水曜日, 1月 28, 2009

Ang Una Kong Pag-ibig

Malapit na Valentines! Kaya magandang magkeso paminsan minsan at magkwento ng about sa lovelife. :)

Ang dami kong adventures sa first love ko. Ang daming kailangang iadjust, iadapt ang sarili sa kung anong bago. Umiyak ako, tumawa, magwala! May mga nakasamaan din ako ng loob dahil ipinaglaban ko sia.

Pero ang tagal na rin nun. Ang tagal na at wala akong balita sa kanya. May mga times nung wala na kami, kinukulit pa rin nia ako paminsan minsan dahil sa mga inde maiiwasang pangyayari at ako lang talaga ang makakatulong sa kanya. Madami akong natutunan sa kanya at naging masaya talaga ako.

Kanina nakita ko ang ilan sa mga magpapaalala sa kanya at inde ako nagdalawang isip na magshare kahit isang picture. Super nostalgic nun. Hayyyzzz. Ayun.

Naiiyak ako at naalala kita KODAK!



HAHAHA. KODAK KOREA I MISS YOU! Ngayong Valentines ka pa nagmulto! Ipinaalala mo saken na pinagpilitan kong maging Koreano para maayos kita. Dahil una ka sa puso ko, special ka talaga! Pag napagkkwentuhan ka namin, natatawa talaga ako sa lahat ng nangyari. =))

Ingats Kodak! Fsssh! :P

0 comments: