siguro isa tong early evaluation ng sarili ko. maaga dahil una, inde pa natatapos ang school year at pangalawa, masyado pa talaga akong bata para tantiyahin ang sarili kong kakayahan. pero gusto ko lang ibuhos to sa inde ko alam na dahilan.
kilala ko ang sarili ko kesa sa sino mang taong kilala ko. alam ko kung kelan ko mararamdaman ang gantong bagay, kung kelan ako nadadalian at kung kelan ako nahihirapan. alam ko kung saan ako mahina at kung san ako magaling. at sa maraming bagay, kilalang kilala ko ang sarili ko pagdating sa usapang "ESKWELA".
"mahusay ka makre."
inde ko pinagmamalaking marami ng tao ang nagsabi nian saken. pero sa totoo, hindi ko alam kung paano nila nasasabi yun. maaaring mataas ang nakuha kong score sa ganto, o kaya may naaccomplish akong ganyan. pero kahit may ganung batayan sila, ako mismo, inde ko alam kung dapat ko nga bang ituring ang sarili ko bilang isang mahusay.
alam ko sa sarili ko na kaya ko naaabot ung pamantayan ng maraming tao para masabihan ako ng mahusay eh dahil sa mga sumusunod na bagay:
90% sipag
8% divine intervention at
2% innate kong talino
masipag ako...pero inde ako maparaan. at naprove ko yan sa automata. kahit maglaan pa ko ng kalahating araw kakapraktis mag pushdown automata at cfg, hinding hindi mangyayari na tatayo ako at sasabihin ko sa sarili ko na "ready na kong magquiz, 100%".
masipag ako...pero inde ako matalino. at naprove ko to sa math. kahit ba sasabihin ko sa madlang tao na isa sa mga paborito kong subjects ang MATHEMATICS, inde sa lahat ng fields nito eh magaling ako. ang totoong nangyari eh dahil lang sa kinarir ko ang geometry, trigonometry at algebra nung highschool kaya nakisabay saken ang mga subjects na to sa college. yun lang at yun lang talaga. pero mahina ako sa statistics, mahina ako sa accounting, mahina ako sa physics, at mahina ako operations research.
masipag ako...pero inde ako magaling magdesisyon. at naprove ko to sa thesis. at sa sobrang tanga ko, napaiyak ako nang mapagtanto kong maling mali ang pinili ko sa panahong inde ko alam kung pano ko pa sosolusyunan yun. cursive handwriting recognition using hidden markov model. wtf! gusto ko ng algebra o trigo o geom, bakit inde ko nilagay ang grupo ko dun. mahina ako sa statistics, bakit ko pinili ang markov. tanga. isa akong dakilang tanga. at hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung inde ko matatapos to sa tamang oras. at prove ko din to sobra sa course na pinili ko. COMPUTER SCIENCE. highschool pa lang topak na ko sa programming. tsk tsk tsk, matigas talaga ang ulo ni makre.
masipag ako...pero inde ako magaling mamuno. at naprove ko to sa lahat ng projects na lider-lideran ako simula nung highschool hanggang ngayong 4th year. kung inde bumabagsak sa nahihirapan kami at kailangang magpalit ng plano sa panahong hapit na, mababa naman ang grade na makukuha namin. kaya pagdating sa mga groupings groupings, gusto ko talagang nakikisama sa alam kong di hamak na mahusay kaysa saken dahil alam ko na mas magandang susunod na lang ako sa utos kesa ako ang maguutos.
masipag ako...at kapag nawala ang sipag ko, san kaya ako pupulutin?!? kaya kung tatanungin mo ko kung san ako magaling, sa edad kong to inde kita masasagot. malay ko! san nga ba? magaling lang ako sa pagiging mabait sa iba. magaling akong magtago ng sikreto ng kung sinu-sino. kaya mas maappreciate kita kung sasabihan mo ko ng mabait ako kaysa sa mahusay ako. totoo yun.
at kaya ko nakukuha ang "excellence in studies" daw, kung inde ako SINIPAGx100, maniwala kayo kung sasabihin ko CHING lang yun dahil nagkataon lang talagang nakuha kong sumabit sa ganung level.
