakakita kung ano ako. baka kay jhen lang ako ganun. baka sa iba hindi na. un ang pakiramdam ko. hanggang sa si race ang nagsabi sa ken.

ay. subrang naiiyak tlg ako. nalaman kong meron pala akong magandang napapakita sa ibang tao. na hindi ko alam. naiyak tlg ako kasi mas marami pa palang tao ay may gustong kasama ako. na hindi napplastikan sa ken. natouch tlg ako. nagbago lahat ng maling pagtingin ko sa sarili ko. sobrang saya na sabi ko pa kay race eh mamamatay akong masaya. naiyak at natuwa ako nung nagtenk you sa ken si race sa madaming bagay. nagulat ako kasi kahit parang small things sa ken, subrang big na pala. hindi ko tlg inakala. hay. masaya tlg ako ngayon.

salamat din kasi nasabihan ako nun. ngayon lang ako naging aware na hindi masaklap ang buhay ko. na hindi ako miserable. na may nakakappreciate sa ken. salamat tlg. sobrang laking tulong nun para sa pagkatao ko. grabe. naiiyak na naman ako. cge. un lang. share ko lang. :)

0 comments: