
yes. sa loob ng mga lata na yan eh ang pinakatatago kong sikreto. hihi. 9 years ago na yan tas nakita ko lang ulet kanina kaya natuwa ako. madami na kaming pinagdaanan ng nasa loob ng mga lata ng ice cream. hahaha. mejo wala na nga akong pakelam sa kanya ngayon kaya hanggang ngayon, jan pa rin sia nakalagay haha. nangalawang na ung mga lata. ;)) pero ang saya lang kasi pag nakikita ko sia, naalala ko ang OTHER SIDE OF ME. at sa sobrang tuwa ko, naisip ko na ngayon ko na sia ilantad. hahaha.


ayun! ako ay LALAKI dati. hahaha. nangolekta ako ng text cards noon. at sobrang iniingatan ko talaga yan. ung unang lata, hanggang ilalim ung laman nia. pero ang natuwa ako jan, 98% ng lahat ng pinagsamang text cards eh puro yuyu hakusho lang. literal ahihi. tas pag pinapakita ko sa ibang tao yan, akala nila bagong bili ko lang. haha kasi everytime na bibili ako noon, tinatabi ko na kagad. praning amp.
since puro ghost fighter lang, magkkwento ako ng history nia. hahaha.
1999 natatandaan ko nung pinalabas ghost fighter sa channel 7. tas sa sobrang sikat nia, nagbenta na ang mga tindahan ng kung anu anong bagay tungkol sa kanya. tas sa sobrang hook na hook ako, nagtake advantage si manang sari-sari store sa labas ng bahay namin at bumili sia ng mga text cards para ibenta. hahah ako naman si bili pag may bagong labas. hahahhaa. actually, EUGENE D'BEST yung pangalan ng mga series ng text cards neto. pero EUGENE D'BEST 2 onwards lang ung naumpisahan kong mabili. tas ung series alam ko hanggang D'BEST 26 lang talaga ung consecutive. sobrang natawa ako kanina nung nakita kong may D'BEST 8000 pero inde ko alam pano nangyari yun. hahaha. meron ding EUGENE TURBO, MEGA, BLACK JACK, DELUXE at.... JACK N POY <-- dito talaga nabuo ang araw ko. hahaha.
ayun. marami kaming pinagdaanan ng mga teks ko. dati nakaclear book pa sila. eh may time na nagalit ung tatay ko kasi araw araw ko silang kinakausap at inde na daw ako nag-aaral kaya sinira at tinapon nia. siempre pinaghirapan kong kolektahin yun kaya pinulot ko ulet sila sa basurahan at napadesisyunang ilagay sa lata ng selecta. hahaha. tas tinago ko na sila ever. :P


ayan at tinopak ako, nilabas ko silang lahat! at sobrang nagtaka ako kung bakit mas dumami ung eugene ko kesa kay dennis. alam ko noon si dennis ang pinakamarami (wag pansinin ang mga kalaban! marami talaga sila. hahha). siguro may nagbigay saken ng eugene at tinanggap ko naman. hahaha. (pinagpilitan amp) rawwrr nakaayos talaga sila sa lata na magkakasama ung teks ng bawat character. hhehe. sobrang collector's item ang turing ko dito.

ayun. inde pa tapos kwento ko. hahaha. inde kasi ako nakuntento sa teks na binebenta ni manang sari sari store noon kaya ang ginawa ko, pinili ko ung magaganda kong cards at natuto akong makipagtrade! hahha. at natuwa naman akong may nagoyo ako kaya nagkaron ako ng classic text cards --> dati ng collection ng iba at luma na. bwahahaha. yahoo
ayun. at meron din akong collection ng ibang anime teks pero inde ko na kinarir. hahha. meron akong

dragonball
>kenshin
at

hahaha ang saya. naalala ko mga kalokohan ko nung bata pa ko. eto na lang talaga ang naitabi ko sa lahat. ayun! napagtripan ko lang sila ngayon. hekhekhek.
sore ja! :D


0 comments:
コメントを投稿