at ang matindi kong problema dito: inde ko alam kung pano ko tutulungan ang sarili ko. inde ako maparaan, inde ako matalino, inde akong magaling madesisyon at inde ko magaling mamuno. kaya kahit ipilit ko sa sarili ko, inde ko magagawa talaga. pero kanino ko huhugutin ang paraan?? malamang, saken at saken pa rin.
sana nga mali ang tingin ko sa sarili ko bilang isang MISERABLENG TAO. miserable sa maraming aspeto ng sarili ko. marahil magbabago pa ang mga masamang pananaw kong ito pagdating ng araw kung san alam ko ang sikreto ng bawat tao sa mundo. bibigyan ako ng award sa pagiging MOST TRUSTWORTHY EVER.
haayyz siguro marami lang akong problema talaga. at siguro, dulot lang to ng sama ng pakiramdam ko ngayon. haaayyzzz.
COMMERCIAL: kahit ba extrovert ako, naeenjoy ko ding maging introvert. gaya kanina na tahimik ako. ang sarap panoorin ng mga tao habang sila ung nageenjoy. parang ung extrovert moments ko ang mismong take ng isang palabas while ang introvert moments ko ang behind the scenes. ewan. masaya lang. yun.
ayun cge. nobela na to. at sa tingin ko nasabi ko naman lahat. magandang gabi. magpapahinga lang ako at magthethesis na ko.
私は内側からの叫び
Ii otoko da. Kono tamago no atama no hito
私のプロフィール
:makre.
:21.
:filipino.
:thomasian.
:theresian.
:computer science grad.
:associate software engineer.
:.net developer.
:gemini.
:rabbit.
:green & red color lover.
:astronomy addict.
:uses badminton as a stress reliever.
:likes math and music.
:likes the movie castaway.
:yuyu hakusho addict.
:kurama, zhou yu min, son ye jin, and tom hanks fan.
:loves fireworks and ferris wheels.
:trying-hard guitar & keyboard player.
:inclined with the japanese language.
:addicted to breads.
:spitz music lover.<3
:21.
:filipino.
:thomasian.
:theresian.
:computer science grad.
:associate software engineer.
:.net developer.
:gemini.
:rabbit.
:green & red color lover.
:astronomy addict.
:uses badminton as a stress reliever.
:likes math and music.
:likes the movie castaway.
:yuyu hakusho addict.
:kurama, zhou yu min, son ye jin, and tom hanks fan.
:loves fireworks and ferris wheels.
:trying-hard guitar & keyboard player.
:inclined with the japanese language.
:addicted to breads.
:spitz music lover.<3
話そう
ラベル
- animation (22)
- Drama (1)
- Literature (8)
- Movies (8)
- Music (27)
- Out of the Box (19)
- Personal (253)
- Showbiz (58)
- Social (3)
- Technical (10)
最近の記事
リンク
カウンター
水曜日, 1月 31, 2007
Labels: Personal
登録:
コメントの投稿 (Atom)


4 comments:
alam mo makre.. hindi lng sa mga subjects tulad ng automata, trigo at thesis nasusukat ang pagiging mahusay ng isang tao. hindi lng sa mga simpleng project nasusukat ang pagiging magaling na leader ng isang tao. hindi lng nakakulong ang pagkatao natin sa school. para sakin,matalino ka. maparaan ka. dahil kahit di mo na kaya, kinakaya mo pa din. pinili mong kayanin. walang nagdikta sayo nyan. kaya kung ako sayo.. wag mo na sabihin yan.. :) kaya mo yan. maniwala ka lang. :)
>:D< bechay! natouch naman ako.
T_T T_T T_T
T_T T_T
T_T
Well siguro, indi mo nakikita yun Makre, pero as your classmate and as a friend,
Matalino ka pare.
and proud ako sayo for that.
Cheers for the graduation!
teka naiiyak ako.
inde pa ko ggraduate T_T
salamat fabs!
aylabyu <3<3<3
コメントを投稿