水曜日, 10月 22, 2008

Kahit naman nag-single ka, di pa rin ako titira...

Nyahaha. Sinabi yan ni Fabro kay Tristan... O_O ... sa pusoy. Di ko lang talaga makalimutan. Natatak sa isip yung mismong linya at lahat ng nangyari sa loob ng 2 araw na yun gaya ng:



-Malayo ang biyahe from Manila to Iba, Zambales. Tumataginting na 4-5 hours.
-Masarap dumaan sa SCTEX. Kaso, forced entry ka kapag di ka nagstop sa entry toll. At malalaman mo na forced entry ka sa exit toll na sabay pagbabayarin ka ng "lost card fee" na sobrang mahal. PESTE sila. nahighblood ako nun at first time ko sumabat talaga sa buong buhay ko. >_<
-Kung sa loob ng 2 araw ay puro karne ang pagkain mo (sinigang na baboy, pritong baboy, barbeque, liempo, hotdog, corned beef) sulasok talaga ang abot mo. PARTIDA, 2 araw lang yun! pano pa kaya pag isang linggo hahaha patay na tayo. :P
-Mahirap magpusoy pag malaki ang baharang gamit mo.
-Maraming militar sa daan nung araw na yun at may nagexhibition na manong sa daan para magpaimpress sa mga militar. hahaha.
-Sobrang masaya ang ADVANCED watches ni Asher at ang AKIN series nila tristan, pau, gani, at jm.
-Kahit masarap sa beach, babalik at babalik ka pa rin sa pool! hahaha.
-Wag magsusuot ng trunks kung itatago din lang.
-Masarap magslide sa pool at magpatangay sa alon sa beach. Parang bata pero masarap talaga! hahaha
-Mahirap mamangka! Pag di ka marunong at maliit ang sagwan, paikot ikot ka lang. :))
-Kumakanta talaga si asher sa videoke!
-Wala kang maiuuwing souvenirs at pasalubong pag sa zambales ka pumunta.

at marami pang nangyari. Ang saya. Walang boring moment dahil maya't maya may ginagawa. At natuwa ako na sakto ang 51 songs sa playlist ko para sa 5 oras na biyahe. Feel na feel ko nung kumanta ung "ROAD" na swak sa feeling na country road. Weee.

Next year ulet friends! Salamat sa pagpush ng event na to. AYLABYU CSD!

Feeks feeks -> DITO!

^_^

0 comments: