火曜日, 12月 21, 2004

redstar

hindi lang high five ang maibibigay ko para kay redstar... which is aka lang nia.. nakalimutan ko na real name nia.. but i am aware that she's a thomasian!! galing niyang magsulat grabe.. sigurado akong malayo ang mararating ng taong to.. her dream of being a producer or director will definitely happen to her someday.. naamazed talaga ako sa mga sinulat nia.. kahit ba sabihin nating fanfic lang yun about "hua ze lei and sancai" of meteor garden.. mabibilib ka talaga sa kanya.. ung tatlong fanfic nia ay pwede ng storyline sa isang pelikula.. wow tlg.. saludo me sau...

nabasa ko kasi ung third fanfic nia last night.. entitled "The Violinist".. wala akong makabig.. sobrang ganda para sa ken.. no bias to ha dahil isa ang zaizai fanatic.. pero in fairness.. sa thirteen pages nito sa microsoft word.. namangha talaga ako ng sobra.. isa na namang kadakilaan ng pag-ibig ng lei para kay sancai.. hay.. kung gusto niong mabasa ang story na to.. ibibigay ko ang link...

http://www.winglin.net/fanfic/red_star3

aion.. basahin nio sia... sandali lang yan.. nagustuhan ko yung mga kwento nia kasi merong kakaiba sa mga iyon.. hindi ko maipaliwanag.. basta meron.. pwede sing manominate bilang best female writer awardee.. hehehe.. aion.. bale dun sa story na to.. 7 ang naalala kong eksena.. na kapag iisipin ko na ako ung nasa part ni sancai eh kulang ang life ko para pambayad kay lei sa lahat lahat ng ginawa nia para sa ken.. share ko sa inyo ung seven scenes..

1. ung picnic nila sa isang place na may stream... actually.. mas gusto ko ung moment na parehas silang nakahiga... it was their last moment na ganun.. dahil according sa story.. within 3 months time ay pagpapakasal na si SC kay dao.. tapos with matching ganda ng scene.. sobrang relaxing na feel ko nasulit nila ang moment na yun..naglabasan pa ung mga colorful butterflies from nowhere..

2. ung scene na naglalakad si SC sa center at nakita niya si lei na naka-sunglasses at may walking stick.. gosh.. di ko kaagad nakuha to.. akala ko nung una.. naka-sunglasses sia dahil kahit papano ay malungkot sia sa kasal.. para matago ung mata nia.. ang expression ko pa nga nun e.. huh? bat may walking sticks? tas yun.. naiyak na ko.. sia pala ang nagbigay ng paningin kay SC dahil nabulag si SC sa story.. oh no.. di ko tlg kinaya un.. hay.. kung ako si SC ay yayakapin ko ng todo si lei at that moment..

3. ung sa reception na nagperform si lei ng piece para sa mga kinasal.. sobrang inaccomodate pa sia ni xi men para di siya mapano... tapos kahit bulag na sia.. sobrang ang galing galing pa rin niyang tumugtog ng violin.. kuhang kuha nia ung mga nota.. at kung ilalagay ko naman ang sarili ko sa part ni SC.. di ko alam kung sisisihin ko ba ang sarili ko kung bakit nagkaganun si lei..

4. still sa reception.. nung kinausap ni SC sa lei ng sarilinan.. gay ni SC dun..magagalit din ako.. kasi tinago nila sa ken un for six months.. ni hindi nila hiningi ang permission ko.. at hindi rin naman ako papayag na gawin nia un.. mas pipiliin ko pang mabulag na lang forever kaysa sia... ang tanga tanga nia.. hinayaan niang hindi na makita ang magaganda sa buhay para lang sa ken.. aion..

5. nung umattend sila ng concert ni lei sa paris.. naging international violinist kasi sia sa story.. tapos ung favorite self-composed na piece ni lei na entitled na wedelia ay tinugtog nia sa maraming people.. grabe... kahit matanda na sia eh si SC pa rin..

6. nung namatay si lei.. ganun pa rin itsura nia.. tumanda nga lang.. pero nilibing sia dun sa location kung saan sila nag-picnic ni SC 50 years ago..tapos naglabasan ulit ung mga colorful butterflies from nowhere.. tapos parang binulungan ni lei si SC na "Don't be (afraid).. i'm just around" kahit patay na sia..

7. last.. nung namatay si SC at pinili din niyang ilibing sa same spot na pinalibingan kay lei.. dun sa place na maraming wedelias.. saksi ung apo ni SC dun sa paglabas ulit ung mga butterflies..kaya pinili niyang mailibing sa tabi ni lei eh parang pambayad na nia sa lahat ng kabutihan ni lei para sa kanya...

un.. astig tlg ung story.. worth reading tlg.. sobrang kung merong lalaki na gagawa nun para sa ken.. hay.. hindi ko alam kung sa panong paraan ko sia mababayaran.. wish ko si ZAI.. ay naku kung si ZAI.. di ko na sia papakawalan.. ayon.. grabeng pag-ibig tlg.. unselfish.. unconditional..whoa!! ideal man ko tlg si Hua Ze lei.. sobrang ideal...kung ganyan na ganyan din ang ugali ni zai sa totoong buhay pagdating sa pag-ibig.. he's worth dying for.. grabe..

irerecommend ko din ung other two fanfics din ni redstar..

http://www.winglin.net/fanfic/red_star --> hua ze lei's confessions.. rating ko dito sa very good... ganda rin..

http://www.winglin.net/fanfic/red_star2 -->sunset at taipei... eto ang favorite ko sa tatlo.. tagal ko nitong nabasa..dinama ko.. the best to.. rating ko dito ay ano ba.. excellent?!? outstanding?!? basta kung ano ang pinakamataas...un na un..

saludo ako sau redstar.. amazing ka!!! wish you all the best sa future mo!! :D

0 comments: