水曜日, 12月 15, 2004

siya na naman...

wala lang siguro akong maipost kaya eto na lang ulit.. tinatamad pa kasi akong gawin ung document ng aming nstp last saturday.. pero ipopost ko na lang pag ginanahan ako..

bale yesterday.. napagtripan ko lang... gamit ang account ni bes tan sa friendster.. binasa ko ang mga testi about sa kanya.. at in fairness... ang dami kong nadiscover... ahiih.... wala lang talaga.. patay tlg ako pag may nakabasa nitong related sa taong yun.. pero sa tingin ko naman ay hindi mababasa...

1. QUITS NA KAME - nalaman ko na sobrang martir etong taong to.. base kasi sa aking nalalaman ay nakakaisa pa lang sia... at sabi sa testi.. sobra sobra daw niang minahal ung taong yun... gusto ko lang sabihin na quits na kame.. kc sa tingin ko ay napaiyak sia nung girl na yun.. HAAHAHAHAH.. funny... e ako.. sa panahong martir din ako.. e ang sabi ko.. "iiyak din yan!" at.. nangyari nga siguro... kaya his forgiven about that..

2. PANG-AASAR KING - tama ito!! sa loob ng maikling panahong pagkakaibigan ay naexperience ko yan sa kanya.. grabe... sa kahit kanino.. kahit ano.. ay aasarin ka niya.. parang hindi na siya maubusan na pang-asar..

3. MATALINO - alam ko ay oo.. pero never ko naman siyang naging school mate,, ayon lang naman yan sa taong nakapaligid sa ken..sabi din yan dun sa mga testi sa kanya.. kay feel ko na may mararating toh! ching!! nayahayayayaya

4. MABAIT daw - nyahaha...ewan ko din toh.. hindi.. joke lang.. mabait yan!!! isa sa yan sa mga naging closest friends ko ever.. dahil madali lang siang lapitan..

5. MAY SENSE OF HUMOR - makakapag-usap kayo sa kahit anong topic.. basta kahit ano.. hindi ka mabobore pag kausap mo yang taong yan!! ang masama nga lang daw e madaldal siya kapag lasing!!.. nyahaha!! sa bagay.. nangyari nga to...

mmm.. ano pa ba?? siguro pag nabasa nia to.. malaki na ulo nun.. kasi after all these years ay nagsasabi pa ako ng mga bagay na ganto about sa kanya.. basta wag lang sanang magfefeeling!!

6. ADIK SA COMPUTER GAMES - di kami prehas dito.. wala akong kahilig hilig sa mga rpg.. ewan.. gusto ko nagppc lagi.. pero hindi sa games ang line ko.. mas mabubuo ang araw ko kung makikinig lang ako ng music. pero kung sia ay adik sa computer games.. may kaadikan din naman ako.. si ZAIZAI!! nyayahaha!!

7. eto last na.. isa daw siang SENSITIBONG TAO - di ko alam toh!! sabi ng mga tao.. madali daw siang magtampo.. sa loob naman ng tatlong buwang pagkakaibigan ay hindi naman kami nagkatampuhan.. sa tingin ko nga ay nasulit ung happiness sa loob ng 3 buwan na un... kaya taon-taon ang kapalit!! nyahaha.. dito sa trait na to.. kami nagkaiba.. kasi as far as i know myself.. hindi ako magagalit sa isang mababaw na dahilan...hindi ako matampuhin na tao.. siguro dati ay may bagay na ikinagalit nia sa ken.. pero i have may reasons kung bakit nangyari yun..

mmm.. ano pa ba sasabihin ko.. basta next time.. ipopost ko naman ung tianshe ko.. la lang.. ahihih.. nga pala.. tianshe means angel!! ahihi.. ano pa ba masasabi ko.. hindi ko na alam.. basta yun lang.. trip trip lang itu!! walang personalan!

0 comments: