月曜日, 11月 06, 2006

my most heroic day... failed

ewan ko kung dapat ko ngang sabihing "sabi na nga ba eh." inde naman sila nagkulang ng encouragement sa ken. dapat ko naman na kasi daw talagang gawin na. bakit ko ba daw kasi pinapatagal pa. natapos ang buong november 5 ng inde ko nagawa. hahahaha. at nakausap ko si jaers tungkol dito. waw special mention si ja. ipopost ko pinagusapan namin. :D

ang current status ko nun eh: GAME OVER. AT AKO ANG TALO.

ja: status??
ja: bat naman talo??
makre: hmmm. may pinalagpas kasi akong pagkakataon eh
ja: ???
makre: naniniwala ka ba sa signs?
ja: uhm uu...
makre: dumating kasi eh
makre: pagkatapos ng mahabang paghihintay
makre: pero pinalampas ko lang
ja: hinintay mo pa kung pinalampas mo din lang...
ja: sana d ka na lng pala naghintay in the first place..
makre: ang tanga ko
makre: inde kasi ako ready nung dumating
ja: amp
ja: un lang...
ja: kase ganito yan...
ja: kung para sa akin.....
ja: kapag binase ko ung magiging actions ko sa pagdating ng sign, dapat all out na un, kung baga, depende na talaga dun sa sign, wrong timing man o indi ung dating ng sign, basta dumating un sign, gagawin ko ung sinabi ko na gagawin...
ja: kase nilaanan ko pa ng sign....
ja: naghintay pa ako dun sa sign, tapos pagdating nung sign inde ka rin pala gagawin ung sinabi ko, parang niloko ko lang sarili ko nun...
makre: parang kasi sabi ko, kung anung araw dumating ung sign, un lang ung dapat at tamang araw. kaso nagawa kanina
makre: kaya ang feeling ko, wala na ulit ibang araw para maging tama
makre: natakot din kasi ako eh
makre: T_T
ja: kase ung sa akin nga, kapag kase dinepende mo na ang isang bagay sa sign, prang ang ginawa ko nun, bahala na, kung baga mangyari na ang mangyari, once na dumating ung sign, bahala na sa kalalabasan.....
ja: ganun...
ja: :D
makre: eh yun nga lang, tapos na isang buong araw para gawin ko
ja: parang d nakatulong a
ja: haha
makre: hehe
makre: gawin ko pa rin ba kahit november 6 na ngayon
ja: uhm, depende na sa iyo un...
ja: ikaw na lang ang nakakaalam nun.......
makre: pero inde ko alam tlg
makre: T_T
ja: ganito na lang, kung nagsisi ka at pinalagpas mo ung chance at nanghihinayang ka at naghintay ka sa sign para lang sa wala, d gawin mo, pero kung in a way thankful ka at di mo nagawa kahit dumating ung sign, e di wag na.....
makre: sa ngayon, di ko pa masasabing ok lang at di ko ginawa kahit dumating yung sign. pero nayamot tlg ako dahil inde ko ginawa.
makre: ang kinakatakot ko lang pag ginawa ko pa, baka mali na
ja: kase ala na ung sign??
makre: kasi tapos na araw kung kelan dapat ko ginawa
makre: isang araw lang kasi ang duration nun
ja: amp.....
ja: pero sa totoo lang d na naman talaga kelangan ng sign e....
ja: kung gusto mo gawin d gawin mo, lumalabas kase ang paghihintay ng sign e alibi lang.....
makre: may point ka din dun.
makre: kaso, iniisip ko na yung pagdating ng sign eh pinush na ko ni jesus para gawin ko na
makre: parang sa lahat ng araw, yun ang pinaka itinakda
ja: un nga, pero kapag inisip mo, ikaw din naman ang magdedecide kung kelan ung araw na itinakda e.....
ja: kunyare ganito
ja: example....
ja: naglalakad ka sa kalye...
ja: 10 am na....
ja: e nagutom ka, kumain ka agad sa mcdo.....
ja: ang nangyare, kahit 10 am pa lang, naglunch ka na......
ja: parang ganun....
ja: pedeng intayin mo muna na mag12 bago ka maglunch, pero since ginusto mo nang kumain agad, naging 10 am ang lunch mo...
ja: imbes na 12 pm....
ja: :D
makre: yun. ibase natin sa example mo
ja: gets??
makre: uu
makre: dahil 10am ako kumain, iba na ang susunod na mangyayari kumpara sa mga mangyayari kung kumain ako ng 12
ja: :D
makre: na inde ko na magugustuhan ung mangyayari dahil kumain ako ng 10
makre: at sinabi ko sa sarili ko na dapat 12 na lang
ja: pero anong pinagkaiba nun, same difference lang e, napaaga ka lang ng gastos, pero nabusog ka parin, which is the essence ng pagkain mo...
makre: nabusog nga ko pero pano pag biglaan akong nangailangan ng pera
ja: diba??
makre: tas wala na kong mahagilap na pinangkain ko na
ja: pero kasama parin sa plano mo ang kumain???
ja: kase nakaset ka na kumain e...
ja: so ibig sabihin, ano man ang mangyari, kakain ka....
makre: uu.
ja: may possibility din na d mo gastusin ung pera na un para dun sa pangangailangan mo na un kase kakain ka....
ja: ano man ang mangyari kakain ka...
makre: uu. kakain pa rin kahit anong mangyari.
makre: pero pano kung by 11 nag-aya si gani na manglibre
makre: eh di sayang kasi kumain na ko ng mas maaga.
makre: yun yun eh. may mga bagay na pagsisihan ko kasi inde ko ginawa sa tamang oras
ja: atleast nagawa mo na ung nakaset na gagawin mo.....
ja: what if kung inde nanlibre si gani, d naghintay ka lang 2 more hours para lang kumain, na sana kanina mo pa ginawa, para d ka na nagtiis....
ja: ganun talaga
ja: lahat ng action may consequence, at d lahat ng consequence, alam mo before hand...
makre: yun nga
makre: pano ko malalaman ang inde pagsunod sa sign ang mas makakabuti
ja: un nga...
ja: nasa tao na talaga un.....
ja: kase sa akin, ang tingin ko sa sign is isang alaking alibi lang tlaga.......
ja: magseset ka ng sign, "kapag nangyari ito, ganito ang gagawin ko, ganun, ganyan...." e alam mo na pala ung mga gagawin mo e, d ngayon mo na gawin, makalimutan mo pa yan....
makre: dahil ang pagsunod ko sa sign ang assurance ko na magiging maganda ang consequences
makre: kahit ba anytime eh pwede ko na ngang gawin
ja: basta sa akin lang, ano man ang mangyare, ano man ang situation, you can make a normal day the RIGHT DAY kung gugustuhin mo lang...
ja: :D
makre: sana
makre: pero kung gagawin ko cguro yun, matagal na siguro ulit
ja: ikaw ang bahala, xempre ikaw ang masusunod dyan, buhay mo yan.....
ja: andito lang kami para tumulong....
ja: :D

cge ja. still discerning ako. hehe. salamat! :D

0 comments: