火曜日, 8月 21, 2007

thumbs up for Honey and Clover

hehe. bago ako humarap sa bago na namang matinding bakbakan sa pagitan ko at ng aking monitor, eto muna. hahaha.

Natapos ko ang Honey and clover, seasons 1 & 2, nung weekend. hehe. Actually, nappreciate ko lang ung story sa season 2. naboringan kasi ako mejo nung una hahaha. nasanay lang siguro ako sa action/fantasy na napanood ko. Well, honey and clover reflects any person's life. dahil halos lahat naman tayo eh dumaan sa college years. The story is about 5 persons focusing on their life in school, friendship, future, chaka romantic side.

Dahil nahook ako, magsshare ako ng "what i like about the story"

1. Reality-based sia. haha. walang kahit isang fantasy/magic kuno. hahaha. Kaya, makikita mo ang buhay mo sa kanila.

2. Typical student life ang story. Away from the family. dorm-life sila althroughout. ang SAD.

3. dahil students sila, nahihirapan sila siempre sa demands ng pagiging estudyante. hahaha. Nag-aaral silang lahat ng isang art university pero iba iba naman sila ng fields at iba iba ng year levels. At mahirap naman talaga sa ganun. HAy college life. Ung isang bida dun, 8 years sia sa university due to work circumstances. hehehe.

4. We gain true friends at school. True indeed. hehe. naestablish un nung 5 characters sa story. astig.

5. We search for the meaning of our lives. Soul-searching ang term dun sa story. Naastigan ako sa way ng soul-searching ng main protagonist dun. Hehe, nagbike sia from Tokyo to the most northern point in Japan (Sapporo ata can't remember hahaha). kaya mga 2-3 months siang nawala. hahah. ayus! gawin ko kaya yun. from Manila to Ilocos Norte magbike lang. huwaws!

6. We express love in different ways. May love triangle din dun sa story, kaso balanced sia. inde sobrang nakafocus dun. hehe. Takemoto->Hagu<->Morita. Kaso, sa huli na lang nalaman nung girl na gusto pala sia nung mga taong yun kasi they express it na inde mo aakalaing gusto na pala sia. hehe. Ung isa, sa friendship dinaan tas masyado pang contained. Ung isa naman, laging pinagttripan ung girl, inde nagseseryoso. yun. pero in the end, walang pinili si Hagu sa kanilang dalawa. hehehe.

7. There are things we can't get. Sobrang totoo to amf. Sa side naman to nung ibang bida. Love story din pero in a different perspective. Yamada->Mayama->Rika. Yun yung kahit anong mangyari inde marereciprocate ung feelings. ang kulit dito kasi hopeless si Yamada kay Mayama. Si Mayama naman, hopeless kay Rika. hahaha. kaya naiintindihan ni Mayama feelings ni Yamada kasi same situation sila. pero nevertheless kahit may love issue sa kanila, prengs pa rin sila. Hayyyzzz. ang LAB nga naman. wirdo. :P

8. Pinaghihirapan ang maraming bagay. Naemphasize dito sa story ang paghahanap ng trabaho. hehe. kawawa si Takemoto(lead), kasi ang tagal nia bago nakahanap ng work kahit ba promising naman ang skills nia. Pero in the end, pinursue sia ang field about sa temples. archi naman kasi ang course nia at naenjoy nia un. :D

9. Life is complicated. laging wheel ang pinapakita sa series. Either bike wheel or ferris wheel. Yun, as the wheel symbolizes, ikot ikot lang tayo. minsan ok, minsan inde. minsan madali, minsan mahirap. pero ang importante, We are moving forward, chaka masaya. ayus!

10. The best ang mga songs dito!!!! grabe. at dinownload kong lahat ang insert songs kagabi. hahhaa. ganda kasi nakakadala ung songs. may translation naman kaya naiintindihan. hahaha. chaka ang gaan ng feeling. pang relaks kumbaga. winner!

Ayun. overall, ayus ang story. mejo magaadjust lang ng onti pag nasanay ka sa action/fantasy anime kasi mejo slow dun. Pero nakakawili talaga kasi pag pinanood, parang ikaw na rin ung bida dun. Touching yun story as in. buhuhu. **teary-eyed** comedy din naman eh kaya inde rin nakakayamot. Madami silang escapades kasi magugulo din ung mga tao dun. ^__^

yun lang. 4/5 for Hachimitsu to Kuroba. :D

0 comments: